Gulo #11

1 0 0
                                    

LABING-ISA

KASSEL POV

Isang maaliwalas at mapayapang araw ang nadadama ko ngayon...

"Look who's here," nakataas ang kilay niyang kaguguhit lang ata, na saad niya.

Kung hindi ko lang nakasalubong babaeng ito. Hays.

"Hello din sa'yo, Cryielle," walang ganang tugon ko at tumigil sa paglalakad. Tinaasan niya lalo ako ng kilay, kung pwede nga iyon, saka humalukipkip.

"I hope you remember what I told you, dear. Never try to mess with me," nilingon niya ang katabi ko at ngumiti ng matamis, "Hello there, Alonzo. Say hi to Nieve for me, will you?" Dugtong niya saka muli akong tinignan bago umirap at umalis na. Doon lang ata ako nakahinga ng maluwag.

"Ate," tawag pansin ni Alonzo kaya napalingon ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Let's go na po. Don't mind Ate Cryielle nalang. She likes Kuya Nieve po kasi," aniya kaya tumango nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa pwesto nila Keyser. Pagkaupo ko ay muli akong bumuntonghininga.

"You okay, Kassy-dear?" Nag-aalalang tanong ni Keyser. Tumango ako.

"Hey, Alonzo, what happened there?" Pag-iinteroga niya sa batang katabi ko.

"Ate Cryielle just warned Ate Kassel about something. I don't know. Should we just ask Ate Kassel about that?" Sagot naman niya kaya nabaling ulit ang tingin ni Keyser sa akin. Akmang magsasalita ito nang dumating si Hixton na may dala-dalang tray kasama si... Auxerre?

Umupo sila sa harap namin. Kaharap ko si Keyser while katabi niya si Hixton then Auxerre. Habang katabi ko naman si Alonzo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga tinginan ng mga tao dito sa cafeteria at ang pagbubulungan nila. Napayuko nalang ako. Hindi naman kasi ako tanga. Alam kong hindi ako nababagay na kasama nila. Sino nga lang ba ako?

"Only Nieve and Karim left only for us to be completed," biglang anas ni Auxerre kaya napatingin kami sa kaniya, "It's been a while since then," dugtong pa niya. Nakita kong napangiti si Hixton na parang may naaalala.

"Why didn't you all invited us here? Kami nalang pala ang hinihintay."

Napalingon kami sa nagsalita at sa dalawang bagong dating. O, diyos ko, ano bang nagawa ko para sapitin ang kamalasang ito? Naging mabuti naman po akong bata. Dahil po ba ito sa pagmumura ko?

"Speak of the devil and he shall come, ika nga nila. At sa pagkakataong ito, dalawa kayong dumating," natatawang wika ni Hixton pagkaupo ng dalawa. Umupo si Nieve sa tabi ni Auxerre at sa tabi naman ni Alonzo umupo si Kuya Karim. Umiwas ako ng tingin nang nagkatinginan kami ni Nieve. Paktay, kapag ito nalaman ni Cryielle, siguradong ako na naman ang pag-iinitan niya. Paano pa kaya kapag nalaman pa niya na kinausap ako ni Zayin?

"Ayos ka lang ba, Kassel? Parang kanina ka namomoblema diyan," tanong ni Hixton kaya nalipat ang tingin ng iba sa akin.

Napalunok ako. "A-Ayos lang naman. M-May nakalimutan pala ako sa room namin...uh... b-babalikan ko lang," medyo natatarantang sagot ko at nagmamadaling tumayo at umalis.

"W-wait," sabay hawak sa braso ko kaya napatigil ako sa paglakad. Kunot ang noong nilingon ko ang taong 'yun at laking gulat ko nalang nang bumungad sa'kin ang pagmumukha ni... Nieve?!

Dali-dali kong hinablot ang braso at kabang luminga-linga sa paligid at nang makita ko ang taong hinahanap ay napangiwi nalang ako.

"Kass?" Rinig ko ang tinig ni Keyser na may halong pag-aalala kaya nilingon ko siya. Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa nakokonsensya ako. Hindi dapat sila madamay dito

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Pasensya na Keys, kailangan ko kasing balikan yung naiwan ko. Sobrang importante kasi nun, eh. Babawi nalang ako sa susunod, okay?" Ani ko at mabilis na kumaripas na ng takbo para hindi na nila ako mapigilan pa. Tumigil ako sa isang hallway na walang taong dumadaan, at hindi alam kung nasaang parte na ako ng eskwelahan. Hinawakan ko ang dibdib habang naghahabol ng hininga. Nang maayos na ay saka ko inayos ang sarili ang nilibot ang tingin sa paligid.

"Nasaan na ba ako?" Nagtatakang bulong ko. Hindi ko matanaw ang Cafeteria dito kaya mukhang napalayo talaga ako ng husto.

Lagot na! Hindi ko pa naman kabisado ang buong eskwelahan.

Sa huli, napagdesisyunan kong baybayin ang mahabang pasilyo, nagbabakasakaling makakabalik din ako. Hanggang sa may natanaw akong isang mataas na pader—na gawa ata sa sunflower.

"Coll's... Maze? Isa itong maze?!" Bulalas ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkasabik, lalo pa't may ganito sa bahay ni Tanda. Hindi ko nga lang pa napapasukan. Patalon-talon akong pumasok. Bumungad sa akin ang mga nagtataasang mga sunflower. Ang gaganda nila.

Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa naharap ako sa dalawang daan sa magkabilang direksyon na mistulang letrang V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa naharap ako sa dalawang daan sa magkabilang direksyon na mistulang letrang V. "Ngayon, saan ako dadaan?" Hawak-hawak ang babang tanong ko sa sarili. Patuloy kong tinititigan ang dalawang daan at tinitimbang kung alin nga ba ang pipiliin.

"This path is like our life. Dadating din ang araw kung saan mahihirapan tayong pumili kung aling daan nga ba ang ating tatahakin at kung hindi nga ba natin ito pagsisisihan sa huli."

"Anakngpitongpu'tpitongputingtupa!" Gulat kong nasambit nang makarinig ng ibang boses. Nanlalaki ang matang nilingon ko siya na ikinamutla ko.

"The end of each path is like our future too. We don't know what is ahead of us unless we take the path we are going to choose," dugtong pa niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Unti-unting humupa ang aking pagkagulat pero hindi ang aking pagkaputla, kung maaari nga iyon.

Umatras ako para makalayo sa kaniya. "Bakit ka nandito?!" Sigaw ko sabay turo sa kaniya. Tumaas ang kaniyang kanang kilay at umangat din ang sulok ng kaniyang labi. Bakit ang gwapo niya?!

"I saw you entering here and I remembered that you are a transferee, so definitely you don't know how to exit this maze," malumanay niyang sagot na ikinataas rin ng isang kilay ko. Bakit parang tuwang-tuwa naman ang itsura niya? Happy ka, boi?

"O, tapos? Ano naman sa'yo kung hindi ko alam kung paano lumabas? Pasasaan pa't mahahanap ko rin naman 'yun," pagsusungit ko. Ayaw ko man pero kailangan.

"For someone that I thought is nice because of my first impression, you're quite masungit today, huh," parang natutuwa pa niyang anas. Umismid ako.

"At para naman sa isang lalaking walang interes sa lahat kuno, medyo pakialamero ka ngayon," sarkastikong saad ko. Bakit ba ito nandito? 'Di bale na nga. Napailing nalang ako sa naiisip at lumabas nalang pabalik sa entrance. Sa susunod ko nalang papasukin ulit itong maze, kapag wala ng asungot.

Rinig na rinig ko ang yabag niyang sumusunod sa akin. Binalewala ko ito at mas lalo pang binilisan ang paglalakad.

~Coleamythyst 🇨 🇦

Kassel De JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon