Chandria ♔
Natatawa nalang ako habang papasok kami ni Tin-tin sa Manila Ocean Park. Papasok na kasi kami sa malaking Oceanarium at naka-tago lang siya sa likod ko peeking slightly para makita ng daan.
"Mommyyy!" naka-pout na sabi niya nang dalhin ko siya sa harap ko at kargahin.
"What?" natatawa kong sabi pero nag-pout lang siya lalo at tinakpan ng dalawang maliliit na kamay niya yung mata niya.
Lalo naman akong natawa. Hinawakan ko yung kamay niya at inalis yun pero binabalik parin niya.
"Baby, how can you enjoy eh naka-takip yung mata mo?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at tinatakpan parin yung mata niya. I tried to sound sad, "Aww. Iiyak na nga si Mommy. Ayaw naman sumunod ni Baby Tin-tin eh. Huhuhuhu.. Huhuhu.. Away ako ni Tin-tin.." sabi ko at tinakpan yung mukha ko na parang umiiyak talaga.
Nakita ko namang inalis niya yung kamay niya sa pagkaka-takip sa mata niya at niyakap niya 'ko. "Eeehhh~ Wag ka na iyak, Mommy! Sorry na po sabi ni Kishtyn." sabi niya.
My baby is sweet. Parang daddy niya. Haha. DJ... yeah.
Hindi ko parin inaalis yung kamay ko na naka-takip sa mukha ko at si Tin-tin naman ang pilit na nag-aalis dun. "Mommyyy!!!"
"Boo!" gulat ko sa kanya kasabay ng pag-tanggal ng kamay ko sa mukha ko.
Nag-form ng 'O' yung bibig niya at bigla nalang siyang tumawa. Ang cute cute!
"Ano? Di ka pa rin ba susunod kay Mommy? Iiyak ulit si Mommy, sige ka." pananakot ko. Hehe.
"Susunod na po!" sabi niya kaya nag-thumbs up ako. "Good!"
Binaba ko siya at pina-kapit nalang sa kamay ko, "Tara na!"
Pumasok na kami sa loob ng Oceanarium at tuwang-tuwa naman si Tin-tin sa mga nakikita niyang sea creatures.
Meron ding mga divers na naka-mermaid swimwear at lumalangoy-langoy sa loob kasama ng mga isda.
"Mommy oh!" rinig kong sabi ni Tin-tin at nakita ko siyang naka-turo sa diver na naka-bihis sirena. "Si Dyesebel!"
Natawa ako sa sinabi niya. "Oo nga! Ang galing!" sakay ko sa trip niya.
Habang nag-lalakad kami ay biglang may dumaang Baby Shark sa gilid namin. "Aaahhh! Mommy!" gulat na sabi ni Tin-tin at sumiksik na naman sa'kin.
"Mommy may Shark! Baka mabutas 'to tapos kainin niya tayo! Aaahhh!" lalo pa siyang sumiksik.
My baby girl is adorable.
I patted her back lightly, "That won't happen. Ililigtas ka ni Mommy Kath." sabi ko at nag-superhero pose pa.
She clapped her hands, "Yey! May superhero na 'ko! Super Mommy Kathryn!"
"Ang haba naman nun, baby!" comment ko.
Napa-kamot naman siya sa ulo niya, "Eh... Hehe. Wala na maisip ako Mommy eh."
Natawa nalang ako at nag-patuloy na kami sa pag-lalakad. Nakakita naman kami ng mga starfish sa isang maliit na aquarium pagka-labas namin ng Oceanarium. Kinarga ko naman si Tin-tin para makita niya. Medyo ma-tangkad kasi yung mesang pinag-lalagyan eh.
"Look, baby! What's that?" tanong ko sabay turo sa Starfish.
"Patrick!" masayang sabi niya.
"Patrick?" naguguluhan kong tanong.
"Opo, mommy! Best plend yun ni Spashbab Skeyrpans tapos sisigaw sila Jellyfishing! Jellyfishing! Yeyyy!" then she clapped her hands.
"Ma'am, anak niyo po?" tanong nung babaeng staff na nag-babantay.
I looked at her. I smiled and nodded my head.
"Ang cute naman po ng anak niyo! Nakakatuwa po siyang panuorin." kumento ng staff.
"Thank you." sagot ko nalang. I smiled at her again then Tin-tin and I left.
"Wiii~" masayang sabi ni Tin-tin nang mag-slide na kami pababa nung yelo na slide. Papasok na kami ngayon sa Snow Village kung saan may mga Penguin doon.
Naka-jacket kaming pareho ni Tin-tin at boots. Marami din naman kaming kasabay pumasok kaya masaya.
Napa-yakap sa'kin si Tin-tin na karga ko ulit nang maramdaman na namin ang lamig mula sa pinto ng Snow Village.
"Ang lamig pala, Mommy." sabi niya.
"That's fine, baby." sabi ko nalang at inikot namin yung Village.
Pumasok na kami dun sa bahay ng mga Penguin para pakainin sila at makapag-picture taking. "Mommy, ayaw ko po mag-pakain. Ikaw nalang po." sabi ni Tin-tin na halatang natatakot.
"Hindi naman siya harmful, baby. Look mo nga oh! They're eating in mommy's hand!" sabi ko at tinuro yung mga Penguin na kumukuha ng pag-kain sa kamay ko. Naka-gloves naman kaya ayos lang.
"Di ka ba nasasaktan, Mommy?" tanong niya.
I stopped for a while then I immediately nodded. Na-double meaning ata yung tanong niya sa utak ko. Hays.
Nag-picture taking na kami at pagka-tapos nun ay lumabas na ulit ng Snow Village.
Pagka-balik namin ng jacket at boots sa counter ay nagpa-karga na siya sa'kin at ilang minuto din ay agad na naka-tulog sa balikat ko.
Magaan naman si Tin-tin kaya ayos lang.
I-uuwi ko na siguro siya sa Orphanage. Mukhang pagod na eh.
Bago maka-labas ay may madadaanan ka munang mga souvenir shops kaya naman ay pumasok ako dun.
I found different kinds of stuffed toys inside. May dolphin, shark, starfish, basta iba't ibang stuffed toys. Tapos may Minion pa.
I grabbed a Minion, a Dolphin and a Turtle stuffed toy. Binayaran ko yun sa counter bago lumabas ng souvenir shop.
Napadaan pa nga kami sa Restrooms. Kanina pa 'ko naiihi pero siguro sa gas station nalang ako iihi. Tulog pa si Tin-tin eh. Tsaka isa pa, karga ko siya at ayaw ko naman na maistorbo ko pa yung tulog niya.
Lalagpas na sana kami ng restrooms nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko iyon not expecting na siya pala yung tumawag sa pangalan ko.
"B-bakit Daniel?" tanong ko.
Lumapit naman siya sa'min. "Kumusta siya?" tanong niya habang hinahaplos yung buhok ni Tin-tin.
"She's fine. Naka-tulog na dahil sa pagod. We did a lot today rin kasi." sabi ko.
Tumango naman siya at tinignan lang si Tin-tin na natutulog.
"Aalis na kami, Daniel. Baka makita pa kami ng mag-ina mo at ano pa ang isipin nila." sabi ko agad.
Napa-buntong hininga naman siya, na-realize na din ata niya na tama ako. "Sige. Ingatan mo si Danielle ah?" bilin niya.
"Yes, I will." sabi ko.
Hinalikan niya si Tin-tin sa noo at akala ko ay aalis na siya pero hinalikan muna din niya 'ko sa noo, "Take care, Chandria." sabi niya at tumalikod na.
Why does it still hurt seeing him walk away from me?
Walk away from us?
BINABASA MO ANG
That Nerdy Chic
Fanfiction"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp