♕CHAPTER 8♕

5.1K 146 1
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ano bang ginawa ko kagabi bakit ang bigat-bigat nang pakiramdam ko?

"Hindi ko kaya Sasha, ikaw na ang maglinis sa patay na katawan ni Madam." Boses ba ni Hanes iyon? Bakit parang nagkakagulo sila sa ganitong oras ng umaga?

"Pero sir Hanes, huhu hindi ko kaya siya ang unang-unang Duchess na pinagsilbihan ko, huhuhu bakit naman pinatay ng Duke ang Duchess," rinig na rinig ko ang boses ni Sasha at ang pag-iyak nilang tatlo.

Parang nagtuturuan sila kung sino ang maglilinis ng bangkay ko.

Hu? Teka bangkay ko? Pero buhay pa ko! Masakit lang ang katawan ko. Kaya napabalikwas ako at tinignan silang apat na nagkukumpulan sa harap ng higaan ko.

"Anong pinagsasabi niyo d'yan?" Tanong ko at pilit na bumangon na halos ikagulat nilang apat. Sabay-sabay nilang nabitawan ang mga hawak nilang sako at timba.

Sako na paglalagyan ko? At dalawang timba ng tubig na maglilinis sa dugo ko? Inaasahan ba nilang mamatay na ko kagabi?

"Madam! Buhay ka!" Sigaw ni Hanes na pinanlaki ng mata ko, mabilis na tumakbo ang tatlo kong personal maid at lumapit sa'kin. Lumuhod sila sa gilid ng kama at doon ako panay na inusisa.

"Madam Lucia! Sabi ni Hanes patay ka na raw huhu," tanong ni Rosana at napakamot naman ako ng ulo, totoo bang dapat ay patay na ko ngayon?

Siguro akala nila ay papatayin na ko ng Duke kagabi pero iba ang naganap ng gabing iyon, nakahawak ako sa labi at hindi maiwasan maalala 'yung matamis na halik ng Duke kagabi.

"Ayos ka lang ba madam? Kung may masakit sayo ay agad ka namin itatakas para makaligtas ka rito ng buhay," dagdag naman ni Melinda at natatawa na lang ako sabay kamot sa'king ulo.

"Sa katunayan niyan wala naman akong ano mang sugat pero pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko at... masakit ang parte kong iyon," bulong ko sa kanila sabay tingin sa ibabang parte ng katawan ko.

Pagkamot ko sa ulo ay bumagsak ang isang strap ng kamison ko at lumandad saming apat ang balat ko na puno ng marka galing sa Duke.

Pulang-pula ito at nagkalat sa iba't ibang parte ng katawan ko lalo na sa'king leeg at dibdib.

Nanlaki ang mata ko at nagtilian naman sa gilid ang tatlo. Hindi nila maitago ang kilig nila sa mga nangyayari sa'kin at ganun din ako parang hindi mapakali sa kinauupuan ko, pakiramdam ko nililiyaban ang mga pisngi ko.

"Anong mayroon?" Nagtatakang tanong ni Hanes pero agad silang humarang at pinalabas ang matanda.

"Anong nangyari kay madam Lucia? Sagutin niyo kong tatlo!" Bangayan nilang apat habang tinutulak nila si Hanes palabas ng pintuan ng aking kwarto, pagkalabas ni Hanes ay agad silang bumalik sa pwesto ko at pinaulanan na ko ng pag-uusisa at tanong.

"Madam! Nilamon ka ng duke kagabi!" Sigaw ni Melinda na halos ikapula ng mukha ko.

"Shhh— hindi ko rin ganong tanda ang pangyayari, wag na kayo maingay nahihiya ako," sagot ko sa kaniya at halos itago na ang mukha ko sa unan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon