SAMPU
KASSEL POV
"Kassel De Jesus!"
Kanina pa sinisigaw ni Laine ang buo kong pangalan habang niyuyugyog ang dalawa kong balikat. Nahihilo na ako. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at pwersahang tinanggal. Napanguso naman siya dahil dito.
Hinilot ko ang sentido bago nagtanong. "Ano bang nangyayari sayo ha, Laine? Paulit-ulit mo ng sinisigaw ang pangalan ko. Bakit ba?" Medyo inis na tanong ko.
"Kasi naman po, ano. Zayin Carson just asked your name! That's once in a violet moon happens. In short, ngayon lang iyon nangyari! You're so lucky, girl!" Masigla na may halong kilig na sigaw niya. Ulit. Para mabibingi yata ako, ah.
Natawa si Mayca. "Pagpasensyahan mo na yang si Laine, Kassel. Hindi kasi nakainom ng gamot niya."
"Pero di nga, walang halong biro, tinanong talaga ni Carson yung pangalan mo?" Paniniguro ni Alen at sumingkit pa ang mga mata. Sasagot na sana ako nang may asungot na sumabat.
"Psh, maybe she's just hallucinating. Plus the fact that Laine's mind is polluted after seeing his stick crush," masungit na kontra ni Mr. Nakakairita habang nakasandal sa Teacher's Table at nakahalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Hindi ka kinakausap, okay. Wag kang sabat ng sabat," mataray na saad ko bago ibinaling muli ang atensyon kina Laine. Nakita ko pang natatawang napailing si Jeb.
"Teka nga, ano naman ngayon kung tinanong niya ang pangalan ko? Sino ba talaga siya?" Nagtatakang tanong ko. Nakita ko pang nagkatinginan silang apat.
"Kass, that guy is Zayin Matheo Carson. As I said earlier in the hallway, he is Grade 12-ABM Student and their Class President. He is called as Genius Prince after winning first place sa halos lahat ng mga sinalihan niya. Currently one of the Dean's Lister and," parang muling nagniningning ang mata ni Laine, "He is soooooo gwapo! Like Oh to the Em to the Gee! Kaso nga lang hindi namamansin," dugtong niya at ngumuso. Nahagip ng paningin ko ang pag-ismid ni Arius. Pinabayaan ko nalang.
"Pero hindi mo sinagot ang una kong tanong, Laine."
Umirap siya. "Duh! You are the first ever girl that he shows some interest, you know. And if ever his fan girls know about this, there will be definitely a chaos. Be careful now, Kassel." Kung talagang nananakot si Laine, pwes epektibo. Ngayon palang naiisip ko na ang mga mangyayari sa akin kapag nalaman nga ng mga fan girls ng lalaking yon ang nangyari. Cliché man pakinggan pero, my life will be like hell. Ayokooo!
Bigla silang nagtawanan kaya sinamaan ko sila ng tingin. Nang-aasar pa, eh! Bigla kong naalala ang unang babaeng umaway sa akin sa cafeteria. Lagot!
Pinanlakihan ko sila ng mata. "Wag na wag ninyong sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa nangyari. Secret lang natin ito, okay? Okay?" Pagbabanta ko sa kanila. Nagpipigil ng tawa sina Alen, Jeb at Lae kaya dinambahan ko sila ng suntok kaya napilitan silang tumango. Bumuntonghininga ako. Sana naman totohanin nila. Ayokong magulo ang tahimik kong paglipat dito.
"Aww. That's okay, Kass. We will keep it a secret. Cross my heart kahit mamatay pa si Arius. Don't worry, okay?" Hinagod ni Laine ang likod ko. Napatingin ako kay Mr. Nakakairita nang panlakihan niya ng mata ang katabi ko at umismid.
"Tch. Wag mo akong isali diyan, Lala. I don't care kung dumugin yang babaeng 'yan," masungit na saad ni Arius kaya lumaki ang mata ko. Ipagkakalat niya!
"Nakakairita ka talaga! Hmp! Hindi ka man lang naawa sa akin. Paano kung bigla akong sugurin ng mga fans niya bukas? Tapos ma-oospital ako dahil hindi kinaya ng katawan ko ang pambu-bully nila. Tapos, ma-tra-trauma ako dahil doon at maiisip kong mag-suicide. Tapos kapag namatay ako, mumultuhin talaga kita!" Inis na sabi ko at bahagya pang hiningal. Narinig ko pang natawa itong apat sa tabi ko.
"Tch. Advance ka masyado mag-isip. Stop watching those teen dramas. Kaya ka napa-paranoid, eh. Tch," aniya kaya nagniningning ang mata ko. Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Muntik pa nga akong matapilok, eh. Bahagya pa siyang nagulat nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya.
"So, hindi mo na sasabihin, 'di ba? 'Di ba? 'Di ba?" Umaasang tanong ko at ngumiti. Nakita ko pang napalunok siya habang nakatitig sa akin. Sa huli ay umiwas siya ng tingin sabay hawak sa balikat ko at bahagyang inilayo sa kaniya. Hala!
"F-Fine! J-Just get away from m-me," nautal niyang sagot na hindi ko alam kung bakit pero nakangiti akong tumango. Para akong batang patalon-talon habang pabalik sa upuan ko. Hindi na ipagsasabi ni Arius. Yehey!
"Just... Just stay away from Cryielle, Kass."
Napalingon ako kay Laine nang magsalita siya. Tumango ako dahil iyon naman talaga ang gagawin ko.
"What?!" Sigaw ni Mayca na napatayo pa kaya napatingin ang lahat sa kaniya. Mukhang bingi na ako pagkatapos nito. Hays.
"You've encountered that brat?!," Lumingon ito kay Laine, "No offense meant to you, Laine. I know you know how brat that sister of yours. And, if Kassel already met her at dumagdag pa ang interes ni Zayin sa kaniya, then she's doomed." Nanghihinang napaupo si Mayca. T-Teka, ano daw? Sister?
Nanlaki ang matang napatingin ako kay Laine na napakagat-labi nalang. "Magkapatid kayo?!"
Nakangiwing tumango siya. Patay. Wala na. Finish na. Pero—
"Hindi mo naman sasabihin, 'di ba?" Kinakabahang tanong ko. Pero magkapatid sila. At, sabi nga sa kasabihang 'Blood is thicker than water', malamang sa alamang na sasabihin niya. Pero may pinagsamahan din naman kami, ah at nangako pa siya. Kahit dalawang araw pa lang ang lumipas. Takte naman, o! Tsk. Iiwasa—
"Aray naman!" Daing ko at sinamaan ng tingin ang taong nasa harapan ko. Grrr! Nakakairita talaga siya.
"You spaced out again. Stop overthinking, dwarf. Trust Lala and others to keep your little secret," nakangising saad niya. Inirapan ko siya. Teka—
"Paano ka napunta diyan?!" Gulat na tanong ko. Blanko niya lang akong tinignan.
"Mr. Fajardo and Ms. De Jesus!
Baka gusto niyong i-share sa mga kaklase niyo ang pinagbubulungan niyo diyan?" Sarkastikong sigaw ni Mrs. Treroris, isa sa aming terror teacher. Tangina, hindi ko namalayan na may teacher na pala."Sorry po, ma'am," napapahiyang napatungo ako. Nakita ko pa ang pag-ismid niya bago tumalikod ako muling nagsulat. Nahagip pa ng paningin ko ang pagtawa nila Laine at ang pag-ngisi ni Arius at Jeb. Tangina talaga. Sinamaan ko ang likod ng lalaking nakaupo sa harapan ko.
May araw ka rin sa'kin, Arius Jade Fajardo a.k.a Mr. Nakakairita. Tss.
~Coleamythyst 🇨 🇦
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...