Dugo, puro dugo.
Mula noong bata pa ako, iyan na ang nakita ko.
Mula palang noon, tinuruan na ako kung paano palabasin ang matitingkad na kulay ng dugo mula sa katawan ng mga nagmamakaawang biktima. Oo, tinuruan nila akong pumatay. Bakit? Dahil kailangan. Maraming nag-aasam na paslangin ako dahil sa posisyon ko, sa trono ng mga magulang ko.
Isa akong tagapagmana ng pinaka malakas na mafia sa buong mundo, ang susunod na Primo, ang tawag sa ‘King’ ng first ranked family. Dahil diyan, isa rin ako sa pinakamalakas at ma-impluwensyang tao. Ang pamilya namin ang kumo-kontrol sa lumalabas o pumapasok na illegal na droga at firearms sa bansa, kami rin ang may hawak ng pinakamalakas na assassination organization, kami ang nagpapatakbo sa mga banko ng Pilipinas, at ang pinaka huli, hawak namin ang karamihan sa mga pulis. Mayroong takot sa amin, mayroon rin ang kumakalaban. Pero ang karamihan ay tumitingala at rumerespeto sa amin. Kami ang Familia Royale.
Family ang tawag sa bawat Mafia group, kadugo man o hindi, dahil naniniwala kami sa prinsipyong wala sa dugo ang pamilya, kundi nasa tiwala at katapatan.
Secondo ang tawag sa King ng second ranked family ng Mafia.
Terzo naman ang King ng third Family.
Familia Royale ang tawag sa Primo at ang mga kasama nito.
Elites naman ang pamilya ng Secondo at Terzo.
Underlings naman ang hindi pasok sa ‘top-three’ ranked family.
Lahat ng Family ay naglilingkod sa Royale.
Ang sino man ang lumabag ay magiging traydor na agad namang paparusahan.
Talagang makapangyarihan kami. Lahat ng kayamanan at luho, nasa akin na. Pero hindi ako masaya. Sino ba naman kasi ang gugustuhing mabuhay sa komplikadong buhay? Puro nalang away, lahat illegal, lahat pinapatay.
Gusto ko lang maging simple, maging ordinaryong tao at maging masaya.
Mahirap bang ibigay ang hinihingi ko?
Hindi ko na kinaya..
Umalis ako.
Pero..
Hindi ko alam. May kapalit pala ang ginawa ko. Hindi ko kaya.
Natikman ko na ang kalayaan..
Ngayon, Siya naman.

BINABASA MO ANG
Non Omnis Moriar (Ongoing)
Misterio / SuspensoAccel is the next King of the mafia. But before he was, he is required to do all the dirty works. His new mission is to capture and kill the hackers of their information-containing website. Can he do it by entering and living in the world of his ene...