LABING-WALO
KASSEL POV
Lunes. Panibagong araw at papalapit na ang kaarawan ni Tatang pero... wala pa rin akong naiisip na regalo.
Sinabunutan ko ang sariling buhok. "Argh!"
"Hey, stop it! What are you doing ba?" Isang kamay ang pumigil sa akin. Iniangat ko ang tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Laine. Ibinaba ko ang dalawang kamay na nakahawak sa buhok ko at saka bumuntonghininga.
"Kasi naman, eh! Ngayong Sabado na ang kaarawan ni Ta—este ni Don Salvador... tapos wala pa akong regalo. Hmph!" Ngumuso ako at humalukipkip. Tinawanan niya ako at kinurot ang dalawa kong pisngi. Aray ko! Sinamaan ko siya ng tingin habang hinimas-himas ang tiyak kong namumula kong pisngi.
"You're so cute. Anyways, why don't you give him what he likes? Do you know anything?" Aniya kaya napaisip ako. Kung anong gusto ni Tatang? Hmm, wala akong maisip, eh.
Umiling ako. "Wala, eh. Nasa opisina lang kasi siya lagi. Tapos, sa tuwing kumakain lang kami medyo nagkakausap o kapag ipinapatawag niya ako. Kaya wala akong ideya. Saka isa pa, nasa kaniya na halos lahat, kaya ano pang maibibigay ko?" Tumango siya sa sinabi ko at bumuntonghininga. Kitams? Kahit siya sumuko na rin.
"Ah, nga pala," kinuha ko ang invitation sa bag at ibinigay sa kaniya, "Para yan sa after party na ipinahanda ko. Tutal, kagaya ng sinabi niyo ni Maica, boring kapag puro tungkol sa negosyo ang pag-uusapan nila. Kaya! Nagpahanda ako ng isang lugar na para sa ating mga kabataan! Syempre, kasama pa rin nating ang birthday celebrant bilang pangunahing pangdangal. At, pumayag naman si Don Salvador sa plano ko," malaki ang ngiting paliwanag ko. Parang nagniningning ang kaniyang mga mata at malaki rin ang ngiti.
Kumuha pa ako ng limang imbitasyon. "Pakibigay na rin pala sa iba. Isama mo na rin si Fajardo. Baka umiyak pa 'yon kapag hindi nabigyan. Tch."
Tila nanunukso ang kaniyang mga tingin kaya napailing nalang ako at tumayo. Suot-suot ko ang aking bag.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya.
"May pagbibigyan lang," ani ko bago tuluyang umalis sa silid-aralan.
Pagkalabas ko palang ay pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante sa pasilyo. Grabe. Para akong isang artista kung makatingin sila, ah. Mukhang hindi yata ako masasanay nito.
Ngayon, nandoon kaya ang taong 'yon? Panigurado, nanonood na naman 'yon ng anime. Hehe. Bilisan ko na nga lang. Nakarating na ako sa bungad ng maze. Muli ko na namang pinagmamasdan ang mga nagagandahang bulaklak at muling namangha. Grabe, hindi yata ako magsasawa sa lugar na'to.
Habang papalapit na ako ay mas lumalakas na ang pamilyar na tunog na naririnig ko. Sumilip muna ako para kumpirmahing nandito na siya... at hindi naman ako nabigo. Kahit nakatagilid siya ay kitang-kita ko ang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi.
Ang gwapo pa rin.Tumikhim ako para makuha ang kaniyang atensyon. Naibaba niya ang hawak ng selpon at nanlalaki ang matang lumingon siya sa gawi ko.
Asiwa akong ngumiti at kumaway. "H-Hello?"
"Y-You... What are you doing here?" Napatayo siya kaya humakbang ako papalapit. Tumigil ako isang metro mula sa kinatatayuan niya.
"A-Ano..." Napakamot ako sa pisngi, "Ibibigay ko lang sana 'to. Pasensya na kung nakakaistorbo ako," nahihiyang ani ko sabay lahad ng imbitasyon. Tama ba itong ginagawa ko? Hindi ba masyadong makapal ang mukha ko para imbitahin ang kilalang tulad niya? Palipat-lipat lang ang tingin niya sa akin at sa hawak ko.
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...