♕CHAPTER 38♕

3.3K 85 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Marahan kong minulat ang aking mata at tinignan ang paligid kung saan ako dinala ng Crown prince.

Malinaw sa alaala ko ang pag-ambush ng mga tauhan niya sa amin papunta sa piyer at ang pagdakip niya sa'kin pati na rin ang pananakit niya sa mga kasama ko.

Inikot ko ang aking paningin at sinuri ang paligid kung saan niya ko dinala, puno ng dayami ang paligid ko at kahoy naman ang pader ng kulungan na 'to.

Mukhang nasa liblib na lugar din kami dahil rinig na rinig ko sa paligid ang tunog ng mga insekto at wala akong naririnig na kahit anong ingay mula sa mataong lugar o bayan.

Ngayon ay nakatali ang aking bibig ganun na rin ang aking kamay, medyo hilo pa ko sa kung anong gamot ang pinaamoy nila sa'kin kanina at ramdam ko ang sakit sa ulo ko.

"Kamusta ang Duchess?" Rinig ko ang boses ng Crown prince mula sa labas at nakita ko rin ang anino nila mula sa ilalim ng pinto.

"Nung sinilip ko po siya kanina ay tulog pa rin siya your majesty," sagot naman ng kausap ni Victor at bigla nilang binuksan ang pinto kaya naman ay dali-dali akong umayos nang pagkakahiga at pumikit para hindi nila mahalata na pinapakinggan ko ang kanilang usapan.

"Tulog pa rin siya? Ilang oras ba ang itatagal ng droga na pinaamoy niyo sa kaniya?" Tanong ni Victor.

"Ah, eh-hmm sabi po ng nagtitinda sa black market ay dalawang oras your majesty," tugon nito at kung tama ang kalkulasyon ko ay dalawang oras na kong nakakulong dito.

"Oh, eh bakit hindi pa rin siya nagigising? Lagpas na ang oras!" Sigaw niya at narinig ko ang malakas na pagsuntok niya sa kaniyang kausap kaya napapikit ako nang mariin.

Buti na lang at nakatalikod ako sa kanila kung hindi baka nahuli na ko ng Crown prince na nagtutulog-tulugan lamang.

"Tsk, pano kung hindi na magising ang Duchess ha! Gusto mo ikaw pa patulugin ko habang buhay?" Sigaw niya rito at panay naman ang hingi ng paumanhin ng kaniyang kausap.

"Tsk, sirang-sira ang plano na'tin, una hindi niyo napabagsak ang mga kawal ni Samael, lilima lang ang mga tauhan niya at umabot kayo sa bente pero isa lang ang napatay niyo? Hindi ba't utos ko na patayin niyo ang anak nilang si Sevius?"

Sa mga naririnig ko ngayon ay hindi ko maiwasan na magalit, mainis at kumulo ang dugo sa lalaking ito.

Sinong binabalak niyang patayin! Ang anak kong si Sevius? Subukan niya lang kantiin ang anak ko at pag nakawala ako rito ako mismo ang puputol sa kaniyang ulo.

"Hindi rin po na'min inaasahan na malakas ang young lord, ayon sa espiya ay may lagnat po siya pero ang kaniyang estilo sa paghawak ng espada ay parang heneral na sa galing," paliwanag ng kausap ng Crown prince at hindi ko maiwasan na humanga pa kay Sevius.

Sa totoo lang hindi ko na isip na gan'un kagaling ang aking anak, wala kasi siyang ginawa kung hindi ang dumikit sa'kin at laruin ako, ni hindi ko pa siya nakitang nakipagduwelo ng seryoso at ang unang beses na makikita ko pa siyang nakikipaglaban ay 'yung kanina.

'Yung laban na nakataya ang buhay niya.

Hindi ko maiwasan ang puso ko na manakit dahil sa mga iniisip ko, pano na lang kung na puruhan nila ang anak ko? Pano na lang kung nasugatan si Sevius nang malala?

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon