Chapter 7

511 20 4
                                    

#PMTruthHurts

Rain's Point of View

Dalawang araw na yung nakakalipas nang natapos yung Paskuhan, hindi rin naman ako masyado nakapag-enjoy dahil yung taong mahal ko ay 'di ko nakasama yung gabi na yun. Andito ako sa theater room mag-isang nagla-lunch, ayoko kasi na madami akong kasabay pag nagla-lunch mas gusto ko yung mag-isa para makapagisip ako ng maayos tsaka gumagawa ako ng props.

"Good Noon, Ms. Velasquez. Dumaan ba dito si Ms. Salonga?" Tanong sa akin ni Ms. Dawn

"Ay, hindi po Miss eh, hindi ko pa po siya nakikita ngayong araw."

"Ahh sige. Ms. Velasquez, pagkatapos mo kumain pwede bang pakitignan siya sa Engineering building? Tapos pakibigay ito sa kanya. Thank you!" She smiled at me and left.

Pagkatapos ko kumain lumabas agad ako sa theater room at pumunta sa Engineering building. Medyo malaki yung building na 'to kaya nahirapan ako hanapin si Ms. Salonga. Sinilip ko yung bawat room, hangang sa nakarating ako sa pinakadulo na pintuan. Pagkasilip ko biglang naramdaman kong tumaas yung dugo ko at nag-init yung buong kaluluwa ko.

"Putangina!" Yan yung unang lumabas sa bibig ko at sinipa yung pintuan.

"Gago kang lalaki ka! Pinagtanggol pa kita sa mga kaibigan at mga tao yun pala tama yung sinasabi nila tungkol sayo!" Sigaw ko at parang gusto kong suntukin yung mukha nitong lalaking to ngayon

"Rain, let me explain" sabi ni Lance sakin, hindi ko na napigilan at sinuntok ko yung mukha niya nakita kong dumugo yung ilong niya sa ginawa ko

"Putangina mo! Anong let me explain? Hindi pa ba sapat yang nakita kong sarap na sarap ka makipaghalikan diyan sa mukhang linta na yan ha? Puta, ano pa bang gusto mo ha?!" Gigil na gigil ako ngayon at nararamdaman kong lumalabas na yung mga luha ko

"Tangina, akala ko matino kang lalaki, akala ko iba ka sa kanila yun pala manloloko ka ring hayop ka! Binigay ko lahat pero pinagmukha mo rin akong tanga!" sabi ko at biglang nagsalita yung mukhang linta niyang kahalikan, puta gusto rin atang mabigwasan

"Alam mo kung ano problema sayo Rain? Masyado ka kasing nagtitiwala. Ni hindi mo nga alam na pinagpustahan ka lang nila eh. Kawawa ka naman ginawa kang laro."

Putangina nito ah, nakangiti pa, lalong nagiinit yung dugo ko, pagkatapos ko marinig yung sinabi niya hindi na ako nakapagpigil at hinila ko yung buhok niya palabas ng classroom. Kinakaladkad ko siya ngayon sa hallway at wala akong pake kung pagtinginan kami dito ngayon. Mabait ako pero pag nagalit ako wala akong pake sa mga magagawa ko.

Huminto ako sa may gitna ng basketball court habang kaladkad ko pa rin itong mukhang linta at si Lance naman sigaw ng sigaw sa akin para tigilan ko na pero hindi ko siya pinakinggan.

"Oh, ano na Lance, bakit hindi mo kunin 'tong kabit mo? Bakit ayaw mong lumapit sakin? Takot kang masuntok ulit sa mukha?"

"Rain, tama na yan!" Sigaw sa akin ni Pipay at Vice, napansin ko rin na dumadami na yung mga taong nanonood sa amin

"Putangina nitong mga 'to eh, ginawa akong tanga, pinagpustahan lang pala ako. Nasaan mga tropa mo ngayon Lance? Bakit hindi ka maipagtanggol?!" Sabi ko habang hawak hawak pa rin yung buhok ng babae lalo kong hinigpitan yung hawak at mas lalo siyang nasaktan sa ginawa ko

"Ms. Velasquez, Ms. Concepcion and Mr. Pascual, in my office now!" Narinig kong sabi ni Ms. Sharon.

Hindi ako papayag na ganon lang yung gawin ko, pinagmukha nila akong tanga eh. Kaya ang ginawa ko pinilipit ko sa kamay ko yung buhok ng babae at kinaladkad siya, nang nasa harapan ko na si Lance sinipa ko yung balls niya at natumba siya sa sakit. Binitawan ko na rin yung buhok ng babae at hinawakan ni Ms. Sharon yung braso ko

"Oh, bakit ka nasaktan Lance? Diba dapat hindi ka masaktan kasi wala ka namang balls?" Sabi ko ng nakangiti at sumama na kay Ms. Sharon.

-

First time ko ma-guidance pero parang medyo gumaan yung pakiramdam ko sa ginawa ko. Masama yung magpahiya ng mga tao, pero deserve nila yon dahil imbis na magsorry sila mas lalo pa nila pinainit yung dugo ko sa mga sagutan nila sakin. Ang kapal ng mga mukha.

Sinalubong ako ni Vice at Pipay pagkalabas ko sa office at niyakap ako.

"Teh, isa kang tunay na lodi! Biruin mo nasipa mo sa balls jowa mo tapos nakaladkad mo pa yung kabit." sabi ni Vice sa akin na natatawa

"Oo nga Rain, nakayanan mo yun na mag-isa."
sabi ni Pipay habang tinitignan kung okay lang ba ako.

Natawa na lang ako sa kanila pero ang totoo kumikirot yung puso ko at parang gusto ko na lang umiyak.

Bumitaw ako kay Vice at tumakbo papuntang theater room, dumirecho ako ng backstage at doon ko binuhos lahat ng hindi ko nabuhos na luha kanina. Ang sakit maloko ng paulit-ulit, lahat na lang ng mga naging karelasyon ko ginawa akong tanga. Hindi ba talaga ako kaseryo-seryosong klase ng tao? Pang-lokohan lang ba talaga ako? Baka tama talaga sila na ang bilis ko magtiwala, dapat ba hindi na ako magtiwala para hindi na ako masaktan? Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin.

"I'm here. Just let it out Rain, iiyak mo lang lahat."

"Tangina, binibigay ko naman lahat eh, bakit ganon? kailangan ba pati kaluluwa ko ibigay ko na? Sawang-sawa na ako paulit-ulit na lang, ang isang hiling ko lang naman sa buhay ko ay yung may magmahal sakin ng totoo. Kailangan ko bang magbago para lang mahalin nila ako?" lalong lumakas yung iyak ko

"No. You don't have to change yourself para lang mahalin ka nila, ang totoong magmamahal sa'yo ay yung tatanggapin lahat ng flaws at past mo kahit ano pa yan. Also, love is not about giving everything you have, kasi kailangan mong magtira para sa sarili mo. Kasi kung ubos na ubos ka na sa isang tao pa lang tapos hindi naman siya yung 'the one', paano ka pa magbibigay sa iba?"

And it hit me, oo nga 'no. All my life I spent giving and loving pero yung mismong sarili ko hindi ko napapansin na napapabayaan ko na.
Time na ba para mahalin ko naman yung sarili ko?

I looked at her and said "Thank you so much Ma'am Ganda, I really appreciate, thank you kasi pinarealize mo sakin yung mga bagay na dapat ko ma-realize."

"No need to thank me Rain, gusto ko lang din na malaman mo na andito ako whenever you need someone to lean on, I'll be your person."

After she said that I leaned and kissed her cheek. Napansin kong namula siya. Kaya tumayo na ako at naglakad paalis pero mas namula ata ako sa sinabi niya,

"Uhm.. Rain, I don't usually do this to my students but is it okay if I invite you tomorrow para mag dinner? Kung okay lang sayo?" she smiled and I saw her smile grew wider when I nodded.

Promise MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon