♕CHAPTER 21♕

4.3K 125 3
                                    

LUCIA's POV

♕♕♕

Sobrang daming mga papeles at dokumento ang nasa aking harapan ngayon at katakot-takot na sermon naman ang nakukuha ko mula kay Hanes.

Mukha na rin siyang pagod na pagod at para bang ilang minuto na lang ay babagsak na siya mula sa sobrang pagtatrabaho.

"Hanes, tapos ko na ang iba rito parang kailangan mo na magpahinga at ako na ang bahala sa mga natitira pa," saad ko sa kaniya at para naman siyang nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga nang maluwag.

"Maraming salamat po talaga your grace," sabi niya sabay upo sa sofa, medyo matanda na rin kasi si Hanes at hindi na siya nakabuo pa ng sarili niyang pamilya dahil sa pagtatrabaho niya nang buong buhay rito sa Istvan.

"Kumain ka na rin d'yan ako na bahala rito," sabi ko sa kaniya at para bang maiiyak na siya sa tuwa.

"Salamat your grace, ikaw talaga ang naging liwanag sa Istvan Estate," saad niya na akala mo naman ay nakakita ng isang anghel na bumaba sa langit.

Natawa na lang ako at umiling, "hahaha, may anghel ba na mabilis tamarin magtrabaho?" Tanong ko sa kaniya nang pabiro dahil tinatamad talaga akong tapusin ang trabaho na 'to pero dahil kailangan ay dapat ko na agad siyang intindihin at tapusin.

"Alam kong kaya niyo 'yan matapos madam, pero maiba ako your grace, na basa niyo na ba ang liham galing sa crown prince?" Tanong niya at buti na lang talaga at naalala ni Hanes ang bagay na 'yun dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'to pinapansin at nilapag lang sa ilalim ng lamesa ko.

"Hala, hahaha nakalimutan ko, sigurado naman kasi ako na hihingi na naman ang crown prince ng pagkakataon na bisitahin ko siya, eh hindi niya ba alam na marami rin akong trabaho," reklamo ko sa harap ni Hanes at matawa-tawa na lang siya habang iniinum ang kaniyang tsaa.

Kinuha ko ang sobre sa drawer at hinanap ang maliit na balisong na pangbukas sa sulat na 'to.

"Nakakamangha rin naman ang crown prince dahil hindi siya lumiliban ng pagbibigay ng liham sa inyo madam, halos araw-araw ka niyang pinapadalhan," kwento ni Hanes at sang-ayon ako sa sa ideya na 'yun dahil miske ako ay humahanga sa crown prince sa tyaga niyang magpadala ng sulat sa taong hindi naman siya sinasagot ni isang beses.

"Hindi ko rin alam sa crown prince na iyan, masyadong malakas ang kagustuhan niyang puntahan ko siya edi siya ang pumunta rito kung may nais siyang sabihin," reklamo ko habang binubuklat ang isang papel na nakatupi sa tatlo.

Binasa ko 'to at halos lumaki ang mata ko dahil ang nakasulat dito ay ang mismong sinabi ko ngayon-ngayon lang.

"Bakit madam? Anong nakasulat?" Tanong ni Hanes dahil mukhang napansin niya ang pagkabigla ko.

"Pupunta raw ang crown prince rito bukas!" Hiyaw ko at sabay kaming napatayo sa kinauupuan namin ni Hanes.

"Ha? Bukas agad-agad? Ngunit hindi pa na'tin naayos maige ang Estate," paliwanag ni Hanes at iyon nga ang kinababahala ko.

Isang royal blood ang bibisita sa manor namin at wala man lang kami nagawang paghahanda ni miske pagkain na paboloso para sa pagdating niya. 

"Pupuntahan ko ang Duke, at Hanes mukhang hindi ka pa rin makakapagpahinga ngayon dahil kailangan na'tin asikasuhin ang mga dapat asikasuhin ngayon pa lang," paliwanag ko sa kaniya at napakamot siya ng ulo sabay tayo at tango sa'kin.

Duchess Lucia [The Third Wife of the Tyrant Duke]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon