♕CHAPTER 2♕

6K 154 6
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Malakas na pag-iyak ang narinig ko mula sa bunso kong kapatid na si Laurio, puno ng luha ang kaniyang mga mata at todo kapit na nakayakap sa binti ko, pinipigilan niya ang pagsakay ko sa karwahe na maghihiwalay saming dalawa simula ngayon.

Napatingin rin ako sa aking ina na halos hindi magmayaw sa pagpupunas ng kaniyang luha gamit ang paborito niyang panyo. Tanda ko pa na ako ang nagbigay sa kaniya n'un noong kaarawan niya na ngayon ay mukhang malayo na akong makasama muli sa selebrasyon na gagawin nila.

"Ate wag mo kong iwan," pagmamakaawa ng kapatid ko at hindi ko na rin napigilang umiyak, lumuhod ako para mapantayan siya at yakapin siya nang mahigpit.

"Hindi naman kita iiwan eh, aalis lang ako pero magkikita pa naman ulit tayo." Pagpapatahan ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod.

Napatingin naman ako sa aking ama na hindi magawang tignan ako, alam ko na sinisisi niya ang sarili niya sa pag-alis ko ngunit buo na ang desisyon ko at kahit naman anong gawin namin ay wala na kaming takas sa problema na 'to.

"Ate hindi ka pa nakikita nila kuya Lucas at kuya Lorenz wag ka muna umalis hindi pa sila nakakauwi galing unibersidad," sabi niya sa pagitan nang paghikbi, pilit akong ngumiti sa harap niya at pinunasan ang mga luha ko.

Miske ako ay nanghihinayang dahil hindi ko makikita ang dalawa kong kapatid na ngayon ay hindi makauwi dahil sa pag-aaral nila.

"Susulat na lang ako sa kanila at pag nakauwi na sila pwede ba na ikaw na ang magsabi na nasa mabuting kalagayan si ate?" Tanong ko sa kaniya at kahit labag sa loob niya ay tumango na lang siya sa harap ko.

Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan ang noo niya, tumayo ako at pinuntahan naman ang mga magulang ko na sobrang dismayado sa aksyon nila na nagdulot sa sitwasyon ko ngayon.

"Pa," tawag ko sa kaniya habang nakatungo lang siya at hindi ako magawang tignan sa mata. Na tawa naman ako, kahit sabihing mataas ang rango niya ay para pa rin siyang bata kung umasta.

"Wag mo na sisihin ang sarili mo, isipin mo na lang na gagawin ko ito para sa'tin at para matulungan ka. Alam kong pagod ka na rin maghanap ng kasagutan sa hirap na dinadanas na'tin ngayon kaya hayaan mong tulungan kita," sabi ko sa kaniya sabay yakap, iisipin ko na lang na tulong ko na rin 'to sa mga magulang ko na pagod na pagod na sa pagtatrabaho at pagtataguyod ng pamilya namin.

"Pero marami pa akong pangarap para sayo Lucia, ayokong masayang ang buhay ng anak ko dahil lang sa utang at katangahan ko," sagot niya sa'kin at umiling ako.

"Wag mong isipin 'yan papa, susubukan kong maging masaya sa piling ng duke."

Isang kasinungalingan syempre, pano ba ko magiging masaya kung hindi ko naman mahal ang lalaking papakasalan ko at pano ako makakatiyak na makakatagal ako ng buhay sa puder ng lalaking iyon?

Ngayon pa nga lang ay pinapakita niya na ang pagiging Tyrant niya, isipin mo pinasundo niya ako gamit ang karwahe niya na hindi man lang siya kasama.

Ano ang dahilan? Simple lang naman!

Ang sabi ng kutsero ay may iniinteroga at pinapahirapan pa raw ito, mga trabaho na kilala bilang gawain niya.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon