"Mundo ng mga tao... Wala silang pagpapahalaga sa kalikasan. Sinisira nila ang mga puno na tanging tirahan ng mga engkanto. Sinisira din nila pati ang dagat, na tanging tirahan ng mga serena... Wala na rin ang hangin na kay sarap linghapin. Puro usok ng sasakyan at pabrika na lang ang nalalasap... Ganyan ba talaga kalupit ang mga tao." sabi ng isang lalaki na nakatayo sa ilog.
"Kaya nga galit ako sa mga tao." sabi ng isang matandang babae na mangkukulam, sa lalaki na kasama niya nakatayo sa ilog.
"May araw din sila at pagbabayarin nila ang mga ginawa nilang pagsira sa mundo." sabi ng lalaki.
Isang portal ang ginawa ng matandang mangkukulam sa tubig sa ilog, para lumabas si Icelus at makapasok sa mundo ng mga tao. Ang mga piling mangkukulam lang ang pwede makapag bukas nang portal sa ibang mundo patungo sa mundo ng mga tao.
"Maligayang pagdating sa mundo ng mga tao." sabi ng matandang babae.
"Salamat at pinagbuksan niyo ako nang pintuan, dito sa mundo ng mga tao." pag papasalamat ni Icelus sa mangkukulam.
"Salamat din sa inyo, mahal kong kamahalan. " sabi ni Icelus sa lalaki.
"Sige, makakaalis ka na. Gawin mo na ang mission na ibigay sa'yo na ating mahal na reyna." sabi ng lalaki kay Icelus.
"Makakaasa po kayo na magtatagumpay ako." sabi ni Icelus sa lalaki.
Tuluyan nang umalis si Icelus.
"Mauna na rin ako Matandang Stellar." sabi ng lalaki sa matandang babae.
"Sige po kamahalan." sabi ni Stellar sa lalaki.
Si Stellar ay isa sa pinakamatandang mangkukulam sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga pinakamalakas at isa rin siya sa mga nakakapagpabukas nang portal sa ibang mundo, papunta sa mundo nang mga tao. Ang mga mangkukulam ang siyang nag aalaga at nag papalago nang mga puno sa mga bundok. Kaya galit si Stellar sa mga tao dahil sa pagsira nang mga puno sa mga kagubatan.
"Ilan gabi na lang ay lalabas na din ang bilog na buwan. Humanda ka Caitlyn at magkakaharap na rin tayo. Ipaparamdam ko sa iyo ang paghihiganti ko, AHAHAHAHAHA!!!!" sabi ni Icelus.
Plaza
Nakaupo si Icelus habang tinitignan niya sina Caitlyn at Arzen habang kasama nila ang mga classmate nila. Isa sa mga kasama nila Caitlyn ang nakapansin kay Icelus. Umalis siya para hindi paghinalaan.Maya maya ay binalikan niya ulit at nagbabakasakaling maabutan niya na mag isa na lang si Caitlyn. Pero wala na siya nadatnan. Bigla na lang may nagsalita mula sa likuran ni Icelus.
"Wala na sila diyan, at kanina pa nakaalis."sabi ni Reeve kay Icelus.
Humarap si Icelus kay Reeve, pero hindi nga lang siya makatingin nang maayos sa mga mata ni Reeve.
"Bakit hindi ka makatingin nang diretso sa akin?" tanong ni Reeve kay Icelus.
Hindi umiimik si Icelus sa mga tanong ni Reeve.
BINABASA MO ANG
Luminaire (on going series)
FantasySi Arzen ay isang napakababaero at matalinong estudyante. Lahat ng babae ay kaya nyang paikutin sa kanyang palad nya. Hanggang sa dumating ang babaeng magpapatino sa kanya at mamahalin nya ng lubusan. Pero hindi nya inakala na ang babae yun ay isa p...