♕CHAPTER 24♕

3.9K 119 7
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Abandonadong lugar na puno ng mga lumang kagamitan, mga agiw na nakasabit sa bawat sulok ng silid at ang lumalangitngit na mga salamain sa bintana tuwing natatamaan ng hangin.

Pinalilibutan ako ng mga bagay na ngayon ko lang nakita, wala naman kakaiba sa lumang tore nito kung hindi ang mahaba at paikot niyong hagdan papunta sa taas.

"Akyat tayo?" Tanong ng crown prince at agad akong umiling habang nagtitingin ng mga gamit na binabalot na ng alikabok sa tagal ng panahon.

"Wag mo na pong tangkain your majesty, baka gumuho pa ang hagdan na 'yan," sagot ko at sa paglalakad ko ay biglang akong may naapakaan na isang parte ng sahig na tila ba walang laman, o sabihin na'ting hindi dikit sa semento o lupang kaniyang kinalalagyan.

"May problema ba?" Tanong ng crown prince at lumapit sa'kin saka siya napatigil sa paghakbang at pinakiramdaman ang kaniyang nayapakan.

"Wag kang gagalaw Lucia," utos niya sa'kin habang nakatingin sa sahig at tila ba sinusuri ang paligid.

Kinakabahan ako na baka isang maling galaw ko lang ay mahulog na ako sa kung ano man ang nakatago sa ilalim ng sahig ng tore na 'to.

Halatang luma na rin kasi ang mga kahoy na nagsisilbing sahig sa loob ng silid kaya maaring isang maling hakbang mo lang ay lumusot ang iyong paa.

"Hu? Tingin ko may nakatago sa ilalim ng alpobra na 'to," sabi ng crown prince at yumuko saka tinanggal ang nakapatong na malaking carpet sa ibabaw ng sahig at pagtingin namin ay may isang pakahon na hati ito mula sa sahig at may nakatagong hawakan naman na magdadala sayo sa lagusan pababa.

Napatingin siya sa'kin habang ako naman ay gulat na gulat sa aming na tuklasan, ano ang lagusan na 'yun at bakit siya nakatago sa lumang tore na 'to?

"Mukhang mas nakakaaliw ang mga susunod na mangyayari, ano sasama ka ba Duchess?" Tanong ng crown prince at umiling ako. Baka kasi may tinatagong mabagsik na halimaw ang Istvan sa lagusan na 'yan o hindi kaya isa itong sekreto na hindi pwede malaman.

"Wag, mabuti pang bumalik na tayo sa main mansion," saad ko pero umiling siya at hinawakan na ang hawakan ng pinto pababa saka ito hinila pataas at tumambad samin ang isang madilim na lagusan.

"May hagdan pababa," sabi ng crown prince at napalunok ako dahil hindi naman maaari na hayaan ko siyang bumaba roon mag-isa.

"Teka wala tayong kahit anong ilaw para makapanhik sa ilalim, pano kung may halimaw sa baba?" Tanong ko at natawa lang siya.

"Edi kumuha tayo ng lampara," saad niya sabay turo doon sa isang lampara na nakapatong sa isang pugon.

Napabuntong hininga ako at napailing na lang.

"Luma na ang lampara na 'yun baka nga wala pa tayong mahanap na posporo para buksan 'yun," saad ko at habang papalapit ako sa pugon ay na pansin kong ang lampara na 'yun lang ang bagay na hindi binabalot ng alikabok sa buo ng silid.

Tila ba parati itong ginagamit.

Napalunok ako at hinanap naman ang posporo sa tabi ng lampara at nakitang may nakatago nga roon sa gilid.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon