[Hinatid ni Kris sila Yassi at Jake sa bahay. At umuwi ang magpipinsan.]
Ate Jazel (Maid) : bakit ngayon lang kayo umuwi?
Kris : kumain lang kami sa labas ate Jazel. Nga pala, aalis ulit ako.
Ate Jazel : san ka pupunta?
Kris : sa classmate ko. Mag overnight ako, nag paalam na naman ako kay Mommy.
Derrick : sayang tol, magpapaturo pa naman ako sa League of Legends sayo.
Kris : sorry dude. Ayan oh, jan ka kay Jake magpaturo.
Derrick : asa naman turuan ako nyan diba.
Joshua : oo nga Kris. Asa ka pang turuan ko yan si Kuya.
Derrick : batukan kita jan eh. Unggoy ka.
Kris : Hay naku. Bahala nga kayong dalawa jan. Alis na ko.
Ate Jazel : wag ka mashado mag pa late bukas. Susunduin mo pa si Ken sa dorm nya.
Kris : opo...
Kris’ POV
Pabalik na ulit ako kila Joyce. Actually, plano kong sumama sa gig nya at manuod. Di ko masabi kila Ate Jazel kasi maririnig ni Derrick. Matagal na kasing gusto ni Derrick si Joyce, hindi lang sha makahanap ng timing. At ako? Oo, gusto ko din si Joyce, pero ayokong saktan si Derrick. Ilang beses ko na shang nasaktan dahil inaagaw ko lahat ng babaeng gusto nya. Pero iba na ngayon, ayoko na ulit saktan ang pinsan ko.
Anyway, nandito na ko sa bahay nila Joyce.
Joyce : (binuksan ang gate.) oh, bakit nga pala bumalik ka? Paalis na din ako eh.
Kris : Buti naantay mo pa ko. Manunuod ako ng gig nyo eh.
Joyce : pwede naman kasi kitang sunduin diba. Sana sinabi mo.
Kris : mahihirapan ka pa mag drive. Edi dito na lang sa car ko.
Joyce : oo na. Sige na nga, tara na baka ma late pa ko.
Joyce’s POV
Eto talagang si Kris oh. Kahit kelan talaga. That’s one thing I like about him. Inaalala nya ko lagi. Sobrang caring nya sakin, yung tipong pag kasama mo sha, alam mong hindi ka nya pababayaan.
Except sa tropa, may iba pa kong band. Eto ngayon ang pupuntahan namin ni Kris dahil isa sa trabaho ko to. Ang tumugtog sa mga bar. Although hindi naman ako umiinom kahit na lagi akong nasa bar.
Kris’ POV
Ang galing talagang kumanta nitong si Joyce!!! Kaya mas lalo akong na iinlove dito eh. Parang wala shang hindi kayang gawin. Scholar sha ng school, member ng cheering squad, alam lahat ng sports, working student, magaling kumanta, mabait, sweet at maganda. Lahat na ata ng qualities na hinahanap ng isang lalake sa babae, nasa kanya na.
Ngayong tapos na ang gig nya, hindi na namin alam kung san kami pupunta. It’s already 3am.
Kris : idol ka talaga!
Joyce : sus. Wala nga kaming practice diba. Nakalimutan ko kasi sa dami ng ginagawa.
Kris : kahit na. Yun na nga eh, wala kayong practice pero ang ganda pa rin ng kanta nyo.
Joyce : ewan sayo Kris. Mga bola mo eh. Tara na nga. San ba punta mo after nito?
Kris : uhm. That’s another problem.
Joyce : bakit?
Kris : sabi ko kasi sa bahay, mag overnight ako sa classmate ko.
Joyce : what?! Eh bakit mo naman sinabi yun? Besides diba you’re gonna fetch Ken tomorrow?
Kris : I can fetch him anytime naman kasi eh.
Joyce : hay naku ka talaga Kristoffer!
Kris : (ngumiti) sorry na. Hehe. Pano na yan?
Joyce : punta ka sa SLEX.
Kris : ano gagawin natin dun?
Joyce : punta tayo ng south, sa Tagaytay.
Kris : eh bakit lalayo pa tayo? Ang daming bar na pwede tayong mag stay.
Joyce : you know me. I’d rather spend my time in a quiet peaceful place than bar.
Kris : haha! Oo na, that’s Joyce!
Joyce : yeah right. (phone rings) Hello?
Convo...
Derrick : Joyce? Nasan ka?
Joyce : kakatapos ko lang mag gig eh why?
Derrick : wala lang. Nakakain ka na ba ulit? Okay ka lang?
Joyce : eto naman. Okay lang ako nuh. Bakit hindi ka pa natutulog? Anong oras na oh
Derrick : eh nag aalala kasi ako sayo eh. Pati di ako makatulog hanggang di kita nakakausap.
Joyce : bolero ka talaga. Haha! Sige na. Mag sleep ka na okay? Ayos lang din naman ako eh. Huh.
Derrick : sige na nga. Ingat ka pag uwi huh. Goodnight!
Joyce : goodnight!
End..
Kris : sino yun?
Joyce : si Rick.
Kris : bakit daw?
Joyce : wala lang. Tinatanong kung kumain na ba ulit ako. Pati di daw sha makatulog eh.
Kris : mukhang concern na concern sha sayo ah.
Joyce : parang hindi mo naman kilala si Rick eh. Maalalahanin talaga yun.
Kris : haha. Yun na nga eh. Kilala ko sha and I know when he’s liking someone.
Joyce : ganun. Haha! Kayo ba ni Yassi anong status nyo?
Kris : kami? We’re friends. Okay naman.
Joyce : showbiz mo mashado sumagot ah. Haha! Bagay naman kayo ni Yassi eh.
Kris : nyeh? “ikaw lang naman ang gusto ko eh.”
Joyce’s POV
Pupunta kami ni Kris sa Tagaytay ngayon. Yehey! Haha. One of my favorite places in the Philippines. At isa pa, kasama ko si Kris. Ang gaan gaan ng loob ko pag sha ang kasama ko. Lahat ng problema ko nakakalimutan ko. From my family up to my simple problems. Lahat yun naglalaho bigla. Pero ngayon, may problema ako at hindi ko maalis sa isip ko yun. Because the more that i get the chance to see him, the more I think of that problem. You know what is it? It’s about him and Yassi. Alam ko naman na ever since kasi crush na ni Yassi si Kris. Since highschool sha na talaga ang pangarap ni Yassi. And now I even don’t know to myself why am I acting like this? Fyi lang huh, hindi ako nag seselos! Ahaha!
Kris’ POV
Si Joyce talaga oh. One of the things I like about her is she don’t want to spend time ng magastos like malls and cinemas. She just want to be in some quiet place. Ang cute cute pa nga nya whenever titingin sha sa sky and then she’s gonna smile out of the blue kasi natutuwa sha sa langit, naabot daw kasi nya sa tingin pero she never got the chance to touch it. Parang ako lang, naabot ko sha ng tingin, nakakasama ko sha lagi, pero I can’t even tell her what I really feel.
Si Derrick din, ayoko ulit shang saktan. Alam ko this time hindi na din naman nya ko hahayaan na makuha si Joyce sa kanya.