"Caitlyn, aalis na pala kami bukas." sabi nang isang batang lalaki na nakaupo sa duyan.
"Saan kayo punta?" tanong ni Caitlyn sa batang lalaki habang nakaupo din sa duyan.
"Ewan? Sabi kasi ni mama punta daw kami sa malayo" sagot ng batang lalaki kay Caitlyn.
"Basta balik ka dito sa atin ahh.. Hihintayin kita." malungkot na sabi ni Caitlyn.
"Wag na lungkot. Sige ka papangit ka niyan." sabi ng batang lalaki kay Caitlyn.
"Hindi naman ako lungkot ohh." pilit na ngumiti si Caitlyn sa harap ng batang lalaki.
Hinawakan ng batang lalaki ang kamay ni Caitlyn at mismong batang lalaki ang nag pinky swear at sinabi niya.
"Ako promise balik dito. At ikaw gusto ko kasama habang buhay. Ikaw promise din."
"Ako promise hintay kita dito. Ako promise.... gusto ko..... makasa... ma habang bu....hay" umiiyak na sabi ni Caitlyn sa batang lalaki.
"Wag na iyak. Ngiti ka na ohh.." pinipilit pinapangiti si Caitlyn ng batang lalaki.
"Pero... di ko mapigilan umii.. " napansin niya biglang umalis ang batang lalaki sa duyan.
Tumakbo ang batang lalaki sa may bulaklak. Kinuha niya ang bulaklak at natinik eto. Bumalik siya kay Caitlyn para ibigay yun bulaklak.
"Eto ohh pulang bulaklak, para di ka na iyak." iniabot ng batang lalaki kay Caitlyn.
"Hehehehe..." napatawa si Caitlyn kasi hindi niya alam ang pangalan ng bulaklak.
"Yan! ngiti na siya." nakangiti sabi ng batang lalaki kay Caitlyn.
"Salamat ahh.." nakangiting sabi ni Caityn sa batang lalaki.
"Halla dugo!" nagulat si Caitlyn sa pagkakita sa daliri ng batang lalaki, na natusok sa pinagkuhanan niya ng bulaklak.
Hinila niya ang daliri ng batang lalaki at sinipsip ni Caitlyn yun may dugo na daliri. At unting unti dumidilat ang mga mata ni Caitlyn. isang liwanag ng araw ang nasilayan niya sa kanyang pagkakahiga. Pero hindi pa rin niya matandaan kung sino ang batang lalaki sa kanyang munting panaginip.
Lunch Break
Walang kasabay kumain ng tanghalian si Caitlyn, kaya mag isa niya lang nakaupo sa kanilang room. Habang ang kaibigan niya si Shelly ay umuwi sa kanila. Sina Naomi at Marie naman ay pumunta ng park para makipagkita sa kanilang mga kasintahan.
"Nagugutom na ako. Ang pangit naman kung walang kasabay kumain. Baka sabihin nila eh Loner ako. Walang friendship. Bat' kasi pa kasi umuwi si Shelly ngayon. 'Yan tuloy," Sabi ni Caitlyn sa kanyang sarili.
"Hayyy. . . . . ." Hinawakan niya ang kanyang tyan.
Biglang nag iba ang pakiramdam ni Caitlyn. Unting unti nagsisitindig ang kanyang bahalibo at kinikilabutan.
"Ohh... My god!! Ano meron at parang may something na..." Unting unti niyang iniikot ang kanya ulo para makita niya kung ano ang meron sa kanyang likod.
BINABASA MO ANG
Luminaire (on going series)
FantasySi Arzen ay isang napakababaero at matalinong estudyante. Lahat ng babae ay kaya nyang paikutin sa kanyang palad nya. Hanggang sa dumating ang babaeng magpapatino sa kanya at mamahalin nya ng lubusan. Pero hindi nya inakala na ang babae yun ay isa p...