♕CHAPTER 5♕

5.4K 160 2
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Sa isang malaking silid, nakatayo kaming dalawa sa harap ng isang judge at iba pang saksi sa kasal na gagawin namin.

May isang papel na nakapatong sa lamesang nasa harapan namin habang nakatayo kami sa magkabilang dulo nito.

Nakasuot ako ng isang puting gown na halos palamutian ng mga perlas na kulay rosas habang siya naman ay nakatayo roon dala ang gwapuhan niya habang nakasuot ng isang simpleng itim na tuxedo na may ilang detalyeng ginto.

Para siyang isang prinsepe na hinugot sa isang libro, pagpinagkaiba nga lang ay hindi ako ang prinsesa niya.

Kahit na kinakasal kaming dalawa sa mga oras na 'to ay hindi ko dama ang kahit ano mang pagmamahal galing sa kaniya.

Pagtapos basahin ng judge ang bawat salitang nakasulat sa artikolo ng kasal naming dalawa ay sabay niya kaming pinapirma.

Nang makapirma siya sa papel ay inabot niya sa'kin 'to at napatitig ako sa pangalan ko na kailangan kong pirmahan sa ibabaw nito.

Pagpumirma ako rito ay wala na kong takas pa sa Duke, wala na kong ibang dahilan para umayaw sa lahat ng sasabihin niya at itutuos niya.

Habang buhay na kong nakatali sa kaniya at wala nang takas pa.

"Ano pang iniintay mo?" Tanong niya at muli akong napatingin sa kamay ko na pawang nangangatog sa kaba.

Pumikit ako nang mariin at inisip na lang ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko na umaasa sa'kin.

Huminga ako nang malalim at pinirmahan ang papel na nasa harap ko, inilapag ang panulat at kinuha naman ito ng isang lalaki sabay abot sa judge.

Malakas niyang binaba ang selyo sa papel at pagtapos mamarkahan ang papel ay tapos na ang kasalan.

Wala man lang bumati sa'min, wala man lang pumalakpak sa saya o kahit halik na magiging selyo namin sa isa't isa ay wala.

Basta binigay niya lang ang isang singsing sa'kin at pinapirmahan sa'kin ang kontrata ay umalis na siya sa harapan namin at iniwan ako roon.

Hindi ako makapagsalita, ganito lang ba matatapos ang kasal na 'to? Hindi naman sa umaasa ako na mabigyan ng magarbo o engrandeng kasal, sana kahit 'yung pormal lamang o disente ay masaya na ko.

Pero 'yung ganito na iiwan niya ko pagtapos namin pumirma sa kasulatan? Sana kahit bigyan niya man lang ako ng kaunting atensyon bilang napangasawa niya.

"Your highness, kailangan na po na'tin bumalik sa Istvan Estate," aya sa'kin ni Hanes at doon lang ako nabalik sa wisyo.

Napailing ako at napayuko, hindi ko alam ang iaakto ko sa mga ganitong kaganapan lalo na sa harap ng Duke.

Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa inaabangan kong kasal sa buhay ko, dahil bawat isang babae ay pinangarap na maglakad papunta sa altar at magsuot ng magandang trahe de boda, ngunit ngayon na naranasan ko na, sana hindi na lang ako kinasal.

Pero huli na para sa pagsisisi, dahil ako na ang Duchess ng Istvan.

♕♕♕

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon