[at last!!!!! Dumating na ang pinaka hihintay na araw ng barkada. It’s vacation time!!!! At nagkita kita ang barkada sa trackfield, yun ang tambayan ng tropa sa subdivision nila. Hindi nakasama ang girlfriend ni Jake kaya sa car nila Kris sasakay si Ken. Hindi matanggal ang excitement sa mukha ng barkada. It was 1pm nung nag decide silang mag byahe dahil nag half day pa si Joyce sa work nya.]
Joyce : okay na yung mga gamit nyo sa trunk?
Derrick : ayos na. I fixed everything nanaman eh.
Joyce : you guys sure na wala na kayong nakalimutan huh.
Barbie : wala na. Ayos na lahat. We checked everything na din.
Joyce : good. Sorry pala if late na tayo aalis dahil sa work ko huh. Jake, mauna kayo nila Kris huh. Ikaw ang nakakaalam ng way.
Jake : yes ma’am!
Joyce : Kris, wear your earphones everytime. Ikaw ang tatawagan ko in case we lost track or gusto nyo mag stop over. Let me know immediately.
Kris : sige sige.
Joyce : we’re all set. Tara na guys.
Barkada : Ilocos... HERE WE COME!!!!!!!!!!! :D
{Joyce’s Car}
Joshua : hanep bes. Ang galing mo pala mag drive!
Joyce : hindi naman. Marunong lang..haha.
Joshua : kumusta na kaya sila Kris dun?
Joyce : naku. Sa ingay ni Yassi? Impossible sa kanila ang ma boring.
Barbie : ba’t nga mashadong tactless yun si Yassi.
Derrick : masanay ka na dun. Ganun talaga yun, parang armalite yung bibig. Walang tigil sa kakasalita.
Joyce : ganun talaga kami Barbs. Kasama na siguro sa ugali naming dalawa ang pagigng madaldal, kasi since highschool magkasama na kami. At hanggang ngayon wala pa rin difference saming dalawa. Parehas pa din kaming maingay. Haha!
Barbie : iba kasi yung pagiging madaldal nya eh. Exposed and frank sha mashado. Kung icocompare naman kay Joyce, hindi naman eh. Yung pagiging madaldal kasi nitong si Joyce may halong respect and wit.
Joyce : wow. Gumaganun. Haha! Thanks Barbs. Pero mabait yun si Yassi, swear. Masasakyan mo din yung ugali nun.
Joshua : eh kasi bes tanggapin mo na. Mas mabait ka talaga..
Derrick : kaya nga mahal ko eh.
Joshua : nyeh. Kuya maka banat ka wagas. Ahaha!
Barbie : pero actually, napansin ko lang. May past ba kayo ni Kris ha Joyce?
Joyce : wala ah.. bakit?
Barbie : wala lang. Kasi naalala mo nung last time tayong nag hang out sa glorietta. Before you came, sha yung nag order ng food sayo. At lahat ng hindi pwede sayo at gusto mo, alam nya. (nanahimik bigla si Derrick.)
Joyce : ah.. close kasi talaga kami nun ni Kris. Classmate ko din sha nung highschool. At iisa lang din kami ng hilig lalo na sa music. Normal na yun.
Barbie : ah. Eh si kuya Derrick ba? Hindi nyo sha classmate?
Derrick : mas matanda ako ng two years sa kanila.
Barbie : ah kaya pala. Pero to be honest. Parang hindi naman bagay si Kris at Yassi. I mean, the way Kris looks at her. Parang laging may doubt sa mata nya.
Joshua : pero tayo, bagay tayo diba?
Joyce : nagmana sayo yung kapatid mo Rick! Haha!