Chapter 20

559 21 2
                                    

#PMSinabmarine

Rain's Point of View

"Ano na, Rain? Kumanta ka na diyan, 'di ba favorite mo 'to si Andrew E?" Tawag sakin ni Mikee.

Kasalukuyan silang nagpapatugtog ngayon dito sa room, hindi kasi pumasok yung isa naming prof kaya naisipan na lang nila mag-soundtrip at puro Andrew E pa, yung iba kong mga kaklase akala mo mga nagco-concert.

"Ayoko nga! Mamaya pumasok na yung next teacher natin eh," sabi ko at nagpatuloy sa pagda-drawing.

"Kj naman, Rain. Sige na kasi!" Sabi ng isa kong kaklase at naghiyawan na silang lahat para sabayan ko yung kanta.

"Sige na nga," sabi ko at tumayo.

"Ayan na yung chorus, sayaw ka ha yung sa tiktok," halatang tuwang-tuwa 'tong si Mikee at Donna nung nakita akong tumayo.

"Hindi ko alam yon. Hoy! Sabayan niyo kong lahat, 'di ko alam yon!" sigaw ko sa iba kong kaklase kaya tumayo sila at tinuro sakin yung steps bago mag-chorus.

"Oh game! Ayan na!" sigaw ng kaklase ko.

"Ayaw niya ng niyayate gusto sinasabmarine!" Sabay-sabay naming kinanta at nagsayaw.

Come on si Olive ay aking sinabmarine
Pero siya'y bitin pa rin, siya'y bitin pa rin
Gusto niyang lagyan ng margarine, para aking lasapin, aking lasapin

Naghihiyawan sila ngayon dito sa room, at ako naman natutuwang sayawin 'tong sinabmarine.

Napansin kong huminto yung ibang mga kaklase ko habang ako feel na feel pa rin yung pagsayaw kasi naman isa 'to sa isang favorite song ko ni Andrew E tapos ang cute pa ng steps na pang-tiktok.

"Si Olive ay aking sinabmarine pero siya'y bitin pa rin, siya'y bitin pa rin!" Kanta ko habang nakembot ako.

Pinatay nila yung tugtog kaya napahawak sakin si Donna bigla para pigilan ako sa pagsasayaw.

"Teh, si Ma'am," bulong sakin ni Donna.

Dahan-dahan akong humarap para makita kung sinong " Ma'am " yon. Pagkaharap ko, naramdaman kong nag-init na agad yung dalawang pisngi ko. Pucha, nakakahiya.

"Are you all done?" Soleil asked with her serious face.

"Opo, sorry po, Ma'am," sabay-sabay naming sinabi at umupo ng maayos.

"Next time, I want you all to be aware of the time, also, to your surroundings, baka mamaya principal na pala yung pumasok dito sa room niyo tapos ganito kayo kagulo. Don't repeat this again or else I have to punish all of you because of your actions. Understood?" She said with all of her authority.

"Yes, Ma'am," sabi namin ng sabay-sabay at hindi pa rin ako makatingin sa kanya.

"By the way, I just want you all to know that we don't have classes today, because we have a faculty meeting for an upcoming event. Yung reminder ko sa inyo ha? Wag masyado magulo. That's all," She said and smiled, "And, Ms. Velasquez, you are coming with me," napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kaming dalawa pero yung titig niya seryosong-seryoso, puta, ito na nga ba yung sinasabi ko eh.

"Lagot ka, Rain. Sayaw ka pa ha," pang-aasar sakin ni Donna.

"Gago kasi 'to sila Mikee eh, pinilit pa ako," sabi ko at inayos na yung gamit ko.

Promise MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon