Chapter 36

459 17 8
                                    

#PMRealizationHits

Rain's Point of View

Araw-araw feeling ko pagod ako, ewan ko ba kung bakit. Wala naman akong ginagawa, puro sa bar at bahay lang naman punta ko. 'Di ko na rin alam nangyayari sa akin, parang anytime mababaliw ako.

"Ate, bakit ka ba ganiyan?!" Cai said annoyed. Paulit-ulit namin 'tong pinagaawayan ilang linggo na.

"Pwede ba? 'Di ko kailangan ng kausap."

"Ate? Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Pati mga kapatid mo tinataboy mo, akala ko ba hindi mo kami iiwan?"

"Bakit nakita niyo ba akong naglayas dito sa bahay?"

"Wag kang pilosopo ate. Alam mo sa ginagawa mo para mo na rin kaming iniwan. Mas nagiging Ate pa namin si Soleil kaysa sayo."

"Edi doon na kayo tumira sa kanya, tutal pare-parehas na rin naman tayong nawalan. Bakit hindi na lang tayo maghiwa-hiwalay?" I shouted at her, hindi ko na mapigilan yung inis ko. Si Soleil, si Soleil na lang lagi naririnig ko.

Cai slapped me in my face because of my remarks.

"Magising ka naman sa katotohanan. Lahat tayo nasaktan hindi lang ikaw. Lahat tayo nawalan. Gusto mo pa bang mawala kami lahat sa tabi mo para maramdaman mong hindi ka naman mag-isa? 'Wag mong ikulong yung sarili mo. Madaming tao yung gusto tumulong at samahan ka pero tinataboy mo. Nagtitiis ka diyan kay Lance na sinaktan ka na noon ni hindi mo nga alam ano talaga pakay sayo ng lalaking yan eh."

" 'Wag mong idamay yung tao dito Cai."

"Sige, pagtanggol mo pa. Pero pag dumating yung araw na napagod lahat ng tao sa'yo. Tignan natin kung hangang saan ka mapapasaya niyang lalaking yan." She said and shut the door.

Tangina, hindi ko na alam kung manhid na ba ako o ano. Niwala man lang luha na pumatak sa mata ko, oo alam kong nasasaktan ako. Pero bakit naging ganito ako? Tangina, sige, iwan na nila akong lahat. Tutal doon naman sila magaling.

I reached my phone and called Vice para naman malamigan yung ulo ko.

"Tara inom."

"Okay." That's the only thing he said, puta, ano na nangyayari pati sa mga kaibigan ko?

————————————————————————

"Rainelle tama na yan. Ang dami mo na nainom." Awat sakin ni Pipay.

"Hayaan niyo na ako. Minsan lang 'to."

"Anong minsan? Araw-araw mo nga kami niyayaya para uminom." Pipay.

"Kaibigan ko ba talaga kayo o ano?"

"Rainelle kaibigan mo kami, pero tama na yan. Magising ka naman sa katotohanan."

"Tangina, sa anong katotohanan ba kailangan kong gumising?"

"Sa katotohanan na katangahan na yang ginagawa mo." Vice said which made me faced him.

"Ano? Ulitin mo yung sinabi mo."

"Sa katangahan mo." He said which made me slapped him at agad naman napatayo si Vice.

"How dare you say that to me!"

"Bakit Rainelle hindi ba totoo? Alam mo madaming tao na nakapaligid sayo pero pinipili mo sarilihin yang problema mo. Pinapatay mo onti-onti yung sarili mo dahil sa mga desisyon mong ganiyan. Pati si Soleil pinahiya mo sa ginawa mo. Rainelle, walang ginawa yung tao para saktan mo siya ng ganiyan."

Promise MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon