Gulo #13

1 1 0
                                    

LABING-TATLO

KASSEL POV

"Bueno, shall we start the meeting then?"

Tumikhim si Mrs. Patrimonio nang sabihin iyon ni Tatang. Umayos ito ng upo at nag-seryoso.

Lumingon siya sa banda nina Cryielle. "Mrs. Zaldarriaga is not here yet, Don Salvador. Maghintay mu—"

"No, Ma'am. My mother can't come. Nandito naman sina Tita Judy as my guardian. We can proceed na po," sabat ni Cryielle at seryosong tumingin kay Mrs. Patrimonio. Tumango ang huli.

"Okay," tumikhim siya ulit, "Pinatawag ko kayong lahat para pag-usapan ang nangyaring kaguluhan kanina. Itong limang batang ito ay nahuling nag-aaway sa hallway, hindi kalayuan sa Library. Base sa mga nakasaksi at sa testimonya ng biktima, which is Ms. De Jesus, Ms. Zaldarriaga and friends are the first ones who started the fight," paliwanag nito. Napatingin ako kay Cryielle dahil tagos sa butong pagtitig niya sa akin ng masama.

"The cause is not yet known but... wala mang opisyal na report ay nababalitaan ko na rin ang mga ginagagawang pambu-bully ng grupo ni Ms. Zaldarriaga. Kaya nga..." Pinagsalikop nito ang dalawang palad at ipinatong ang kaniyang baba dito, "they will receive the First Offense Punishment which is 3 days community service," dugtong nito at sunod-sunod na singhap na ang aking narinig na nanggagaling sa kabilang kampo. Pinilit kong wag ngumisi. Hehe, buti nga sa kanila.

"B-But..." Aangal pa sana si Clara, isa sa mga alipores ni Cryielle, pero pinilit nalang na itinikom ang bibig.

"H-How about t-that girl, Madam Councilor?! Napag-alaman kong sinaktan niya ang anak ko! My poor Deby is hurt too. I don't care if she's the granddaughter of the major stockholder of this school, I am a stockholder too! So, she need to be punished also!" Buwelta ng nanay ni Debyline at tinuro pa ako. Anakng, ako na mga itong naagrabyado, idadamay pa ako sa parusa.

"Kung hindi ba naman ako sinabunutan ng anak niyo, edi sana hindi ko siya natadyakan, 'di ba?" Bulong ko sa sarili at hindi sinasadyang napatingin kay Tatang na nakatingin din pala sa akin. Ako lang ba o talagang may ningning ang mga mata niya na parang natutuwa pa? Ay, oo nga pala, pinangarap niya palang mapunta dito. Anong akala niya dito, tourist spot?

"You!" Biglang sigaw ng mama ni Debyline kaya muli akong napatingin sa kaniya, "Wala kang galang! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na rumespeto at wag sumagot-sagot sa nakakatanda?!" Sigaw niya pa na ikinangiwi ko. Tangina, narinig niya pala yung bulong ko. Dinamay pa ang nanay ko.

"Excuse lang po, ha. Hindi sa nang-aano po pero... hindi naman po yata tamang idamay po ang Nanay ko dito... po. Pinalaki niya po ako ng maayos at tinuruan niya rin po akong gumalang sa mas nakakatanda po sa akin po. Bakit hindi po yung anak niyo po ang pagsabihan niyo nang sa gayon ay hindi po biglang nanabunot po ng kapwa niya estudyante po, hindi ba? Pakituruan din pong gumalang sa ibang tao po," nakangiting anas ko pero sa loob-loob ay naiinis na. Akmang ibubuka pa nito ang bibig nang unahan ko siya.

"Saka po pala, ako po ba yung walang galang? Walang respeto? Sa pagkakaalala ko po kasi, hindi ako yung nagtututuro at sumisigaw nalang basta. At saka, madali pong gumalang sa iba, pero ang sabi ng nanay ko, ang respeto hindi basta-basta ibinibigay, inaani po 'yon. Baka sakaling hindi niyo po alam 'yon... Ma'am," dugtong ko at diniinan pa ang huling salita. Umawang ang bibig niya kaya mas lalo akong ngumiti. Naramdaman kong may humawak sa ulo ko kaya napalingon ako kay Tatang at nakitang kumikislap na naman ang mga mata bagama't seryoso ang ekspresyon ng mukha. Pustahan tayo, sa loob-loob niyan ay tumatawa na siya.

Kassel De JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon