♕CHAPTER 15♕

4.4K 164 8
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Hindi ako mapakali at hindi alam ang ikikilos dahil sa kaba, nakatingin ako sa isang malaking salamin habang tinitignan ang desenyo ng damit na pinili para sa'kin ni Sevius.

"Seryoso ba kayo na 'yung bata ang pumili ng damit na 'to? Parang hindi naman ata angkop sa edad na siyam na taong gulang ang pumili ng ganitong desenyo ng damit?" Tanong ko sa mananahi na bumisita sa manor namin ngayon, halos pagpawisan na siya sa kaba dahil sa hindi ko talaga kaya suotin ang ganitong damit.

"Madam, totoo pong ang young master ang pumili ng desensyo ng inyong kasuotan," paliwanag niya habang kabadong-kabado at muli akong tumingin sa salamain na nasa harapan ko.

Kulay pula ito at may nakaburdang bulaklak na kulay itim at ginto, bukas na bukas ang likuran ko na pakiramdam ko ay lalamigin ako sa padiriwang na 'yun. Ang manggas naman ng damit ay halos lumihis na sa balikat ko at lumuwa na ang dibdib ko sa desenyo na 'to.

"Sasha, pakitawag nga si Sevius," utos ko kay Sasha at mabilis naman itong tumango.

"Masusunod your grace," sagot niya at agad na lumabas sa aking silid para sunduin si Sevius.

Hindi ko akalain na ganito ang desenyo na pipiliin ng batang 'yun, hindi ko na naman ito tinignan dahil akala ko alam niya na ang bibilhin niya para sa'kin dahil 'yung ibang damit na pinili niya na susuotin ko sa pang araw-araw ay ayos naman ang desenyo at na gustuhan ko, ngunit ito? Para akong kontrabida na maghahasik ng kasamaan sa pagtitipon na gaganapin.

"Hays ano bang iniisip ni Sevius?" Tanong ko sa sarili ko dahil masyadong bulgar at iskandalosa ang datingan ng damit na 'to.

"Para sa'kin madam, maganda at bagay naman po sa inyo," sabi ng mananahi habang tinitignan niya kung tama na ba ang sukat sa bawat parte ng katawan ko.

"Hindi ko kasi kaya magsuot ng ganitong damit at tingin mo ba madadala ko ito? Hindi ko kaya dalhin ang ganitong desenyo masyadong bulgar," sagot ko sa kaniya at napayuko na lang siya.

Hindi naman ako galit sa kaniya o kay Sevius, sadyang kabado lang ako dahil tatlong araw na lang ay gaganapin na ang pagtitipon tapos hindi pa maayos ang damit ko.

Kung susuotin ko naman ang mga damit na meron ako ngayon ay baka maiba naman ang desenyo na susuotin ko sa susuotin ng mag-ama.

"Mom, pinatawag mo raw ako?" Napalingon ako kay Sevius na kakapasok lang sa loob ng kwarto ko at napatigil siya saglit sabay tingin sa buong kasuotan ko.

"As I thought, bagay sayo mom," sabi niya at halos manlaki ang mata ko.

"Ha? Anong bagay sa'kin? Ikaw ba talaga ang pumili nito?" Tanong ko sa kaniya at tumango lang siya.

Akala ko ang mga gusto ng bata ngayon ay mga kulay na matitingkad kumpara sa pula at itim, hindi ko rin lubos maisip na ganitong desenyo ang ipapasuot niya sa'kin.

"Bagay naman sayo eh, sa suot mong 'yan hinding hindi ka nila mamatahin," sagot ni Sevius na kinatahimik ko.

Napatingin ako ulit sa suot kong damit at tama siya, ngayon ko lang na pansin na ang taras ng dating ng damit na 'to.

'Yung tipong hindi ka nila susubukan na husgahan dahil pagtinignan mo pa lang ang pustura ko ngayon parang mananampal na agad ako.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon