March 14 2009
Tumatakbo sa kawalan si Caitlyn. Lumingon siya sa likod at napansin nya hinahabol siya ulit ng kadiliman. Kinakain ng kadiliman ang mga nakikita ni Caitlyn sa paligid.
"Kahit anong gawin mo CAITLYN!!! Hindi mo ako matatakasan!!" isang sigaw na mula sa kadiliman.
Huminto si Caitlyn at hinayaan niya kainin siya ng kadiliman. Hanggang sa wala na siyang makita, kahit ang kanyang pag hinga at sarili niya hindi na niya marinig. Kahit ang pagtibok ng pulso at puso niya hindi na niya maramdaman. Para siyang patay na wala nang pakiramdam, ni marinig at makita wala na rin. Pero hindi pa rin sumuko si Caitlyn. Nasira niya ang seal na nagpapagana nang kapangharian sa kadiliman. Unting unti bumabalik kay Caitlyn ang kanyang pakiramdam, ang paningin at ang kanyang pandinig.
"Totoo nga talaga ang sinabi ni Thanatos sa akin, na masyado kang makapangyarihan." sabi ng lalaki na laging nagpapakita at nagtatangkang patayin si Caitlyn sa panaginip.
"Kaya ba gusto mo akong patayin. Dahil masyado ako makapangyarihan." tanong ni Caitlyn sa lalaki.
"Tama!! kaya wag muna akong pahirapan pa. At para matapos na rin ang aking mission." sabi ng lalaki kay Caitlyn.
"Wow naman, mission mo yan eh! So kailangan mong paghirapan. At tsaka buhay ko rin ang nakataya dito. Kaswerte mo naman kung ikaw lang ang makakapatay sa akin." nakangiting sabi ni Caitlyn sa lalaki.
"Ibang iba ka na talaga Caitlyn. Ni hindi mo na nga maalala ang mission at pakay mo kung bakit nabuhay ka pa ngayon sa panahon eto. Kahit nga ako hindi muna rin maalala." sabi ng lalaki kay Caitlyn.
"Oo nga pala noh, Pasensya ka na ahh, pero ano na nga ulit pangalan mo?" tanong ni Caitlyn sa lalaki.
"Icelus, one of the four Devastating Elite Vampire Assassin o Deva." pagpapakilala ni Icelus kay Caitlyn.
"Ohh... Nice to meet you Icelus. Pero kahit na isa ka pa sa mga DEVAs, hindi mo ako kayang patayin." sabi ni Caitlyn kay Icelus. sabay lumabas ang itim na tagabantay ni Caitlyn.
"Inaamin kong hindi ko nga kaya, dahil sa black spirit guardian mo." sabi ni Icelus kay Caitlyn.
"Hindi mo naman pala kaya ako patayin, At ang kapal pa ng mukha mo. Hindi ka ba nagsasawa na lagi mo na lang ako dinadalaw sa panaginip ko? Kung ako ang tatanungin mo. SAWANG SAWA na ako sa pagmumukha mo!!" inis na sabi ni Caitlyn kay Icelus.
"At isa pa, Hayaan mong ipa kilala ko sayo ang aking black spirit guardian. Meet Minos." nakangiting sabi ni Caitlyn kay Icelus.
"Maswerte ka nga dahil may tagabantay ka nagproprotekta sayo." sabi ni Icelus kay Caitlyn.
"Hindi lang naman si Minos ang pwedeng promotekta sa akin. Dahil hindi lahat ng panahon pwede siyang lumabas diba?!" sabi ni Caitlyn kay Icelus.
"Hahaha... wag mo sabihin na, ang isa pang pwedeng promotekta sayo ay isang ordinaryong hampas lupang lalaki na may puting aura. Nagpapatawa ka ba?!" insultong sabi ni Icerus kay Caitlyn.
Nag init ang dugo ni Caitlyn sa sinabi ni Icelus at biglang nagbago nang anyo ang kanay kamay niya, Mga mahahabang kuko na kasing talim ng espada.
"Pakiulit nga ang sinabi mo kanina." sabi ni Caitlyn kay Icelus.
"Bakit Caitlyn? Nasaktan ka ba sa sinabi ko, na isang hampas lupa lang ang lalaking yun!" sabi ni Icelus kay Caitlyn.
BINABASA MO ANG
Luminaire (on going series)
ФэнтезиSi Arzen ay isang napakababaero at matalinong estudyante. Lahat ng babae ay kaya nyang paikutin sa kanyang palad nya. Hanggang sa dumating ang babaeng magpapatino sa kanya at mamahalin nya ng lubusan. Pero hindi nya inakala na ang babae yun ay isa p...