#PMFallin'
Rain's Point of View
Nagising ako ng may tumama na araw sa mukha ko, gago, parang hindi ko 'to kama ah. Sobrang sakit ng ulo ko, ano ba nangyari kagabi?
"Aahhhh shit! Sakit ng ulo ko"
"Good morning sleepyhead. You should wake up na because it's already lunch time."
Nagulat ako at napatingin ng may nagsalita sa harapan ko na naka-crossed arms pa.
"Ma'am? Pano? Ano? Ha?"
She walked towards me and lean her face to mine. Oh shit, nabilis nanaman tibok ng puso ko. I closed my eyes and waiting for her to move pero hinawakan niya lang yung mukha ko.
"Don't worry, i'm not going to kiss you and I think you really need to get up na, I can smell your breath."
Natawa siya nung sinabi niya yon kaya tumayo na ako agad para pumunta sa cr at para magtoothbrush, tangina, nakakahiya.
"Your breath smells like a strawberry naman. I'll wait na lang sa dining area," Soleil shouted.
Habang naghihilamos ako ng mukha may mga naalala akong nangyari kagabi, una na doon yung lalaking nagpainom sakin at yung.. Puta...
"Shit! Did I really said that?! Ang bonak mo talaga Rain!!" I said and face palmed, lalo akong nahiya.
After i fixed myself i'm planning na umuwi na, may mukhang maihaharap pa ba ako kung sinabi ko sa crush.. este, teacher ko kagabi na halikan niya ako?!
"Ma'am uwi na po ako ha. Salamat po, kahit wala ako masyado matandaan kagabi. Hehe."
"Rain, wait.. Nagluto ako ng lunch natin, hindi ka ba kakain? Sayang naman 'to," She pouted.
Hindi ako marupok ah, naawa lang ako sa pagkain kaya bumalik na ako at umupo.
"You really don't remember what happened last night 'no?"
"Tatanungin ko po ba kung meron?" I said which makes her brows furrowed, "Joke lang, ito naman, opo nga wala nga po matandaan. Sungit!"
"Ikaw kaya masungit, i'm asking a maayos na question tapos ganon isasagot mo, i will not talk na lang," She said and started to eat her food.
"Arte naman, pa-baby ka." I said and looked at her face, gagi, ang cute niya magtampo naka-pout pa habang nasubo.
"Baby pa naman talaga ako, pero pwede din maging baby mo," Soleil said to me and winked.
"Gago!"
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya, at bumibilis na naman tibok ng puso ko, iba na nga talaga tama niya sakin. Jisas, bakit ganito?!
"Oh, bakit namumula ka? Ayos ka lang ba?" Tumayo siya at hinawakan yung mukha ko.
"Tara, kain na lang tayo. Dami mo sinasabi Ma'am."
"Siyempre nag-aaral at nagtuturo po, duh!" She said and started to eat again.
"Pakaarte!"
-
Buong pagkain namin wala na nagsalita samin, hangang sa nakauwi ako. Atichoda talaga 'to si Ma'am Soleil eh, 'di mo malaman kung ano yung magiging mood niya buong araw. Nakakabaliw, kaya naisipan ko na lang tawagan sina Pipay at Vice para sunduin ako at makapag-bonding naman kami since malapit naman na yung New Year, panigurado 'di ko nanaman sila makakasama.
BINABASA MO ANG
Promise Me
FanfictionOne is tired of love, and One is afraid of love. What if faith bring them together but it is forbidden? Will their promises keep them together or tear them apart? A LeGine fan fiction.