LABING-APAT
KASSEL POV
Isang araw na naman ang lumipas...
Ibinaba ko ang hawak na libro at muling tinignan ang taong kaharap. "Bakit ka nga ulit nandito, Mr. Fajardo?"
Ngumiti ito sabay baba rin sa librong binabasa. "For the fifth time, Ms. De Jesus, I was assigned by Mrs. Treja to be your partner in this activity."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ang ibig mo sigurong sabihin ay nagkusa kang maging kapareha ko. Na sa kamalas-malasan pa ay hindi tinutulan ni Mrs. Treja. Tch." At pasimpleng umismid. Bahagya siyang natawa. Hindi ko nalang siya pinansin at muling nagbasa. Ngunit kahit na anong gawin ko ay hindi ako makapagpokus sa mga numero at letrang nakikita ko. Pasimple kong sinilip ang lalaki sa harapan na hindi ko na ikinagulat na kanina pa nakatitig sa akin. Nagsimula ito nang matapos ang pagkukuwentuhan namin ni Laine, eh.
"Kass, I have something to do pa pala. Hindi ko pa natatapos yung assignment ko sa programming. Mamaya nalang!" Natatarantang sabi ni Laine at kumaripas na ng takbo. Naiwan akong nakanganga habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Laine.
Napakamot nalang ako sa ulo. "Ano ba 'yan."
"Mag-isa ka yata ngayon, Ms. De Jesus."
"Ay pusang sisiw!" Napasigaw ako sa gulat at bahagyang napatalon habang hinahanap ang may-ari ng boses. Nakatayo sa likuran ko ang nakangisi at nakapamulsang si Arius Jade Fajardo.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko sabay turo sa kaniya.
Naglakad siya papunta sa tabi ko at umupo kaya umusog ako ng umusog papalayo sa kaniya hanggang sa mapunta na ako sa dulo ng upuan. Akmang lalapit siya nang pigilan ko sa pamamagitan ng pagharang ng palad ko at pinandilatan siya ng mata.
"Okay, okay. I get it," nakataas ang kamay na anas niya. Bumuntonghininga ako at mahinahon siyang muling tinanong, "Anong ginagawa mo dito?"
Lumaki ang ngiti niya na ikinakunot ng noo ko. "I accidentally saw you here alone, so I approaches you. By the way, that kick was so cool!" Bigla siyang naging parang bata na sobrang nasiyahan sa natanggap na regalo. Pero, ano daw? Kick?
"Huh? Anong sipa ang pinagsasasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.
"The way you kick Deby in the stomach. It was so cool! Also, the way you redirect the hand of Cryielle to her face when she supposed to slap you? That was sick!" Napangiwi ako sa sinabi niya. Bigla-bigla ay para siyang naging mga tropa ko dati sa Baranggay Mabuti, Hindi Mapagsamantala At Magalang pa 101 Street, kapag may binubugbog akong mga kawatan. Anyare sa masungit at nakakairitang lalaking ito na wagas kung makangiti ngayon?
"May sapi ka ba? Teka, nakulam ka yata, ah," seryosong sabi ko at lumapit para i-tsek kung may parte ba sa kaniyang nangingitim o kakaiba. Umatras ako ng kaunti nang wala akong nahanap. Hindi kaya...? Hindi sinasadyang bumababa ang aking tingin sa bandang puson niya—brrr, umiling ako sa naiisip. Hindi naman siguro.
"Sapi? Kulam? What's that?" Umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha nang magtanong siya. Nandoon pa rin ang malaki niyang ngiti.
"Wala," umiiling na sagot ko nang bigla akong may napagtanto. Napasinghap ako sabay turo sa kaniya, "Teka, nandoon ka nang mangyari ang gulong 'yon?! Nandoon ka ngunit wala kang ginawa? Ni hindi ka man lang umawat!" Gulat na may halong inis na turan ko. Umiwas siya ng tingin. Ang kaniyang ngiti ay naging isang ngiwi.
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...