Chapter 5: Betting

58 3 0
                                    

Uwian na, tapos na ang unang araw ng pasok ng mga estudyante. Habang nagtipon tipon ang grupo ni Arzen sa dati nilang tambayan.

"Kompleto na naman ang barkada. Ang sarap sa pakiramdam na lagi tayo magkakasama, lalo na sa mga kalokohan, tawanan, sa pikunan at pati sa biruan. Sana magkakasama pa rin tayo hanggang sa Colleges." sabi ni Arzen sa mga kasama niya.

"Oh? tapos ano klaseng drama na naman niyan Arzen?" sabi ni Gerald habang nakataas ang isa niyang kilay kay Arzen.

"Wala yun!" sabi ni Arzen habang nakangiti.

"Mukhang masaya ang chickboy natin ahh.." sita ni Maliazar kay Arzen.

"Bakit masama bang maging masaya. ahahaha!" tawa na sabi ni Arzen kay Maliazar.

"Talaga lang ah..." dagdag na sabi Reeve kay Arzen.

"Sus! palusot lang niya yan. Sigurado akong naiinlove ka na sa girlfriend mo nuh!" sabi ni Eljohn kay Arzen.

"Teka teka! nakakalimutan niyu na ba na apat ang girlfriend niyan. Ahaha!!" sabi ni Maliazar sa kanila.

"Hahaha!" natawa si Arzen sa sinabi ni Maliazar.

"Eh, Sino naman sa apat ang nagpapangiti sayo?" tanong ni Gerald kay Arzen.

"Uhm... Hulaan niyo." sabi ni Arzen sa mga kasama niya.

"Baka si Ms. Holy Trinity na yan." sabi ni Eljohn.

"Yan ba yun chikka babe na malaki ang bumper!" dugtong na sabi ni Maliazar.

"Oo yun yon!!" sabi ni Eljohn kay Maliazar.

"Ahaha.. Mali!! never ko nagustuhan yun. Para siyang may anak sa itsura niya." sabi ni Arzen kina Eljohn at Maliazar.

"Oh baka naman si Ms. DT Academy." sabi naman ni Reeve sa mga kasama niya.

"Hep! hep! hep! Diba siya yun half Japanese na naging Ms. Intrams last year sa kanilang campus!" dugtong ni Maliazar.

"Teka! wag mo sabihin sineryoso mo yun?" tanong ni Maliazar kay Arzen.

"Mas lalong hindi! Ginamit ko lang siya para makapasok sa campus nila. Ahaha..." natatawa sabi ni Arzen kina Maliazar.

"Pero sa totoo lang, wala naman talaga ako intensyon na seryoshin silang apat eh" sabi ni Arzen sa kanila.

"Yan ang Arzen na kilala namin, na kahit kailan hindi nag seseryoso sa nga babae!" sabi ni Gerad habang naka-akbay kay Arzen.

"Teka teka! may naisip ako." sabi ni Maliazar sa kanila.

"Aba! gumagana pa pala yan kokote mo kala ko nangalawang na dahil sa kaka skateboard mo." biro na sabi ni Reeve kay Maliazar.

"Kaysa naman sayo, wag kang mag hehead spin baka mag mukhang map yan buhok mo." banat na sabi ni Maliazar kay Reeve.

"Ohh.. easy lang guys! nag kakainitan na naman kayo eh." awat na sabi ni Gerald.

"Pasalamat ka wala ako alam sa martial arts. Street fighting lang ang alam ko." sabi ni Maliazar kay Reeve,

"Buti alam mo." pagyayabang ni Reeve kay Maliazar.

"Teka ano na ulit yun naisip mo?" tanong ni Eljohn kay Maliazar.

Ngumiti ng parang may masama na balak si Maliazar.

Luminaire (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon