After a Year.....
Priest : Speak Now or forever hold your peace... (They're holding their hands together.) Wala talaga?
Kris : father naman. Wala na yan, parang ayaw mo ata kaming ikasal eh.
Priest : naninigurado lang, ikaw din kasi yung kinasal ko nung isang taon, tapos biglang may pumigil, baka kasi meron ulit.
Joyce : father, wala na yan. Kasi ako yung pumigil nun. Ngayon totoo na to, wala ng makakapigil nito.
Priest : oo na, sige na. The Lord be with you..................
[After the wedding.]
Jake's POV
At last, totoo na yun. Natuloy na rin ang kasal ni Kris, kayJoyce nga lang. Pero masaya pa din ang tropa, hanggang ngayon kumpleto pa din kami kahit maraming complications na nangyari the previous year. Ako? Eto na ko ngayon, single pa din, pero may magandang trabaho na ko. At least, dun ko na lang na fofocus ang sarili ko instead sa ibang bagay. Sa dami ng nangyari, hindi ko pa rin lubos maisip na ang dami ng lumipas na taon, ang dami ng nangyari sa buhay namin. Parang dati lang, ang babata pa namin na nagtatakbuhan sa trackfield, ngayon, puro mga kagalang galang na tao na kami.
Dati, gusto ko ulit bumalik sa pagkabata, gusto kong bumalik sa Ridgeview at makipag laro ulit sa tropa Pero naisip ko,mas masaya maging ganito. Mas masarap balikan ang memories lalo na at kasama mo pa rin ang mga kaibigan mo.
Ken's POV
Last line ko na to kaya kelangan kong lubusin. Haha! Anyway, masaya ako at naging okay na rin si Kuya at Joyce, sila din naman pala sa huli, ang dami dami pang kelangan mangyari. Pero worth it din naman kasi ang ganda ng love story nila. Ako naman, eto may sarili na kong studio sa Malaysia, aalis din ako after nitong wedding kasi shempre, bestman ako. Ayoko sanang lumayo sa kanila, kaso kelangan eh. Kelangan kong isipin yung future ko. Minsan, naisip ko rin yung naisip ni Jake. Yung bumalik sa pagkabata, kasi pag bata ka, wala kang ibang iniisip. Laruan at kalaro lang ang lagi mong pinaproblema. Pero ngayong matanda ka na, iba't ibang klase ng problema ang maeencounter mo. But, everything happens for a reason, siguro way ni God yun para mag grow talaga tayo. Kaya tayo tumatanda para malaman natin na hindi rin ganun kadali ang mabuhay. Hindi habang buhay, bata ka at masaya lagi.
Yassi's POV
Hello! After a year, naka move on naman ako agad sa nangyari. Oo, masaikit nung una, sobrang sakit. Pero sa nakita ko kay Joyce at Kris, siguro nga dapat hindi ko na rin pinagsiksikan ang sarili ko noon pa. Even before I noticed the care and concern they have for each other. Pero iniignore ko yun. Now, I found the guy who would really take care of my heart. Kaya madali din akong nakamove on kay Kris dahil sa kanya. Isa kong Interior designer, at take note. Ako ang nag gawa ng gown ni Joyce. Diba bongga. haha! I accepted everything naman, no hard feelings na kasi naiintindihan ko na sila, at nalaman ko din naman yung mga pinag daanan nila. Ngayon, ang wish ko lang ay sana maging masaya sila, at sana, itong boyfriend ko ngayon, sha na talaga.
Barbie's POV
Happy Ending pa din ang love story ni Kris at Joyce. At kami din ni Joshua, sana happy ending din. Graduate na kami parehas, isa kong biologist at si Joshua naman ay Chemist. Parehas naming ayaw sa course na yun but we end up liking it, parang nung una kaming nagkakilala. Sa ngayon, wala na kong mahihiling na iba. Kasi nakuha na ng barkada yung mga gusto nila, naabot na namin yung mga pangarap namin, ng magkakasama. Kahit na anong nangyari, never kaming naghiwa hiwalay, ganyan ang barkada namin. Nakakamiss lang yung dating buhay namin, na tipong pasok sa school at gala lang ang ginagawa namin. Namiss ko na din yung Ridgeview, dun kasi ang tambayan ng tropa. Sana lang, makabalik kaming lahat dun.