TATLO
Kassel POV
"Miss Kassel, nandito na po tayo."
Isang boses at maraming katok ang nagpagising sa akin. Napahikab ako at nag-inat. Takte, napahaba pa ang tulog ko.
"Miss Kassel."
Napatingin ako sa pinto ng limosen at nakita ang isa sa mga nagsundo sa akin ay kumakatok. Nagmadali naman akong lumabas at nahihiyang ngumiti sa kanila.
"Nandito na po tayo. Welcome.... sa Casa Salvador," nakangiting ani nito kaya inilibot ko ang paningin at napanganga sa nakita.
Dapak!
Mansyon ba ito o kaharian?! Ba't ang laki? Napatingin ako sa gate at nakita na ngayo'y kasintaas na ng hintuturo ko ito. Ang lawak pa ng paligid! May estatwa pa sa gitna na naglalabas ng tubig. Ano ngang tawag d'on? Ah, pawnteyn. Sa magkabilang gilid naman ay maraming nakahilerang mga iba't-iba klase ng bulaklak. May rose pa! Bumalik ang tingin ko sa bahay... uh, mansyon pala. O, palasyo? Ay, ewan!
"Ang ganda," manghang sabi ko. Iginiya ako nila kuyang nakaitim, papasok. Bumukas naman ang isang malaking pinto na para bang higante ang nakatira dito. Sinalubong kami ng mga nakayukong mga kasambahay na nakahilera sa magkabilang gilid. Omaygas! Parang ang peymus-peymus ko na.
"Ah... eh... hello po sa inyong lahat. Hehehe," bati ko sa kanila pero wala man lang sumagot. Nagkibit-balikat nalang ako at mas lalong namangha sa nakita. Ang daming mga pinting. May malaking shandelir din at iba't-iba pang mga muwebles at dekorasyon. Kaso... kaso ang tahimik. Parang walang katao-katao. Ang lungkot ng paligid. Binulungan ko si kuyang nakaitim na nasa kaliwa ko.
"Kuya, ganito po ba dito palagi? Walang kaingay-ingay?"
Tumango siya. "Oo. Wala naman kasing kasama ang Don dito maliban sa mga kasambahay at mga guards," sagot nito. Naalala ko tuloy yung dalawang beses kong pagtanggi kay Tatang. Nakokonsensya ako. Isang malakas na buntong-hininga ang inilabas ko hanggang sa napatigil kami sa isang kulay itim na pintuan. Kumatok si Kuyang nakaitim sa kanan ko at bumukas naman ang pinto. Bumungad sa akin ang isang malaking shandelir sa bandang gitna sa itaas. May mga libro rin sa paligid. Nasa unahan naman ay may mahabang lamesa na may mga gamit. May maliit rin na parang ilaw na nakatutok sa lamesa. Lumusot ang paningin ko sa upuang nakatalikod. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid.
Malaki nga, wala namang ka buhay-buhay.
"Sir, nandito na po siya," ani ni kuyang nasa kanan ko. Unti-unting umikot ang nakatalikod na upuan paharap sa amin. Hindi na ako nagulat pa nang makita kung sino ang nakaupo dito. Biglang yumuko ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko. Eh? Yuyuko rin ba ako? Wag na nga lang.
"Hija! Mabuti naman at sumama ka!" masayang sabi ng matanda. Tipid na ngumiti lang ako.
"Kilala mo na ba itong mga lalaking nagsundo sa'yo?" tanong nya sabay turo sa dalawang lalaki kaya umiling ako.
"He," turo sa kanan ko, "—is Karim. 4-year older than you. While him," turo naman sa kaliwa ko, "—is Alonzo. Karim's younger brother. 1-year younger than you. They are just some of my butlers-in-training. Their family served mine for the last 60 years. Ang iba ay makikilala mo rin if... if and only if, papayag ka na," sabi niya na may malaking ngiti. Ngumuso ako. Palihim kong tinignan ang dalawang butlers kuno. Si Karim pala yung lalaking lumuhod sa karinderya. Nahiya tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...