Chapter 1: Arzen Christopher

137 3 2
                                    

March 13 2011

3:00am


Biglang bumangon si Arzen sa kanya pag kakahiga, pawis na pawis at nanginginig sa takot. Hindi niya aakalain na mapapaginipan na naman niya ang bagay na yon. Paulit ulit ang panaginip niya nitong mga nakaraan araw. Hindi niya maisip kung isa ba eto babala para sa kanilang dalawa ni Caitlyn, o kathang isip niya lang eto sa kanyang panagipin. Maya maya kinuha ni Arzen ang kanyang cellphone para tawagin si Caitlyn. Pero hindi eto sumasagot. Kaya tinext na lang niya si Caitlyn.


FROM: Caitlyn

Good morning Myluvcoh. Happy 2nd Anniversary sayo. I love you so much. Kita tayo later.

Nang matapos niya itext si Caitlyn, ay tumingin si Arzen sa bintana ng kanyang kwarto. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Tinitigan niya ang isang madilim na lugar kung saan may isang anino na hugis tao. Ilan segundo lang ang lumipas ay unting unti na niya nakikita ang madilim na lugar dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Tinitigan niya pa ito ng mabuti, at nang malapit na mailawan ng buwan ang anino na hugis tao ay bigla na lang etong nawala.

8:00am

TOK! TOK! TOK!

"Arzen! Gising na! akala ko ba aalis ka ngayon" Sigaw ng tito ni Arzen.

Nagising si Arzen sa sobrang lakas ng sigaw at pag katok ng kanyang tito. Humilata pa si Arzen sa kanyang higaan. Iniisip ang panagipin niya kaninang madaling araw at ang anino na hugis tao na nakita niya sa labas.

"Arzen! Gising na! Tanghali na!" Muling sumigaw ang tito niya mula sa baba ng kanilang bahay.

"Ayan na! po!" Sigaw din ni Arzen habang nakahiga pa sa kanyang higaan.

"Bumangon na dyan at nakahanda na yun agahan natin" Pasigaw na sabi ng tito ni Arzen.

Nagulat at nag taka si Arzen sa huling sinabi ng tito niya.

"Agahan? Pero ako naman lagi nagluluto ng agahan ah. Aba! himala at naisipan niya rin mag luto" sabi ni Arzen sa kanyang sarili.

Hindi niya inakalang magluluto ng agahan ang kanyang tito. Kaya Bumangon na si Arzen sa kanyang higaan at kinuha ang larawan ng kanyang pamilya.

"Good morning, mama, papa, at sa bunso kong kapatid. Miss ko na kayo." sabi ni Arzen habang hawak niya ang larawan ng kanyang pamilya.

Nalungkot bigla si Arzen dahil sa sobra ulila sa kanyang magulang. Isang taon na ang lumipas mula umalis ang pamilya niya at pumunta ng United State. Nag paiwan si Arzen dahil ayaw niyang iwan si Caitlyn dito sa Pilipinas. Wala rin nagbabantay sa kanilang bahay kaya nag paiwan siya. Maya maya ay naligo na si Arzen, nagbihis at nag ayos ng kanyang buhok. Bumaba na siya nang may bigla siya narinig.

"Ang tagal naman bumaba ng pamangkin mo." isang boses babae na mula sa kusina.

"Baka naligo pa yun, kasi aalis siya ngayon at makikipag kita sa kanyang girlfriend." sabi ng tito ni Arzen sa babae.

"Sinasabi ko na nga ba eh! may babae na naman dito sa pamamahay ko." sabi ni Arzen sa kanyang sarili.

Bumaba na ng diretso si Arzen.

"Ohh ayan na pala siya." sabi ng tito ni Arzen sa babae

"Siya ba si Arzen? Ang gwapo nya at ang kisig ng katawan." sabi ng babae sa tito ni Arzen

Pero di pinansin ni Arzen ang kanyang tito pati ang babae. Dumiretso na si Arzen sa pintuan para lumabas.

"Arzen hindi na ka ba mag aalmusal? Ayaw mong tikman ang luto ng bhebhe ko, ang sarap kaya ng luto ng niya." sabi ng tito nya habang inaalok siya ng almusal

Luminaire (on going series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon