PERTH POV
"I SAID GET UP SAINT" Malakas na utos ko sa asawa ko..
Alam kong nagulat ang lahat sa ginawa kong pataas ng boses sa asawa ko..
Alam ko nung mga oras na lumabas si Saint ng kwarto namin dahil gising ako nun hindi ko lang pinaramdam na gising ako, dahil pinakikiramdaman ko lang sya..
Kaya nung lumabas ito sinundan ko sya at tahimik lang na nag tago sa sulok para hindi nila mapansin..
Habang nag uumpisa na silang mag usap Isa-isang nag labasan ang mga kaibigan namin at pinigilan ko agad silang wag gagawa ng kahit anong ingay para hindi ma istorbo sa seryosong pinag uusapan nila ni Cooheart..
Habang pinag uusapan nila ang pinag daanan ng asawa ko halos sumabog ako sa galit sa nalaman ko sa malupit na pinag daanan nya..
Pigil kong nilalabanan ang galit ko para lang mapakinggan ko ang lahat ng pinag uusapan nila..
Kuyom kamay akong nag pipigil na wag lapitan ang asawa ko at yakapin ito, dahil alam ko pag ginawa ko yun hindi ko malalaman ang lahat hanggang ngayon kung sino ba ang taong sinasabi nya, ngayon alam ko na ang pangalan nya sinisigurado ko na lahat ng pinag daanan ng asawa ko sa kamay nya mas doble ang gagawin ko sa kanya..
Iniisip ko pa lang ang pinagdaan nya sa kamay ng lalaking yun subrang na aawa na ako sa asawa ko ramdam ko din ang takot nya dahil sa pag iyak nya..
Sana noon pa lang nakilala ko na ang asawa ko para noon pa lang hindi na sya dumaan sa mga ganong pag hihirap, sana noon pa lang alam nyang may taong handang gawin ang lahat para sa kanya, sana noon pa lang nakilala ko na sya para ako ang mag protect sa kanya, ang daming sana na gusto kong mangyari pero ito ako ngayon pinapanood ko ang nanginginig na asawa ko habang humahagol ng iyak at nakayakap sa sarili nya..
Mahigpit kong kinuyom ang kamay ko at mariin na pinikit ang mata ko, gusto kong sapakin ang sarili ko sa nakikita kong pag hihirap ng asawa ko, gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa ginawa kong pagtaas ng boses sa kanya..
Napatingin ako sa mga kaibigan naming si Chloris naka subsob ang mukha sa balikat ni Dun na naka lagay naman kamay ni Dun sa likod ni Chloris at alam kong umiiyak din ito..
Si Crystal naman umiiyak din pero nasa likod nya si Bank habang hinahagod ang likod nya..
Tumingala ako at pilit na pinipigilan ang luha ko na wag bumagsak, ilang beses akong humugot ng malalim na hininga..
Nang masiguro ko nang medyo okay na ako, lumapit ako sa asawa ko Inalis ko ang mga kamay nyang na kayakap sa sarili nya at nilagay ko ang palad ko sa ilalim ng baba nya at dahah-dahan inangat para makita ko ang mukha nya..
"Look at me Love" malumay na utos ko sa kanya..
Naging dahah-dahan ang ginawang nitong pag tingin sakin..
Pinag masdan ko ang maamong mukha ng asawa ko subrang namamaga na ang mata nito kakaiyak at pulang pula na din ang ilong nya..
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at dinampian ko sya ng halik sa noo nya..
"I'm sorry Love na sigawan kita" tuluyan na din bumagsak ang luha kong pilit kong wag bumagsak muli kong hinalikan ang asawa ko pero this time sa mga labi na nya..
"I'm not mad Love, alam mo kung kanino ako galit?" mahinang sabi ko sa kanya..
Kitang-kita ko pa ang tuloy-tuloy na pag agos ng luha ng asawa ko sa mapuputing pisngi nya..
Pinusan ko ang mukha nya saka matamis na ngumiti sa kanya..
"Galit ako sa taong gumawa sayo ng mga pag hihirap mo noon galit na galit ako sa kanya dahil nag roon ka ng trauma dahil sa kanya, galit na galit ako dahil wala akong nagawa noon" umiiyak na saad ko sa kanya..

BINABASA MO ANG
One Night With Mr Tanapon Book 2
FanficIsang taon simula ng mamatay si Saint pero na Gulat ang lahat nang makita nila si Pete Pitchaya subrang kahawig ni Saint.. Akala ni Perth kasama ng pag kawala ni Saint ang pag kawala na din ng puso nya.. Hindi nya akalain na kung gaano kabilis na...