♕CHAPTER 28♕

3.6K 109 2
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Nakalublob kaming dalawa sa loob ng paliguan na may maligamgam na tubig at mga talulot ng iba't ibang bulaklak.

Tahimik kaming dalawa habang nasa likuran ko siya at nakaupo rin naman ako sa harapan niya.

Mukhang nahimasmasan na siya ngayon matapos siyang umiyak sa balikat ko kanina, hindi naman ito malakas ngunit ramdam na ramdma ko ang lungkot niya.

Hindi ko inaakala na makikita ko ang ganitong parte ng personalidad ni Samael, isang parte na halatang tinatago niya sa iba at hindi pinapakita sa marami.

Hindi ko maitatanggi na masaya ako dahil sa'kin niya binuksan ang kaniyang puso, sa'kin niya pinapakita ang kahinaan niya at bilang asawa niya ay iingatan ko ang mga ganitong oras na kasama siya.

"Ayos ka na ba Samael?" Tanong ko sa kaniya habang hindi ko siya nililingon dahil mukhang nahihiya pa rin siya sa ginawa niyang pag-iyak kanina sa harapan ko.

Iniisip niya siguro na dahil lalaki siya ay isang kahihiyan na umiyak siya sa harap ng kaniyang asawa.

Peor hindi ba't lahat naman tayo may karapatan ilabas ang sama ng loob na ating nararamdaman? Kahit babae man tayo o lalaki ay may makarapatan tayong masaktan at umiyak.

"Ayos na, pasensya ka na at nakita mo pa ang ganitong parte ng pagkatao ko," sabi niya at hindi man lang gumagalaw sa kinauupuan niya kaya nilingon ko siya at na huli ko siyang namumula.

"Ayos lang, makikita mo rin naman ang iba pang parte ng pagkatao ko lalo na't magsasama na tayo habang buhay," saad ko sa kaniya at parang nagtaka siya.

"Nakikita mo na ba talaga ako bilang iyong asawa pang habang-buhay?" Tanong niya at biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ng aking ama kanina.

Na hindi ko pa lubos kilala ang Istvan at baka hindi rin ako magtagal sa puder nila pero anong gagawin ko? Ngayon na hindi ko nakikita ang kinabukasan ko nang hindi kasama ang lalaking 'to?

"Para sa'kin oo, hindi ko nakikita ang hinaharap ko nang hindi ko kayo kasama ni Sevius," paliwanag ko sa kaniya at napahawak siya sa kaniyang bibig at sigurado akong tinatago niya na naman ang kaniyang ngiti.

"Bakit ba lagi mong pinipigilan 'yung kilig mo? Ayos lang 'yan patingin ako ng mukha mo," sabi ko sa kaniya at pilit na hinihila ang kamay niya na nakatakip sa kaniyang bibig ngunit bigla niyang hinawakan ang dalawang palapulsuhan ko na kinatigil ko.

"Lucia, hindi mo ba alam na delikado ang pinapakita mo sa'kin ngayon?" Tanong niya at iniwas niya ang tingin sa'kin saka ko lang na pagtanto na kitang-kita niya na pala ang mapuputi kong dibdib sa silid na 'to na sobrang liwanag.

Napayuko ako at nahiya rin sa mga pinaggagawa ko ngunit hindi ko naman matakpan ang dibdib ko dahil sa hawak niya pa rin ang mga kamay ko.

"Pano ko tatakpan kung hawak mo ang mga kamay ko?" Tanong ko sa kaniya at kahit nakaharap ang ulo niya sa ibang direksyon ay hindi niya pa rin maiwasan mapatingin sa'kin.

"Lucia, tingin ko hindi ko na kaya," sagot niya na pinagtaka ko ngunit huli na para mag-isip pa ako nang bigla niyang hawakan ang bewang ko at buhatin ako paupo sa kaniya.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon