PITO
KASSEL POV
"W-WHAT?! No, of course not!"
Napayuko siya ng biglang nagsitinginan ang mga taong malapit sa amin. Napatingin ako kay Keyser at ang sama ng tingin niya sa akin.
"Chill, Keyser. Nagbibiro lang ako. Grabe ka naman makatingin sa'kin. Para namang may mali akong sinabi, ah," maang-maangan ko at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napabuntonghininga siya.
"Pero yung totoo, Keys, wala ka talagang gusto sa kaniya?" Bulong ko.
"To be honest, Kass, of course I do. We we're childhood friends and he so gentleman. Kaso, he is like that to every girls. I don't know nga if I'm special ba to him. Kaya, I choose to hide my feelings nalang. Ayoko siyang tanungin kasi baka masaktan lang ako," mahinang sagot niya at medyo nakonsensya naman ako sa pang-aasar sa kaniya. Gusto kong sabihin ang mga napapansin ko sa kanila lalo na kay Hixton kaya lang baka mali ako at mas lalo siyang masaktan.
Napangisi ako nang may maisip. "May alam akong paraan para malaman natin kung anong nararamdaman niya sa'yo. Akong bahala," sabi ko sabay kindat sa kaniya. Halatang naguguluhan siya pero hindi na siya nagtanong nang dumating na si Hixton. Pagkalapag nang sa akin ay parang nagningning ang mga mata ko. Ang sarap! Nagdasal muna ako at nagpasalamat sa Maykapal bago ito nilantakan. Yum yum!
"Para kang bata, Kass. Ang cute mong kumain," biglang sambit ni Hixton kaya nabulunan ako. Mabilis kong ininom ang Coke at hinampas ang dibdib.
"Bwiset ka, Hixton, alam mo yun? Matagal ko ng alam na cute ako kaya kumain ka na nga lang diyaan o di kaya'y si Keyser ang kulitin mo. Kung ano-ano yang lumalabas sa bibig mo, kumakain ako," naiinis na sambit ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Nakita ko pa siyang nagtataka. "My charms always work on girls. Tell me, Kass, babae ka ba talaga? Hindi ka man lang kinilig sa sinabi ko," aniya kaya nilingon ko siya.
"Hindi ako kinilig, kinilabutan ako. At saka, wag mo masyadong pakiligin yung iba dahil kapag nahulog sila, ikaw yung mamomroblema." Makahulugang saad ko na lalo niyang ipinagtaka kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Ang sarap ng cake! Yum!
Maya-maya pa ay biglang may tumunog kaya napatingin kami kanino ito galing. Keyser's phone.
Humihingi ng paumanhin ang kaniyang tingin. "Sorry, Kassy-dear, my classmate texted that we need to finish our thesis na daw. Is it okay that I will go now?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Ayos lang naman, Keys. Importante yan kaya puntahan mo na. Ayos lang naman ako dito saka kumakain pa naman ako," nakangiting ani ko kaya ngumiti rin siya at tumayo na. Nagbeso muna siya sa akin na lagi naman niyang ginagawa.
Tumayo si Hixton. "Ah, Kass, ihahatid ko na muna si Keyser. Don't worry babalik din ako dito pagkahatid ko sa kaniya," biglang saad niya na ikinalaki ng mata ni Keyser.
Ngumisi ako. "Wag na. Kaya ko naman saka mapapalayo ka pa kapag bumalik ka pa dito. Ayos lang naman ako. Samahan mo nalang si Keyser dahil baka maligawan—este maligaw pa siya," natatawang wika ko nang pandilatan ako mata ni Keyser. Napakamot na lang sa batok ang lalaki saka tumango. Muli silang nagpaalam bago tuluyang nilisan ang cafeteria. Hay naku, makakain na nga lang ulit. Mabuti pa dito ang masarap ng mga pagkain. Ganun siguro talaga kapag mayaman, ano? Kamusta na kaya ang mga tao doon sa barangay namin? Matitino na kaya o baka naman pasaway pa rin? Mabisita nga sila sa susunod.
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...