Gulo #8

0 0 0
                                    

WALO

KASSEL POV

"Oh, ayan na. Tapos na mahal na reyna. Ngayon, maaari na bang umalis ang hampaslupang ito?" Nakangiti pa rin na tanong ko sabay turo sa sarili. Nakita kong kinuyom niya ang dalawang kamay pero pinilit pa ring maging kalmado. Sumeryoso ang kaniyang tingin. Humakbang ito papalapit sa akin at lumapit sa aking tainga.

"Bitch. I will let this one slide but the next time you will mess with me, get ready to face my wrath. Also, don't flirt with Nieve, especially with Zayin or else I will really drag you to hell. You understand now, missy?" Babala niya at ngumiti ng makahulugan bago mataray na umalis kasama ang mga alipores niya. Shara 2.0 na ba ito? Ang kaibahan nga lang, natural na maputi yung babaitang kaka-walk-out lang. Naliligo ata sa gatas 'yon, eh. Isa pa, ganitong-ganito yung napapanood ko sa mga teleserye eh. Aawayin nila yung bida tapos may magliligtas sa kaniyang napakagwapong lalaki na makakatuluyan niya habang buhay. Ang kaso, wala namang tumulong sa'kin. Pero kasalanan talaga 'to ni Nieve.

"Kassel, you okay? Why are you scratching your head? Do you have kuto?" Napalingon ako kay Laine nang magsalita ito. Ano raw?

"A-Ah, wala. Alis na tayo. Malapit ng matapos ang break," sabi ko nalang at nauna ng maglakad. Sumunod din naman siya sa akin.

"Sino ba 'yon?" Maya-maya'y tanong ko sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Seryosong humarap siya sa akin.

"Her name is Cryielle Erose Zaldarriaga, while the other three girls is her loyal friend slash her servants. Do not mess with her, Kass. Please, for real. I don't want you to suffer for the whole school year. Just take her advice and stay away from her and to her prospect guys," nag-aalalang aniya kaya tumango nalang ako. Pero hindi naman ako nangako, 'di ba?

UWIAN NA kaya naririto ako sa waiting shed malapit sa guard house para maghintay ng sundo. Katabi ko si Keyser sa kanan na tinabihan din naman ni Hixton. Sinamahan nila akong maghintay dahil utos daw ni Tatang. Hindi rin naman ako pwedeng sumabay sa kanila dahil may sarili akong sundo at baka magkasalisihan pa kami kung nagkataon. Nga pala, kanina pa nagso-sorry si Keyser dahil sa nangyari kaning break. Kung hindi daw sana siya umalis, hindi daw sana mangyayari sa akin ang nangyari kanina. Duh, alangan namang mapigilan niya 'yon no.

"I will really pull her hair too hard until her face kiss the floor. Wala siyang karapatang gawin 'yon sa'yo, Kassy-dear. I will make her pay tomorrow. Grrr," nanggigigil na saad niya. Natawa nalang ako.

"Tumigil ka na nga, Keys. Sabing ayos lang iyon. Isa pa, lalayuan ko na naman siya bukas kaya hindi na 'yon mauulit pa," pagpapahinahon ko sa kaniya. Hinawakan lang siya ni Hixton sa ulo at unti-unti nang kumakalma ang babaeng tigre. Hay naku. Ang hirap talaga ma-fall sa taong hindi mo alam kung sasaluhin ka 'di ba?

"Anyway, Kass, I really doubt about what you said. I'm sure your paths will cross again, lalo pa't hindi mo maaaring iwasan si Nieve. Whether you like it or you like it, he will still approach you since he's the assigned leader to watch you. Kaya kung ako sa'yo, fight Cryielle and show her that she got the wrong tigress to mess with," wika ni Hixton. Grabe naman yung 'whether you like it or you like it' niya. Para naman gustong-gusto ko talaga. Medyo assuming siya sa part na 'yon, ha.

"Puro ka kalokohan, Hixton. Isa pa, baka ma-guidance ako at magalit pa sa akin si Tanda. Baka itakwil ako kaagad 'nun. Kakaampon pa nga lang niya sa akin tapos, magrerebelde kaagad ako? Wag na uy," Pagtanggi ko at umiling pa. Natawa silang dalawa. May saltik yata 'tong dalawa, eh.

Kassel De JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon