DALAWA
Kassel POV
"Ate, pabili po ng isang bihon sandwich," at inabot ko sa tindera ang bayad sabay abot nya sa in-order ko. Kinakain ko na ang aking miryenda habang papalabas sa canteen.
"Boss!" sigaw ng isang alagad ko habang humahangos na tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Nakahawak siya sa kanyang tuhod habang hinahabol ang kanyang hininga. Nang umayos ay tuwid siyang tumayo at ngumiti ng pagkalaki-laki na lalong ikinapangit nya.
"Baka naman boss pwedeng makahingi na pangmeryenda d'yan. Wala akong nanakaw kahapon, eh," sabi nya at nagkamot pa ng ulo. Langya. Manghihingi lang pala.
Binatukan ko siya. "Ilang beses ko bang sasabihin na masama ang magnakaw, ha?! Ang tigas-tigas talaga ng ulo n'yo!" inis na bulyaw ko sa kanya.
"Saang ulo, boss?" nakangising sabi pa nya kaya binatukan ko siya ulit. Bumunot ako sa bulsa at hinagis sa kanya.
"Bente?" rinig kong bulong nya kaya inambaan ko siya ng suntok. Kumaripas na siya ng takbo at kumaway pa.
"Anakng. Ano ako, bangko? Kapal ng mukha," inis na bulong ko. Muli ako nagmartsa pabalik sa klasrom.
"Ouch!"
Isang malakas na sigaw ang narinig ko pagkatapos kong may masagi. Hindi man lang ako natumba. Walang reaksyon kong tinignan ang babaeng ngayo'y nakaupo na sa semento.
"You!" turo nya sa akin sabay tayo sa kanya ng mga alalay nya, "Why are you not tingin to the daan?! How dare you to bangga me? You bitch!" galit na sigaw. Bigla tuloy akong napahikab tuloy ako.
"Ang ingay mo na naman, Shara. Makaalis na nga," ani ko at nagpatuloy na sa paglakad.
"Ugh! Its Queen Shara to you, Kassel! Palibhasa, your so poor kaya wala kang respeto sa nakakaganda sa'yo," pahabol pa na sigaw nito kaya kumaway nalang ako patalikod.
"Libreng mangarap, espasol! Wag mo lang araw-arawin!" pahabol ko ring sigaw sa kanya.
ALAS-kuwatro na ng hapon nang lumabas ako sa Marangal National High school kung saan ako nag-aaral. May nakita ako sa di-kalayuan na dalawang tao. Hindi ko makita ang kanilang mukha pero nakasuot ng pang-mayaman ang isa at yung isa naman ay may hawak ng... kutsilyo?!
"Hoy!"
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanila. Agad kong pinilipit ang kamay ng holdaper papunta sa likod. Sinipa ko siya kaya ito napaluhod.
"Aray! Aray!" sigaw nito.
"Tahimik! Anong karapatan mong magnakaw sa teritoryo ko? Hindi ka ba nasabihan ng mga kasamahan mo?!" sigaw ko sa kanya. Napatingin ako sa matandang balak nyang holdapin. Kumunot ang noo ko sa nakita. Pangmayaman talaga ang itsura ng matanda na'to. Nakasuot siya ng suit at makintab-kintab ang itim na sapatos.
"Eh, ineng, bitawan mo na siya. Hindi naman nya ako hinoldap talaga eh. Masyado siyang mabait para maging isang holdaper," nakangiti at malumanay na sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Kassel De Jesus
Teen FictionKassel De Jesus transferred to Coll University, after Don Artius Salvador- successful businessman adopted her. She's a basagulera and eskandalosa that will encounter the two annoying creatures-for her, as she say. Zayin Carson, the not interested pr...