IX.

5.7K 201 16
                                    

Chandria ♔

Pfft. Hahaha. Ang cute talaga ni DJ. sabi ko sa isip ko habang nag-sscroll sa twitter ko.

May mga students kasing nag-upload nung picture ni DJ kanina habang naka-suot ng girl's uniform.

May picture pa nga kami nung niyakap ko siya tapos pinisil ko yung cheeks niya. Hihi. Cute.

"Attention! Quick announcement for all the students of Building A-C please proceed to the Quadrangle immediately. Once again, Quick announcement for all the students of Building A-C please proceed to the Quadrangle immediately. Thank you." sabi nung nag-aannounce sa speakers.

Ano kayang meron sa Quadrangle ngayon? Haaay. Katamad.

Kinuha ko na yung bag ko at dahan-dahang nag-lakad papuntang Quadrangle.

Ang daming babaeng nag-titilian at kilig na kilig nang makarating ako sa Quad. Tss. Ano meron?

"Chandylier!!!" tawag sakin ng dalawang boses mula sa bleachers ng Quad.

Tinignan ko naman ito at si Julia't Miles lang pala.

"Oh? Ano ba meron?" tanong ko.

"Tara. Akyat ka dito. Omg. You really need to see this." sabi ni Julia kaya naman umakyat ako dun sa tabi nila.

Tumingin ako sa Quad at may naka-ready dun na parang stage. Huh? Stage? Para saan?

Umupo nalang ako. Tss. Nakakatamad tumayo. Boringgg.

"Chandria! Tayo ka na bilis! Omg. Ayan na sila! Omg!!!" sabi ni Miles pero parang wala lang akong narinig at humalumbaba pa.

"Chandria!" tawag sakin ni Julia pero no response parin ako.

"Tsk. Bahala ka na nga!" Okay.

"*ehem-ehem* Good Afternoon po sainyong lahat." mukhang may ubo pa ata tong may hawak ng mic. -.-

"Nandito po ang banda naming Parking 5 para tulungan ang isa naming kaibigan na mapatawad nung babaeng importante sakanya..." Parking Five? Parang familiar ah?

"Kathryn Chandria, alam kong nanjan ka lang sa tabi tabi. Makinig kang mabuti, para sayo to. Kathryn Chandria, sorry na." teka, si Padilla ba yun?

Kanina lang ayaw ko pero ewan ko ba kung bakit ngayon, napatayo ako. Nag-simula na silang tumugtog.

Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo?

Mag-mula nang makita ka'y naakit ako

Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko

Ang pangarap ko

Nakatingin lang sakin si DJ habang kumakanta. Shet. Juice colored. Bumababa na ata ang IQ ko at pumupogi si DJ sa paningin ko.

Kaya sana'y maibigan mo

Ang awit kong ito

Para sa'yo

Ano bang feeling 'to? Parang may mga lumilipad sa loob ng tiyan ko? Gutom ba ko? Kaka-kain ko lang naman ah?

Dahil simple lang ang pangarap ko

Mahalin ng katulad mo

Sana ay mapansin mo

Dahil simple lang ang pangarap ko

Maging ikaw at ako

Ang tanging ligaya ko

Simpleng tulad mo

Todo tili naman yung mga babae lalo na sila Julia't Miles. Sus. May mga boyfriend na tumitili pa kay Padilla. Akin yan noh.

Alam mo ba na lalo kang gumaganda sinta?

Sa simple na katulad mo ako'y nahulog na nga

Lahat ay gagawin ko para mapa-ibig ka, sinta

"KYAAA~ DEEJAYYY~ I LOVE YOU~" sigaw ng katabi ko. Grr. Nakakabingi! Tanggalan ko siya ng ngalangala jan eh. Tss.

Kaya sana'y maibigan mo

Ang awit kong ito

Para sa'yo

Dahil simple lang ang pangarap ko

Mahalin ng katulad mo

Sana ay mapansin mo

Dahil simple lang ang pangarap ko

Maging ikaw at ako

Ang tanging ligaya ko

Simpleng tulad mo

Nginitian ako ni DJ mula sa kinatatayuan niya na parang nagpa-wala sa buong katawang lupa ko.

Wala na nga 'kong mahihiling pa kundi ikaw (ikaw)

Ikaw ang kailangan ko

Sa simple na katulad mo ang buhay ko'y kumpleto na

Ikaw lang sinta...

Pakshet. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang ang hirap huminga. Shet.

Bakit mo ba ginagawa sakin 'to Padilla?

"CHANDRIA!!!" isang malakas na sigaw ang nangibabaw sa pandinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

DJ ♕

Patapos na ko sa kanta ko at sa tingin ko naman ay papatawarin na 'ko ni Chandy pag-tapos nito.

Ang lakas ng tilian ng lahat pero nakay Chandria lang ang buong atensyon ko.

Naisigaw ko nalang yung pangalan niya nang makita ko siyang nag-collapse. Sh*t. Anong nangyare?

Tumakbo ako papunta sa pwesto kung nasaan si Chandria at nakita kong pinag-kukumpulan na siya ng mga tao dun.

"Excuse! Padaanin niyo ko!" sigaw ko kaya tumatabi naman sila.

Nang marating ko si Chandria ay agad ko siyang binuhat ng pa-bridal style at dinala sa clinic.

Inihiga ko siya sa isa sa mga kama at chineck naman siya agad ng nurse.

"Pre, chill ka lang." sabi ni Katsumi sakin habang palakad lakad ako.

Bakit ba nag-collapse siya?

Ilang minuto pa ay lumabas na ang nurse at agad ko itong sinalubong.

"Ano pong nangyari sakanya? Ayos lang po ba siya?" tanong ko.

Ngumiti naman yung matandang nurse ng malapad. "Girlfriend mo ba iyong babae sa loob ijo?" hindi ko alam pero tumango lang ako kahit hindi naman talaga.

"Chineck ko siya at medyo bumilis lang yung heartbeat niya kanina kaya di siya naka hinga ng maayos na ikina-collapse niya. Sa tingin ko nga ay ikatutuwa mo pa ang dahilan eh."

Agad kong tinignan ng nagtataka yung nurse. Bakit naman ako matutuwa kung yung babaeng importante sakin nag-collapse?

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Kinilig lang yun dahil sa sorpresang ginawa mo kaya medyo bumilis ang heartbeat niya. Okay na rin siya at magigising na maya-maya." sabi ni matandang nurse.

Nagkatinginan naman kaming magkaka-banda.

"Lakas mo talaga, Padilla!" sabi ni Lester at nag-tawanan kami.

Hay nako, Kathryn Chandria Manuel Bernardo. Paano mo ngayon aalisin 'tong ngiti sa labi ko?

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon