Chapter 27

544 14 6
                                    

#PMTechWeekIsAHellWeek

Rain's Point of View

February 20, this week has been soooooo very tiring and stressful. Halos buong week ata sa school kami nakatira for a mean time. Inaabot na kami ng umaga at minsan kung saan saan na lang natutulog para hindi ma-late sa rehearsals and sa mga klase. At dahil last year na namin, I just want to make this play a memorable one for our campus and especially for all of us na nagpakahirap and binuhos lahat ng effort. Isang linggo na kami hindi nag-uusap ni Soleil, dahil sobrang busy namin parehas sa mga kanya-kanyang responsibilities, minsan nagkakasalubong kami pero nagngingitian lang kami. Ilang araw na lang and play na namin.

I face palmed when I finally get out of my thoughts. Mag-isa lang ako ngayon dito sa theater room, dahil nakain silang lahat sa canteen. I'm so stressed out.

"Good afternoon, Ms. Rain, pinapatanong ni Ms. Dawn if okay na daw po yung flow ng program for university week?" One of the first year student approached me.

"Ay oo nga pala," I fished out the paper on my bag and reached it to her hand, "Pasabi pasensya na kung ngayon ko lang nabigay. Sobrang busy kasi namin."

"Okay lang po yun, I can see nga po na sobrang pinag-effortan niyo po 'tong play na 'to and I'm very excited to watch it. I'm a fan of your works po, by the way."

"Loka-loka kang bata ka! Anong works sinasabi mo diyan at kanino mo yan nahagilap?" I said while smiling at her.

"Kay Ms. Salonga po, pinakita niya po samin yung drawings and theater plays na dinirect mo po dito sa school, as an example for our task in one of our subject."

I smiled wider because of what she said. Soleil really knows how to make my heart flutter.

"Binobola mo na ako eh. Sige na! Ibigay mo na yan kay Ms. Dawn, baka makotongan ka na non, sa tagal mo." I jokingly said.

The girl just laughed at me and exited the room, while Vice walked in.

"Ano teh? Walang merye-meryenda sayo?" Vice said while walking towards the stage.

"Tamang-tama, andito ka na. Ilalagay ko muna 'to sa storage room." I said and stand up, to put this box of papers sa storage room.

"Sige. Bilisan mo lang ha. Malapit na magtakipsilim baka may makita ka doon." Pang-aasar sakin ni Vice.

I raised my middle finger as a response.

Pagkalabas ko ng theater room, medyo konti na lang yung estudyante, yung mga natira na lang ata dito sa school eh yung may mga rehearsal for university week, next week.

"Miss, saan po pwede mag-practice?" One of the basketball team asked me.

"Hello! I'm sorry, hindi kasi ako member ng student council, pero ang alam ko for basketball team, doon kayo sa closed gym."

"Nandoon po kasi yung dance crew eh."

"Wait, i'll look for... Ayon," I pointed my finger to Lance, because he's one of the representative ng council, "Yung lalaking yon, yung matangkad. Ask him, he's a member."

"Thank you po!" The boy smiled at me and left.

"Velasquez!" Lance called me at lumapit papunta sakin, "Busy ka ba mamaya? Yayain sana kita mag-dinner pambawi lang."

"Sige, maaga naman tapos namin ngayon. Hintayin mo na lang ako sa parking lot."

"Ayon! Sige! Mamaya na lang." He waved his hand.

I do the same and proceeded to the storage room.

Once I opened the door, binaba ko agad yung box na dala ko and kinuha ko yung ibang gamit na gagamitin namin for the play.

Promise MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon