[Almost 11pm na nakauwi ang barkada at whole night din naging tahimik si Kris sa usapan. Pag dating nila Kris sa bahay ay hinila sha ni Joshua palabas ng bahay para kausapin.]
Kris : bakit ba tayo lumabas? Anong problema mo?
Joshua : hindi ba sayo ko dapat nagtatanong nyan? Ano ba talagang problema mo? Lagi ka na lang walang imik pag magkakasama ang barkada.
Kris : wala to. Pagod lang ako siguro.
Joshua : pagod? O c’mon Kris. Iba ang pagod sa malungkot nuh. Teka, tama ba yung sinabi ko? Anong problema mo? O sino ang problema?
Kris : (napatingin kay Joshua.) sus ewan sayo. Pumasok na nga tayo. (tumayo na at papasok ng bahay.)
Joshua : tama ako diba?
Kris : huh?
Joshua : (tumayo.) tama ako. Tao ang problema mo.
Kris : bahala ka nga jan kung ayaw mong pumasok.
Joshua : si Joyce ba?
Kris : (tumalikod.) alam mo, puro ka tanong. Tama na nga yan.
Joshua : nasasaktan ka—
Kris : Josh tumigil ka na.
Joshua : kasi mahal mo sha at—
Kris : isa.. Josh...
Joshua : nasasaktan ka kasi—
Kris : OO!!!! (pasigaw.) oo mahal ko sha! Oo nasasaktan ako pag nakikita ko sila ng Kuya mo! At naiinis ako kasi wala akong magawa dahil alam kong gusto ni Joyce si Derrick at akong si tanga niligawan ko si Yassi para makalimutan sha at naging kami na! Ano? Masaya ka na? Nasagot ko na ba lahat ng tanong mo?
Ken : (lumabas from the kitchen.) kuya? Totoo ba yun?
Kris : teka teka. Kanina ka pa nanjan?
Ken : kayo na ba talaga ni Yassi?
Joshua : oo Ken. Sila na, sige Kris. Papasok na ko...
Ken : hindi mo man lang sinabi sakin kuya.
Kris : eto naman. Di naman kelangan pati sasabihin ko din naman sayo eh. Nga pala, you wanna join us? Ilocos ang balak ng barkada eh.
Ken : sure kuya! Ilang days tayo dun?
Kris : one week daw eh. Wala ka bang lakad for the whole week?
Ken : wala naman. We should tell mommy now.
Kris : yeah. We’ll tell mommy later pag tawag nya. Or let’s call her now. Tara na.
Ken : kuya. (while walking upstairs.)
Kris : ano yun?
Ken : thanks for letting me join you guys on that vacation. Before ayaw mo kong pinapasama sa lakad ng barkada nyo pero ngayon okay na sayo. Laki na ng pinag bago mo kuya..
Kris : (ngumiti.) sus. Wala yun, lika na nga sa taas.