Chandria ♔
I woke up in a dark abandoned room. Walang ka-ilaw ilaw kahit isa.
Ano ba naman 'tong kidnapper na 'to, medyo tag-hirap na ba kaya kahit kandila di nakabili para naman may ilaw dito?
I rolled my eyes dahil sa naisip ko. Nakaisip pa talaga ako ng ganun sa kalagitnaan ng pangingidnap sakin? Great.
Nakatali ako sa isang upuan. Naka-cover ng panyo yung bibig ko at naka... duct tape yung kamay ay paa ko. Tsk. Dati nakikita ko lang 'to sa movies pero ngayon nangyayare na sakin.
In all fairness, mahirap pag di ka makagalaw ng malaya. Para kang na-paralyze.
Ano ba yan. Kung anu-aning iniisip ko. -.-
"Boss, gising na siya." rinig kong sabi ng isang lalaki mula sa labas.
Bumukas naman yung pinto at ipinakita nun ang ilaw at mga anino ng tatlong tao.
"Hello Kath..." boses palang ay kilala ko na kung sino 'tong kwagong 'to.
"HMMM!!! HMMMM!!!!" sigaw ko pero walang salitang lumalabas dahil nakatakip ng panyo yung bibig ko.
He smirked. "Alisan niyo ng panyo yung bibig niyan. Nakakaawa."
"Walang hiya ka! Ano nanamang kailangan mo Enrique? Pag-tapos ni DJ, ako naman? Wow ah! Ang sipag mo naman. Bat di mo nalang kami pinag-sabay last week diba?" I mockingly said. Hindi dapat ako mag-pakita na natatakot ako. Never.
Lumapit siya sakin. Face to face na kami at siguro konting maling galaw lang ay mahahalikan ko siya. Eww.
"Kasi mas gusto ko solo kita. Para magagawa ko pa sayo lahaaat lahat ng gusto ko." he leaned in para halikan ako pero dinuraan ko siya sa mukha.
It may sound disgusting but it's my only way. Kahit ako nandiri sa ginawa ko. Brrr.
He moved back at pinunasan yung dura ko sakanya. "MATAPANG KA NA HA!" he said before I felt his hand on my left cheek. It stings.
"Hoy Quen. Bakit ikaw lang? Diba dapat kami din?" I heard a girl voice from the same room kung nasaan sila Enrique kanina. Julia, Michelle, Liza and Janella. Wow. Just wow.
"Sure babe. Ayan na oh. All yours." tumabi na si Enrique at sina Julia naman ang nag-punta sa harap ko.
"Wow. In all fairness ay nakakaawa ka tignan pag nasa ganyang sitwasyon. Eh pano pa kaya pag ganto?" she smirked and kicked my left foot.
Hindi ako makasigaw dahil binalik na nila yung panyo sa bibig ko.
"Girls? You know what to do." utos niya at pinag-tulungan na ko ng tatlong alipores niya.
Tsk. I can do better. Hintayin niyo lang ako bitches. Wait and see.
"Aww. Tama na girls. Kawawa na si Kathryn..." naaawang tonong sabi ni Julia sabay may kinuha sa bulsa niya.
Nerdy eyeglasses.
"Ayan! Mas bagay sayo!" sabi niya pagka-lagay ng nerdy eyeglasses sa mata ko at nag-tawanan na sila.
"Tawagan niyo na si DJ. Para naman magka-reunion na yung barkada!" suggest ni Liza at nagsi-tanguan naman silang lahat.
"Mamaya na ulit ha? Nerd." sabi ni Julia at lumabas na silang lahat sa kwarto kung nasaan ako.
Yumuko ako pagkalabas nila. It all suddenly came back to me.
Nerdy Eyeglasses
Nerd
Nakakaawa
Kathryn
Walang laban
I told myself not to cry again. But my eyes just betrayed me to do so.
DJ ♕
Napahampas ako sa manibela ng sasakyan ko. 2 hours. 2 f*cking hours ko nang hinahanap si Chandria pero wala. Di ko siya makita. Wala parin daw balita sina Miles. Halos ikutin ko na buong Maynila pero wala. I tried calling her pero wala ding sumasagot. Cannot be reached.
Hininto ko muna sa isang gilid yung kotse ko nang mag-ring yung cellphone ko. Baka sila Miles.
"Hello?" sagot ko agad nang di tinitignan yung Caller ID.
("Uy, Padilla! Kumusta?") si Enrique.
"Ano nanamang kailangan mo? Wala na ko sa grupo niyo. Ano pa ba?"
("Woah. Chill ka lang. Hindi ako ang may kailangan sayo.") rinig ko pang nag-smirk siya sa kabilang linya.
"Sino?"
("Alisan niyo ng panyo bibig niyan!") rinig kong sigaw ni Enrique at kasunod nun ay ang pag-sigaw ng pamilyar na boses ng isang babae.
("ALISIN NIYO MUNA 'TONG TALI NANGANGALAY NA KAMAY KO!!!")
Si Chandria.
("Oh ngayon. Kilala mo na sino may kailangan sayo?")
"Walang hiya ka talaga Gil! Saan niyo dinala si Chandria?! Wag niyo siyang gagalawin!"
("Hmm... hulaan mo. Clue, madilim, liblib, alam mo kung saan. Hahaha. Bilisan mo manghula Padilla. Baka mahuli ka, pag-dating mo wala ka nang madatnan.")
Chandria ♔
"Quen, ano na? Pwede na bang galawin?" tanong nung isang lalaking kasama nila Enrique.
Hindi sila Diego at Marco 'to eh. Iba yung kasama nila.
"Tss. Kanina pa kayo tanong ng tanong. Bahala na kayo jan. Basta tirahan niyo ko ah! Hihintayin ko pa yung Prince Charming niyan sa labas." sabi ni Quen at umalis na ng tuluyan.
Tirahan daw? G*go yun ah!
Nakita kong palapit na sakin yung dalawang manyak at inalis na nila yung panyo sa bibig ko.
"Wag kang maingay ah? Saglit lang 'to." bulong niya sa tenga ko.
"NAKAKASUKA YUNG AMOY MO! KADIRI KA!" sigaw ko habang inilalayo yung mukha ko sakanya. Nakatili parin kasi yung paa at kamay ko.
"Alisan mo ng tali yung kamay at paa." sabi nung lalaki sa harap ko at inalis naman nung isa.
Pagka-tanggal ng tali sa kamay at paa ko ay agad kong sinuntok yung nasa harap ko at tumakbo papunta sa pinto. Pero sh*t lang. NAKA-LOCK!
"Wala ka nang takas ngayon." sabi niya pero di ako nagpa-tinag at tumakbo ako paikot ikot sa buong kwarto. Bahala na.
Nang-hihina na din yung tuhod ko sa sobrang kaba pero takbo lang ako ng takbo hanggang sa ma-corner nila ako sa isang tabi at hawakan ng isa yung dalawang kamay ko sa isang kamay niya at itaas yun sa ibabaw ng ulo ko.
Wala na kong takas. Pader na yung nasa likod ko.
Yung isa naman ay hawak ako sa legs. T*ngina! Naka-uniform pa din kasi ako. Palda pa. Sh*t.
Napa-pikit ako ng maramdaman kong hinahalikan na ko nung isa sa leeg ko. Nandidiri ako.
Parang nag-jejelly yung tuhod ko. Nanghihina na ko at nag-tutubig yung mata ko. Ayoko na, tulungan niyo ko.
Pababa na ng pababa yung halik nung manyak na lalaki at tahimik lang ako. Tahimik na umiiyak.
Nang bubuksan niya na yung butones ng blouse ko ay bigla nalang bumukas yung pinto ng malakas kaya napatigil siya sa ginagawa niya.
Hindi ko na alam kung ano pang sunod na nangyare basta ang natatandaan ko lang ay nagkakagulo na at si DJ, nakikipagbugbugan siya kay Enrique at dun sa dalawang manyak at nang mapatumba na niya yung tatlo ay nilapitan niya ko.
"Shh, wag ka nang umiyak. Nandito na ko..." bulong niya sakin at inalalayan akong mag-lakad palabas.
Nakarinig ako ng kaluskos sa likod kaya naman ay nilingon ko yun at sa di malamang dahilan, ihinarang ko yung sarili ko at dinama ang pag-tama ng kahoy sa ulo ko na dapat ay kay DJ tatama.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Chic
Fanfiction"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp