Chapter 17

574 17 3
                                    

#PromiseMe

Rain's Point of View

"Hoy Rainelle! Tumulong ka nga dito sa pagiihaw ng barbeque, pikpak ka ng pikpak diyan," Sigaw ni Vice sakin na aligaga sa pagluluto ng mga kakainin namin.

Lumapit na ako agad sa kanya,

"Gaga! Hindi ako nagpi-picture tinetext ko si Cai nasaan na sila. Mamaya kinidnap na yun ni Soleil eh."

"Wala ka ba talagang tiwala sa kanya?" Tanong ni Vice sakin.

"Ang hirap na kasi eh, tapos parang ang bilis ng pangyayari."

"Edi sabihin mo na bagalan niya."

"Eh paano kung nakahanap ng iba?"

Ako naman ang binatukan ni Vice sa sinabi ko

"Tangina, para saan yun?"

"Magtiwala ka kasi! Nakikita ko naman na seryoso sayo yung tao, baka nga ikaw pa magloko. Nako! Pepektusan kita sa esophagus mo!"

"Gago! Kahit kailan hindi ko ginawa yun 'no, alam mo yan!"

"Ay, yung mga naging ex mo lang pala gumawa nun sayo" Binatukan ko ulit siya at biglang may batang humila ng damit ko.

"Ate..."

"Ikaw ba yung nawawalang kapatid ko?"

"Gago ka, Rain! Pati bata," sabi ni Vice at tumawa.

"Charot lang! Bakit baby boy?" Sabi ko at hinawakan yung balikat niya.

"Tawag po kayo ni Miss Soleil sa loob."

Sinundan ko siya papunta sa loob at tinuro niya sakin yung pinakadulong kwarto sa 3rd floor. Ang laki talaga ng bahay na 'to, pag siguro dito ako nakatira baka mawala pa ako.

Kumatok ako sa pintuan at pumasok sa loob

"Hanap mo daw ako teh?" Tanong ko sa kanya napansin ko na ang lalim ng iniisip niya.

"Come here," agad naman ako lumapit at umupo sa gilid ng kama.

"Nasaan sila Mama?"

"Kasama nila Manong at Manang, well, Tita really likes me, sabi niya nga dito na raw siya titira," she smiled pero hindi yung ngiting Soleil.

"Masama ba pakiramdam mo?"

"No."

"Eh, bakit ganiyan mukha mo?"

"Namiss lang kita," pagkatapos niya sabihin yun, niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya, "I know na nag-aalala ka sa work mo, and I'm sorry."

"Ha? Bakit ka nagso-sorry tsaka paano mo nalaman na nag-aalala ako?"

"Ako kasi nagsabi sa Boss mo na tanggalin ka."

Naharap ako bigla sa kanya, "Bakit? Ano trip mo?"

"Ayaw kitang nagtatrabaho dun ang dami-daming lalaki natingin sa boobs at legs mo, that's for my eyes only dapat."

"Desi ka masyado. Jowa ba kita?" inangat ko yung kilay ko para asarin siya.

"Not now, but soon," kinindatan niya ako at nag-pa-cute na naman siya sakin.

"Feeler."

"Hey, I have a job offer pala sa'yo," kita kong nagiba agad yung mood niya.

"Ano naman yun aber?"

"Student assistant ko and taga-linis na rin ng condo," she winked at me.

"Tangina, gagawin mo akong yaya? Babalik na lang ako sa bar."

Promise MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon