Joyce : bitiwan mo ko!!!!!!!!
Kris : Joyce! (takbo kasama si Derrick.) Josh umuwi na kayo nila Yassi at Barbs! Jake sumunod ka dito.
Ken : (sinipa si Guy 1 ) gago ka! Bastos! Yan ang dapat sayo! (sumunod kila Kris.)
[Dinala ni Guy 2 si Joyce sa isang room sa may tabi ng beach. Sobrang dilim at hindi makita ni Joyce kung nasan sila.]
Joyce : sinabi ng bitiwan mo ko!
Guy 2 : ang tapang tapang mo kanina ha. Ngayon sakin ka.
Joyce : tigilan mo ko! Lumayo ka sakin! (umiiyak)
Guy 2 : o bakit ngayon umiiyak ka?
Kris : (hinampas sa ulo.) siraulo ka!!!!
Guy 2 : gago ka din! Sino ka ba?
Kris : hindi mo na dapat malaman. (sinuntok.) Derrick! Kunin mo na si Joyce palabas! Bilis, ako na bahala dito.
Joyce : Rick tulungan mo si Kris sa loob please! (umiiyak)
Derrick : hindi kita pwedeng iwanan dito Joyce.
Joyce : okay lang ako basta tulungan mo sha!
Ken : (dumating.) Joyce okay ka lang?
Kris : (lumabas.) Joyce, okay na—
Joyce : (niyakap si Kris.) akala ko kung ano na yung nangyari sayo. Hindi ka ba nasaktan? Baka may masakit sayo?
Kris : ikaw? Hindi ka ba nya ginalaw? Hindi ka nya sinaktan?
Joyce : takot na takot ako. (umiiyak) akala ko hindi na ko makakawala dun.
Kris : (niyakap si Joyce.) don’t worry. I’m here, tara na. Balik na tayo sa rest house.
{Rest House}
Ken : nandito na kami.
Barbie : (lapit kay Joyce.) okay ka lang? Sinaktan ka ba nung lalake na yun?
Joshua : oo nga bes. Kanina pa kami nag aalala sayo dito.
Barbie : (lapit kay Yassi.) alam mo, kasalanan mo to eh. Kung hindi ka nag suot ng ganyan hindi ka mababastos!
Jake : tama na Barbs.
Barbie : bakit?! Totoo naman diba?
Yassi : guys. I’m sorry.
Joyce : hayaan mo na. Okay lang yun. Okay na din naman ako.
Derrick : next time kasi Yassi pag nasa ibang lugar ka specially sa bar, wag ka mag suot ng ganyan.
Ken : napahamak pa tuloy si Joyce.
Barbie : buti kung ikaw yung kinuha kasi ikaw naman yung may kasalanan. Kaso hindi.
Joshua : Barbs, tama na—
Yassi : eh bakit ba inis na inis ka? Sino ka ba?
Joyce : guys tama na.
Yassi : ikaw Joyce? Sinabi ko ba kanina na ipagtanggol mo ko? Sinabi ko ba na magpakabayani ka para sakin?
Joyce : I’m just worried.
Jake : Yassi, sinasabihan ka lang.
Yassi : sinasabihan? Eh sinisisi nyo ko!!
Ken : dahil kung hindi dahil sayo—
Yassi : ano?!
Derrick : tama na guys.
Yassi : ano Ken?! Kung hindi dahil sakin hindi kukunin si Joyce ng mga siraulo na yun? Hindi ko hiningi sa kanya na ipagtanggol nya ko!
Ken : yun na nga eh. Bakit hindi ka magpasalamat sa kanya dahil ikaw ligtas ka!
Yassi : why should I? Hindi ko sha pinilit—
Kris : TAMA NA!!!! Pwede? The important thing is Joyce is safe and she’s here with us. Pwedeng tumigil muna kayo kahit ngayong gabi lang? Yassi ikaw, tumigil ka na din.
Yassi : how can you side them?! I am—
Kris : shut up Yassi! Shut up! (pinuntahan si Joyce.) tara na sa kwarto nyo, you ought to rest. Guys, we’ve had enough for the night. Matulog na din kayo, maaga tayong aalis bukas.
Joyce : okay lang ako Kris—
Kris : I insist. Barbs, samahan mo ko iakyat si Joyce.
Barbie : sige. Tara na Joyce.
[Natulog na ang tropa except for Kris and Joshua. Ang hindi din nila alam ay gising pa din si Barbie.]
Joshua : ano? Okay ka na? Di na mainit yang ulo mo.
Kris : oo naman. Okay na.
Joshua : ngayon lang kasi kita ulit nakita nagalit ng ganun eh.
Kris : away kasi ng away eh. Nakakainit ng ulo, nakita ng ganun yung situation ni Joyce tapos nakukuha pa nilang mag away.
Joshua : talagang mahal mo si Joyce nuh. Bakit kasi hindi ka magpakatotoo?
Kris : at ano? Parang wala lang? Sasaktan ko pa si Derrick at Ken sa gagawin ko.
Joshua : haaaaaaaaaay.. Kristoffer, you’ve grown so much.
Kris : anong sinasabi mo jan?
Joshua : imagine. Dati lang okay sayo na agawan mo ng gusto si Kuya at Ken pero ngayon...
Kris : kay Joyce ko naman narealize lahat eh. Value ng family, how to love right.
Joshua : grabe. Mahal na mahal mo talaga si bes nuh.
Kris : oo naman. Sobra. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito. Ngayon lang...
Barbie : Kris? Tama ba yung narinig ko?
Kris : teka Barbs, kanina ka pa nanjan?
Barbie : yeah. I heard everything.
Kris : please Barbs. Don’t tell Joyce.
Joshua : you can count on her Kris.