♕CHAPTER 31♕

3.2K 104 5
                                    

SEVIUS's POV

♕♕♕

Nakatingin ako sa boteng may kulay itim na likido, nakapatong ito sa lamesa ko kung saan nakatingin sa'kin ang matagal ng guro na nagtuturo sa kasaysayan ng Istvan.

"Ano hindi mo pa ba iinumin 'yan?" Tanong sa'kin ni Sir Jeremy, habang hawak ang libro at pamalo niya.

Napasilip ako sa bintana na nasa likuran ko at nakita ko si Sasha na palingat-lingat habang may hawak na basket ng pagkain.

"Young master!" Sigaw ni sir Jeremy at muli akong napatingin sa kaniya. Galit siyang nakatitig sa'kin at para bang ilang minuto lang ay pipiltik na.

Napasimangot ako at muling tumingin sa boteng nasa harapan ko, isa itong lason na pinamana pa mula sa unang pamilya ng Istvan, ito ang uri ng lason na kailangan kong inumin para malagpasan ko ang ano mang uri ng lason na maaaring makapatay sa'kin.

"Five percent pa lang ang lason na nasa lalagyan na 'yan kaya makakaya 'yan ng iyong murang katawan, saka na'tin tataasan kada linggo para masanay ang katawan mo," paliwanag ni sir Jeremy sa'kin at huminga ako nang malalim.

"Tandaan mo young master, tradisyon na ng Istvan ang inumin ang lason na 'yan para mas maging matibay ka sa ano mang laban at hindi ka basta-basta mapapatay ng sino man, isipin mo na lang kung nais mong iligtas ang Duchess kaya kailangan mong maging malakas," sabi niya sa'kin at parang ginagamit pa si Mom na dahilan para inumin ko ang bagay na 'to.

Pero tama naman si sir Jeremy, dahil kung nais kong maprotektahan si Mom ay kailangan ko munang maging malakas.

Isa pa nagkaroon kami ng pangako sa isa't isa ni Laurio na habang nasa puder namin ang kaniyang kapatid ay poprotektahan at ako ang bahala rito.

Isa iyong pangako sa unang kaibigan na nakilala ko kaya naman kinuha ko ang bote at inalis ang takip nito.

Tinakpan na ni sir Jeremy ang kaniyang ilong ng isang panyo at sa amoy pa lang ng lason na 'to ay nahihilo na ko.

Lahat ng panganay na lalaki sa pamilya ng Istvan ay dinanas ang pagsasanay na 'to, may namamatay ngunit maliit na pursyento lamang ang bilang ng mga iyon dahil may kakaibang lakas na nananalaytay sa dugo ng bawat pamilya ng Istvan.

Walang iba kung hindi ang lason din na iniinum ng pamilya, pasa-pasa sa mga anak hanggang sa kina-apo-apohan.

Pinikit ko ang mata ko at tinakpan ang ilong ko sabay lagok sa itim na likidong iyon. Halos masuka ako sa pait ng lasa niyo at pakiramdam ko nililiyaban ang lalamunan ko.

Nanikip ang aking dibdib at nahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, lumuhod ako sa sahig habang hawak ang aking dibdib ngunit ang guro ko ay nakatitig lamang sa'kin.

"Hi-hindi k-ko na-na p-po ka-kaya sir Je-Jeremy," habol hininga kong tawag sa kaniya dahil sobrang sumisikip ang dibdib ko na para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko para hindi ito pasukan ng hangin.

Umiling lang siya sa harapan ko at tumingin sa relo niya.

"Isang minuto pa young master, tiisin mo para sa Istvan," sabi niya at unti-unti nang umiikot ang aking paningin.

Huling imahe na lang na aking nakita ay ang aking guro na napapailing sa aking harapan, mukhang unang beses pa lang ngunit hindi ko na agad nakayanan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon