Chapter 17 I Love You

185 11 0
                                    

PERTH POV

Nang magising ako kanina ang asawa ko agad ang hinanap ng mata ko,, Kaya mabilis akong tumayo para hanapin sya pero wala na ito sa kwarto kaya nag decide na akong I-check sya sa baba at baka kasama nya ang anak namin..

Pag kadating ko ng pool area naabutan ko sila doon tatlo..

Hindi ko muna sila nilapitan at pina-panood ko muna ang pangungulit ni Milo sa Dah-dah nya..

Sa nakikita kong itsura ni Saint malapit na nyang pag bigyan si Milo sa kagustuhan nito..

Kaya lumapit na ako para suwayin ang anak namin..

Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw ko mag patalo kay Milo lalo pa ang pinag aagawan namin ay iisang tao lang..

Akala ko tapos na ako kay Phi Mark mas malala pa pala kalaban ko kasi this time anak namin ang kaagaw ko at mabilis lang nyang mapapa Oo si Saint dahil hindi din kayang matiis nito ang anak namin..

Sinubukan ko mag biro sa kanya na gusto ko pa ng isang anak pero halos humagalpak ako sa tawa sa nakita kong reaction ni Saint lalo na si Milo na halatang ayaw nito ng may isa pang aagaw sa Dah-dah nya..

Kahit ako hindi ko na gusto pang mag karoon pa ng isang anak dahil kay Milo pa nga lang hirap na ako agawin attention ni Saint paano pa kaya pag may isang anak pa kami.. Baka mas lalong nawalan ng oras sakin ang asawa ko at yun pinaka iniiwasan ko..

Kitang-kita ko kung gaano nito kamahal ang anak namin at kung gaano inaalagaan ni Saint ang pamilyang binuo naming dalawa..

Pag katapos namin kumain ng dinner umayakyat din agad si Saint at Milo sa kwarto nya para tulungan ito sa pag ligo ni Milo at mag aaral sandali saka nito babasahan ng favorite nitong mga story telling..

Ako naman nandito sa sala at tinatapos ang mga hindi ko na tapos kanina na papers work..

Napa tingin ako sa phone kong nag ring pag tingin ko kung sino ang tumatawag si Title..

"Hmm?" sagot ko sa tawag nya..

"Ang tipid mo ata sumagot?" tanong nito sa kabilang linya..

"I'm busy Title anong kailangan mo?" direktang tanong ko..

"Bro Wala akong kailangan" natatawang sabi nya..

"Then bakit ka tumawag kung wala kang kailangan?" pabalang na sagot ko sa kanya..

"Alam mo ang sungit mo bumalik na ba ang dating Perth na masungit at walang paki-alam sa mundo na naman? Or baka naman naiinip kana kasi hindi ka pa din maka score sa asawa mo dahil hanggang ngayon naka bakod pa din ang anak nyo?" natatawang pang aasar nito..

"Kung wala kang sasabihin na matino sige ibaba ko na ang pag uusap natin" masungit na sabi ko..

"Whoaaa!! Sorry na Bro ito na nga kasi.. Mag birthday si Cooheart and I want to give her best birthday kahit tayo-tayo lang ang mag celebrate isama mo si James at si Plan wala pa din akong balita sa kanya.. At syempre ang asawa mo anyway tandaan mo bawal ang bata baka kung anu-ano marinig sa mga tao dito lalong-lalo doon sa apat at sa dalawang pinsan ko mga hindi magaganda ang lumalabas sa mga bibig nila" Mahabang saad nito..

"Anong plan ba sa birthday nya?" tanong ko..

"Syempre inuman matagal ng hindi na gagawa yun,, then pool party ang balak namin yun din ang request nya"

"Sasabihin ko sa asawa ko yan,, at magandang may nakakasamang mga ibang tao ang asawa ko at makapag unwind naman hindi yung lagi syang nag kukulong dito sa loob ng bahay"

One Night With Mr Tanapon Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon