SIYAM
KASSEL POV
"Hey, Kass," tawag sa'kin ni Laine kaya nilingon ko siya, "Pwede mo ba akong samahan sa Cafeteria? Promise, saglit lang tayo dun," nakangusong pakiusap niya.
"Ha? Baka biglang pumasok ang susunod na guro natin. Saka, malapit na rin naman ang lunch break, ah? Hintayin nalang natin, Laine."
"Please, Kassel. Hindi rin naman tayo magtatagal, eh. I just wanna see my crush. They're having their break right now and kung hihintayin pa natin ang lunch," umiling-iling pa siya, "Hindi ko na siya maabutan pa. Kaya, please?" Sabi niya at ginawang cute ang mukha. Wala na. Suko na ako. Napilitan akong tumango na ikinasaya niya.
"Hep, hep. Where are you both going?" Biglang harang ni Mr. Nakakairita sa harapan namin.
"Arius! Get out of the way. We're in a hurry, you know," pagsusungit ni Laine sa kaniya. Ngumisi lang ang lalaki.
"You're up to stalking again, Laine? Still not over on that stick ugly guy?"
"Oh, shut up, Fajardo. Not because you don't know how to play basketball, you have the rights to insult him. Oops! I'm sorry to spill your little secret. Gonna go now," pang-aasar ni Laine sabay hila na sa akin. Nang makalayo na kami sa room ay doon pa siya humagalpak ng tawa. Mabuti nalang nakalagpas na kami sa mga classrooms.
"Anyare sa'yo, Laine? Pati dun sa mga pinagsasabi niyo ni Arius," nagtatakang tanong ko. Tumigil na siya sa kakatawa at nilingon ako. Nakangiti pa rin.
"Nevermind that, Kassel. Ganyan lang kami mag-asarang dalawa. Also, when I said that he doesn't know how to play basketball, I mean it. Hindi man halata pero that's one of his weakness. He dribbles and shoot like a kid. Baka nga bata mas marunong pa sa kaniya," nakangiting paliwanag niya. Natawa naman ako. Sa wakas ay narating na namin ang Cafeteria. Hihilahin na sana niya ako papasok nang may maramdaman akong kakaiba.
"Why?"
"Laine," hindi mapakaling ani ko, "Naiihi na ako. Pasensya na pero sasabog na ang pantog ko! Magkita nalang tayo dito. Ihing-ihi na talaga ako." Sabay mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa banyo. Wrong timing naman, oh. Gusto ko sanang makita yung crush ni Laine pero baka sa susunod nalang. Muntik pa akong matumba nang may nabangga ako pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
"Haaay, sa wakas. Ang gaan na ng pakiramdam ko," nakangiting bulong ko sa sarili saka lumabas sa cubicle. Naghugas pa ako ng kamay at nag-alcohol nang may maalala. Shet! Si Laine nga pala!
Nagmadali ulit akong tumakbo papunta sa canteen. Nakita ko sa unahan na may lalaking nagbukas ng pintuan ng Cafeteria kaya ginawa ko na ang lahat para maabutan siya. Tinapik ko siya sa balikat kaya napatingin ito sa akin. Kaya, inunahan ko siyang pumasok habang nakahawak pa siya sa pintuan.
Nakangiting lumingon ako sa kaniya saglit, "Salamat, Kuya, sa pagbubukas ng pinto." pagpapasalamat ko na ikinanganga niya. Agad akong tumungo sa pwesto ni Laine. Nakita ko siyang nakatutok sa kung saan habang todo ngiti. Luh! Baliw na ata.
Sinundot ko ang pisngi niya kaya gulat siyang napatingin sa'kin.
"Kassel!" Sigaw niya kaya napairap ako. May tinuturo siya kaya sinundan ko ito ng tingin. May nakita akong mga lalaking nagkumpulan. Mga nasa lima sila. Puros naka-jersey.
"Asan diyan?" Tanong ko.
"Yung mala-koreanong maputi. Yung may hawak na bottled water," sagot niya kaya hinanap ko kung sinong tinutukoy niya. Napatangu-tango ako nang makitang gwapo nga. Tumatawa ito kasabay ng kaniyang mga kasama. Pero 'di ko bet.
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...