♕CHAPTER 35♕

3.3K 103 4
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

"Melinda, paki-abot nga ang ilang gamit ko," utos ko kay Melinda habang inaasikaso ang mga gamit na dadalhin ko papuntang Harridan.

"Ito po madam, pero madam bakit parang sobrang dami naman ata ng mga gamit na dadalhin niyo?" Tanong niya at patuloy ko lang inaayos ang aking mga kagamitan.

"Pinayagan kasi ako magbakasyon ni Samael sa Sullen ng isang buwan para na rin maibsan ang utak ko sa mga bagay na nangyari nitong nakaraan," pagsisinungaling ko sa kaniya dahil ang paalala sa'kin ni Samael at Hanes ay wag na wag akong magsasalita sa iba na tatakas kami ni Sevius papunta sa karatig emperyo na Goldton Empire.

Kahit na malaki ang tiwala ko sa mga personal maid ko dahil sila itong kasama ko simula't sapul na tumira ako rito ay kailangan ko pa rin mag-ingat.

Patawarin mo sana ako Melinda kung nagsisinungaling ako sayo.

"Hindi ka ba magdadala ng mga alahas madam?" Tanong niya at saka ko na isip na magdala rin ng mga alas upang kung sakaling magkaroon ng kaganapan na hindi na'min inaasahan ay agad akong makakakuha ng pera kapag binenta ko ang mga iyon.

"Ah, mabuti nga na magdala ako," sagot ko sa kaniya at naglakad naman si Rosana papunta sa mga lalagyan ng aking alahas at sinundan ko siya papunta rito.

"Patingin nga ng mga regalo na binigay ni Samael sa'kin," saad ko sa kaniya at parang napataas ang mga braso niya.

"Ah sige po madam," sagot niya na medyo nagbigay sa'kin ng hindi magandang pakiramdam.

Patago akong sumulyap sa mukha ni Rosana at tila balisa siya at kabado nang sinabi kong titignan ko ang mga alahas ko na nasa taguan.

Paghila ko ng drawer ay tumambad sa'kin ang mga mamahaling alahas na binigay ni Samael sa'kin ngunit ang pinagtataka ko bakit tila kakaunti ang mga 'to kumpara noon?

"Si Sasha?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang hindi pinapahalata na pansin kong nagkukulang ang mga alahas ko.

"Nais niyo bang tawagin ko siya madam?" Tanong ni Melinda at tumango naman agad ako sa kaniya.

"Mabuti pa," sabi ko sa kaniya at nang kaming dalawa na lang ni Rosana sa loob ng silid ay halatang may nais siyang sabihin sa'kin.

Hawak niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang likuran at parang kabadong-kabado sa bawat minuto na magkasama kami.

"Madam, may nais po akong sabihin sa inyo," bulong niya at napatigil ako sa pagtitingin ng mga alahas na nasa kamay ko.

"Ano 'yun?" Tanong ko at lumingat siya sa pinto na para bang tinitignan kung kami na nga lang ba dalawa ang natitira sa paligid.

"Madam, nais ko pong sabihin sa inyo na nawawala ang iba sa mga alahas ninyo," bulong niya sa'kin at napatingin lang ako sa mga jewelry sets na nasa harapan ko.

Alam ko lagpas pa ito sa benteng kahon ngunit ngayon ay tila nawawala ang iba rito.

"May alam ka ba kung sino ang kumuha?" Tanong ko sa kaniya at umiling naman siya.

"Wala po madam, na pansin ko lang po ito nung nakaraan ngunit hindi ko po magawang sabihin dahil po sa problema ng manor nitong lumipas na linggo," paliwanag niya at tumango ako sabay lapag sa hawak kong kwintas na puno ng dyamante.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon