Chapter 16

552 24 4
                                    

#PMIlocos

Rain's Point of View

"Taray ni Mayora, nagpa-outing," sabi ni Vice sakin sabay kurot sa tagiliran ko.

"Gaga! Hindi ako nagplano, ako lang nagyaya sa inyo." Sabi ko habang inaayos yung gamit ko.

"Sino ba nagplano?" Tanong ni Pipay.

"Si Ma'am Soleil."

"Nako nako!! Mukhang may hindi kami nalalaman dito ha," paasar na sinabi ni Vice.

"Kagabi kasi ano..."

"Ano teh?! Pabitin ka," inis na sabi ni Pipay tapos pinalapit ko sila sakin.

"Nag-kiss kami.. Pero, wala pa kami label."

"Ay pucha! Iba talaga ganda mo te!!!" Sabi ni Vice at inaasar pa ako.

"Ako natatakot para sainyong dalawa Rain sa totoo lang," sagot naman ni Pipay.

"Kung hindi naman magpapahalata na may gusto kami sa isa't isa, okay lang naman diba? As long as alam niyo at alam ng pamilya ko?"

"Hindi ka ba natatakot sa pwedeng mangyari Rain?" Tanong niya ulit.

"Nanliligaw pa lang naman siya, tsaka gagraduate na tayo. Ano ba naman yung ilang months para maghintay diba? Tsaka kung hindi naman kami nakakagulo sa lipunan at nakakasakit ng iba, bakit naman hindi namin subukan?"

"Basta sa ikakasaya mo, dito lang kami lagi para sayo," sabi ni Pipay at niyakap nila ako.

"Oh. Tara na! Naghihintay na ata sila Gary sa baba," yaya samin ni Vice.

Pagkababa namin inayos ko na agad yung mga gamit namin sa sasakayan ni Ma'am Soleil.

Ang mga nakasakay kay Vice ay sila Mama, Si Cai, at yung kambal. Kay Pipay naman, si Gary, Jaya, at Minio. Habang ako, kay Ma'am Soleil, kami lang dalawa kasi nasamin yung mga gamit. Feeling ko sinadya talaga ni Vice dalhin yung kotse niya. Baklang 'to!

"Good to go? Medyo malayo pa po byahe natin." Soleil.

"Tara na teh!" Sabi ni Vice na agad niya naman narealize yung sinabi niya, "Ay! Ma'am pala. Sorry nasanay lang."

"You can call me, Soleil naman or teh, whatever you like, wala naman na tayo sa school and we're all at the same age, except sayo Vice kasi mas matanda ka sakin," tumawa  kami ni Pipay at tinignan siya ng masama ni Vice.

"Tignan mong ugali nitong si Soleil, wag mong sasagutin yan Rain ha, ginigigil ako," inis na sabi ni Vice sabay pasok sa kotse niya, natawa nalang kami ni Pipay at sumakay na din sa kanya-kanyang sasakyan.

"Baby, saan ka uupo? Wag ka diyan sa likod," lambing ni Ma'am Soleil sakin.

"Tigilan mo nga ko sa kaka-baby mo, 'di porket crush kita tatawagin mo na akong baby."

"Sungit naman, Ate Ganda. Sige na, hindi na kita tatawaging 'baby'. Basta dito ka sa tabi ko uupo. Please?"

"Hilig mo magpa-cute hindi ka naman cute," bumaba ako ng kotse para lumipat sa tabi niya.

"You're seatbelt Ma'am." Sabi niya at inayos yung seatbelt ko, i can smell her scent.

"Okay, we're now good to go," she reached my hand and kissed it, "Pangpagana," she winked at me and started to drive.

Promise MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon