Gulo #6

0 0 0
                                    

ANIM

KASSEL POV

"Ang laki pala talaga ng eskwelahang 'to! Grabe. Hindi man lang kumalahati ang laki ng dati kong i-skul. Tapos, ang gagara pa ng mga sasakyan doon sa paradahan at ang mga estudyante pa, halatang ang yayaman talaga," manghang saad ko papasok sa Cool—este Coll pala, sabi ni Tatang. Muntik pa akong mapalo ng tungkod niya sa maling pagbigkas ko kanina. Ang OA, ha.

"Parang hindi naman ako nababagay dito," Mahinang saad ko at napabuntonghininga.

"Ano ka ba, Kassy-dear. Don't think of that, 'kay? Kung hindi ka nababagay dito, what more pa kaya kung mga bitches sa paligid. Don't degrade yourself. What happen to the ever positive Kassel? You're so maganda kaya! Like me, of course," Medyo maarteng sabi niya sabay hawi sa buhok. Ang taray ng lola n'yo!

"Where's your classroom, Kass? Let me accompany you there." Aniya na inilingan ko.

"Wag na. Malalayo ka pa. Ituro mo nalang kung saan ang room ng STEM 12, room 06," Sabi ko. Gusto pa niyang umapela pero pinandilatan ko lang siya ng mata. Sa huli, wala siyang nagawa kundi ituro kung saan.

"It's in the second floor in that," sabay turo niya sa building sa unahan lang namin, "Senior Highschool Building. Just look for the signage for room 06. It's in the right side of the door." Aniya na ikinatango ko.

"Just be careful, Kass. Wala kami dun in case na may bullies na lalapit sa'yo. Let's just meet in the cafeteria later, okay? We'll wait you there. Make friends, 'kay? See you later!" Huling sabi niya bago umalis. Malalim akong buntonghininga. This is it, pansit. Eto na ang hinihintay mo, Kassel De Jesus. Kaya mo'to. Aja!

Kaagad akong dumeritso sa sinabing direksyon ni Keyser. Sa second floor. Maya-maya pa ay nakita ko na kung saang room ko. Kanina ko pa rin napapansin ang mga tinging ipinupukol sa akin ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Madali rin kasi ako mapapansin dahil na rin hindi ako naka-uniporme. Bukas ko pa kasi daw susuotin, sabi ni Tatang dahil transferee naman ako. Hays. Kinakabahan na'ko.

"What? Are you just gonna stand there all day? You're blocking my way, Miss."

"Anakngpitungpu'tpitongputingtupa!" Bigla akong napahawak sa dibdib sa sobrang gulat at nanlalaki ang matang lumingon sa taong nagsalita. Unang tumama ang aking tingin sa kaniyang leeg. Unti-unti akong tumingin paitaas at napansin ko ang kaniyang pangang parang hinulma ng isang napakagaling na iskulptor. Ang kaniyang labing mamula-mula na dinaig pa ang akin. Ang kaniyang ilong na napakatangos. Ang kaniyang matang klarong-klaro ang kulay bughaw na sinamahan pa ng matataas na mga pilik-mata. Napansin ko rin ang kaniyang nunal sa gilid ng kaliwang mata. Ang kaniyang makapal na kilay na muntik ng magdikit sa sobrang kunot ng kaniyang noo. At ang huli, ang itim niyang y buhok na parang kumikintab. Ang gwapo, sizt!

Mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso nang unti-unti itong humakbang papalapit sa akin kaya napaatras ako. Laking gulat ko nalang nang lampasan ako nito sabay sambit, "Close your mouth, stupid."

Doon lang ako natauhan. Hindi ko namalayan na nakaawang na pala ang aking bibig. Grrr. 'Kala mo naman ang gwapo-gwapo niya. Wala pa siya sa kalingkingan ng papa ko uy! Masama ang loob na nagmartsa ako papasok ng classroom at dumeritso sa pinakadulo na malapit sa bintana. Nahagip pa ng aking paningin ang kaniyang nakakairitang ngisi kaya inirapan ko siya. Hmp!

Kassel De JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon