"Im Late! Kuya paki bilisan nyo naman po ang pagmamaneho. First day of school eh late ako!" inis na sabi Caitlyn sa driver ng tricycle.
"Iha, Eto na ang pinaka mabilis na takbo nang tricycle." sabi ng driver ng tricycle kay Caitlyn.
"Naku naman, kuya di ka ba naawa sa akin, unang araw ko to sa school at transfer student po ako, nakakahiya naman sa school na papasukan ko pag nalate ako." sabi ni Caitlyn sa driver ng tricycle.
Hanggang sa dumating na si Caitlyn sa school. Pag kababa nya sa tricycle na sinasakyan niya at agad siyang tumakbo papasok ng school.
"Oh my god! 7:34 na pala, super late na ako! kailangan ko ng mag madali." sabi ni Caitlyn sa sarili niya.
Tumakbo ng mabilis si Caitlyn, hanggang sa madali niyang narating ang ground floor ng school. Lumingon siya sa paligid kung may estudyante o wala. Maya maya ay nakakita siya ng maliit na espasyo na nasa likod ng school.
"Ayun! Ok na dito!" sabi ng isipan ni Caitlyn.
Pinakiramdaman niya ulit kung may estudyante o wala, Lumanghap muna siya ng hangin at huminga nang palabas. At tinalon niya ang bintana ng 3rd floor. Nang makababa na siya sa bintana nang 3rd floor ay nagmadali siyang tumakbo sa korridor hanggang sa malapit na siya makapunta sa hagdanan ng papunta sa 4th floor. Laking gulat na lang ni Caitlyn nang may nakita siyang liwanag.
"Ano yun liwanag na yun, ang sakit sa mata" sabi ni Caitlyn sa sarili niya.
"Ignore, Ignore!! ligaw na kaluluwa lang yan na pinipilit umakyat sa hagdanan, o kung man maligno at engkanto yan. BAHALA NA!" sabi ng isipan ni Caitlyn.
Kaya dumeretso si Caitlyn at inisawan ang hugis tao na liwanag. Sa pag iwas niya ay pakiramdam niya ay parang tumigil ng dalawang segundo ang oras. Naramdaman niya ang di pang karaniwang aura na bumabalot sa kung ano man bumabalot sa liwanag na hugis tao. At natabig niya eto ng malakas. Nagulat na lang siya nang biglang nag salita eto.
"Aaaray koo!! Lintik na! Di man lang ako nakita sa laking kong ito. Bwisit na!!" sabi ni Arzen.
"PATAY AKO NITO!? Nag react un maligno o kung ano man yun engkanto." sabi ni Caitlyn sa sarili niya.
Dahil sa sobra takot niya di na siya nag dalawang isip na lumingon pa para silayan ang kung ano man nasagi niya. Sa sobra niya takot ay madali siya nakarating sa room. Hiningal siya sa sobra pagod.
"Ms. Glave. . you're late" sabi ng teacher ni Caitlyn.
"Sorry ma'am, Masyado kasi mabagal yun takbo ng sinasakyan ko kanina" humihingi ng tawad si Caitlyn sa kanyang teacher.
"Sige sige, Please Sit down in the back" sabi ng teacher ni Caitlyn.
"Thank you ma'am" sabi ni Caitlyn sa teacher niya.
Pumunta na si Caitlyn sa likod. Umupo. Inayos ang kanyang suot. Tinignan ang kanyang sarili sa salamin.
"Hay... salamat naman.. First day of school muntikan pa ako masermunan" sabi ni Caitlyn sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Luminaire (on going series)
FantasySi Arzen ay isang napakababaero at matalinong estudyante. Lahat ng babae ay kaya nyang paikutin sa kanyang palad nya. Hanggang sa dumating ang babaeng magpapatino sa kanya at mamahalin nya ng lubusan. Pero hindi nya inakala na ang babae yun ay isa p...