[ IT'S NOT THE NUMBERS THAT COUNTS ]
Lei's POV
Napangisi ako nang makita ang maliit na pasa sa gilid ng labi ni Czcak. Kakalabas lang niya sa sasakyan. Hilux ang dala nito ngayon.
Ako ang bumukas ng gate at pinapasok ito sa loob kasama ang kotse niya.
" Leeeii! " napalingon ako ulit sa sasakyan nang lumabas ang bulto ni Dea.
" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya na nanlalaki ang mata.
" Gulat ka ba? Mas gulat akong nakatali kana " pabiro niyang sabi saka humalakhak. Napairap naman ako at tinalikuran siya.
Nauna na ang kumag sa loob kaya naman ay hinapit ni Dea ang kamay ko at napayakap doon.
" Hindi naman siguro nangangain ng tao yang tatay mo ano? " ika pa nito nang makapasok kami. Dire-diretso lang kami at ni hindi tinapunan ng tingin ang sala.
" Nope. He may act like monster but he don't eat human. Herbvivore yun " I joked.
May tumikhim sa likuran namin at paakyat na sana kami. Nilingon naman iyon ni Dea kaya ay napalingon din ako.
Nakita kong prenteng nakaupo si Czack sa sofa sa harap niya ay si tatay na parehas nakatingin sa amin.
" Hala! Hello po sir good morning! I'm Dea po. I am a friend of your daughter Sianlei. " napatayo si tatay at saka ay lumapit. Kinamayan nito si Dea at tumango.
" I'm glad to see a friend of Sianlei. Nice meeting you Dea. And thank you for coming to help Sianlei. " he said and smiled. Wow improving at hindi mukhang dragon.
" Nako wala po iyon sir! " Dea seems happy and she's not stiff as before.
Pumanhik kami ni Dea sa kwarto ko at doon ang mga nakakahn kong gamit at may label sa taas.
Kakaunti lang rin naman ang kagamitan ko. Mga damit, libro, at iba pang kagamitan sa pag aaral at ilang picture frames namin ni nanay.
Isinuot ko ang backpack ko na naglalaman ng laptop, Ipad, cellphone at ilang notebooks at libro ko.
" Ba't mo alam na lilipat ako? " I asked Dea as we sat in my bed.
" Hindi ko alam ah. May ipinakuha kasi sakin si Ms Acieka sa'kin na mga old notes at libro daw ni Czack noon. Baka raw makakatulong sa paparating na exam. Kaya ayun pumunta ako sa kanila. Sakto nakita ako ni Czack sabi niya pupunta raw siya sayo. Sumabay ako hehe" she said.
Napatango tango naman ako.
" Hindi ka ba busy? Baka mamaya niyan naabala kita? " ika ko naman at napailing siya.
" Ayaw mo ba akong makasama? " sabi pa niya at marahang tinapik ang dibdib na tila nasasaktan.
Nagtatawanan kami ni Dea nang bumukas ang pintuan. Tong isang to hindi marunong kumatok kaya napatigil kami sa pagtawa ni Dea at inumpisang buhatin ang ilang box na magaan.
" Drive safely Czcak. Take care of my daughter " tatay said nang nasa loob na kami ng kotse at paalis na.
" I will tito " tumango si tatay sa itinugon ni Czack at nag umpisa nang lumayo ang koste sa bahay namin.
" Gosh! " napalingon ako kay Dea sa likod sa biglang pag sigaw nito. Si Czcak ay napasulyap din sa kanya sa pamamagitan ng rear view mirror.
" Sorry. Hindi lang makapaniwala sa nangyayari. " she said and raised her hand with a peace sign.
" Hoy Czack ikaw kilala kita kahit di tayo close alam na alam kong babaero ka. Umayos ayos ka sa kaibigan ko. Kahit fan na fan niyo ako jusko! Isusumpa kita kapag may luhang tumulo sa mga mata niyan " ang boses ni Dea ang dumadagundong sa bawat sulok ng kotse. Czack just chuckled.

BINABASA MO ANG
Stuck In Every Mess
RomanceShe was known for her brain, talent, and beauty. And not just that but also because she was a rumored daughter of a whore. She haven't met her father not until a tragedy happened. Sianlei Vista la Fiertè. An accelerated teen ager who's studying in...