♕CHAPTER 9♕

4.4K 139 0
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Namadali akong maglakad para mahabol ang mabilis niyang paghakbang palayo sa'kin, bata ba talaga ang hinahabol ko? Bakit parang mas mahaba pa ang biyas niya dahil ang bilis niyang makalayo sa'kin?

"Teka Sevius? Saan ka pupunta baka mapanganib d'yan?" Tanong ko sa kaniya habang mabilis na tumatakbo sa damuhan.

Hindi niya ko inintindi at patuloy na dumaretsyo papasok ng abandonadong mansion, nang makapasok siya sa bukas na pinto ay napatigil ako. Kabado na baka maraming mga sekreto ang matuklasan ko rito.

"Kung ayaw mo masugatan ang mga paa mo, wag mo na kong sundan mula rito!" Sigaw niya sa'kin at patuloy na naglakad papasok. Napailing na lang ako at inisip na sobrang layo ko na para kunin ang mga sandaliyas ko.

Siguro kaya niya na sabi iyon dahil maraming mga basag na salamin o gamit sa loob ng mansyon na pwedeng makasugat sa'kin paa, pero hindi ko 'to ginawang dahilan para hindi siya muling sundan.

Pumanhik ako sa hagdan papasok sa main entrance ng mansyon, medyo bitak-bitak na ang sahig at halatang hindi na ito nabibigyan ng alaga.

Pumasok ako rito at narinig ang huni ng mga ibon sa loob nang malawak na kisame ng mansyon, napatingala ako at pinagmasdan ang lumang chandelier na nakasabit sa kisame kasama ng mga paintings ng iba't ibang anghel na nakaukit sa kisame nit-o.

"Woah," paghanga ko rito habang iniingatan ang hahakbangan ko, umeeko sa loob nang tahimik at abandonadong mansyon ang huni ng mga ibon na mukhang namahay na sa loob upang mamungad.

"Sevius?" Tawag ko sa kaniya at narinig ko naman siyang sumigaw mula sa second floor ng mansyon.

"Sabi sayo mapanganib dito!" Sigaw niya kaya napangiti na lang ako, naku kunware pa ang bata nag-aalala lang naman sa'kin.

"Kung mapanganib sa matanda, lalong mas mapanganib sa bata kaya na saan ka ba?" Tanong ko at maingat na pumanhik sa hagdan.

Matibay pa naman ito dahil gawa ito sa simento at marble tiles, may mga iilang bitak lang sa dingding ang mansyon pero kung titignan itong maige at aayusin ay mas maganda pa ito sa main mansion ng Istvan Estate.

"Sevius? Asan ka?" Tanong ko ulit nang makarating ako sa mahabang pasilyo ng pangalawang palapag nito.

"Sabi sayo wag ka na sumunod!" Sigaw niya kaya sinundan ko naman kung saan nang gagaling ang boses niyang iyon.

Naglakad ako sa mahabang pasilyo at nakita ang mga nagkalat na basag na salamin sa loob, maharan akong gumilid para hindi masugatan ang aking paa at pumasok sa isang silid kung saan ko naririnig ang boses ni Sevius.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakaharap sa isang malaking portrait habang yakap ang tuhod niya at nakaupo sa lumang sofa.

Nagmumokmok siya roon at masungit akong tinignan. "Ano bang ginagawa mo rito? Di ba sabi ko sayo wag mo ko sundan?" Naka-angil niyang tanong sa'kin pero hindi ko iyon inintindi at umupo sa tabi niya na lalo niyang kinapikon.

"Ano ba! Makulit ka talaga!" Sigaw niya sa harapan ko at hindi ko naman maiwasan na isipin na parang ako pa 'tong batang makulit sa'ming dalawa. Tumahimik ako saglit para hindi siya magalit sa'kin at napatingin naman ako sa malaking imahe na nasa aming harapan.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon