XXII.

5.2K 137 5
                                    

Chandria ♔

"Baby..." tawag sa'kin ni DJ habang pinapakain ko siya ng soup.

It's 8:00 in the evening at nandito pa din ako sa bahay nila DJ. Nag-paalam naman na 'ko kay Mommy. Pumayag naman siya since gabi na din at okay lang naman daw kasi kilala naman niya si Tita Karla.

"What?" tanong ko. Naiinis kasi ako sa kanya. Bumangon pala siya kanina para lang i-ayos ako ng higa eh kaya ko naman na yung sarili ko. Siya 'tong may lagnat eh!

"Wag ka na magalit please?" sabi niya.

"Tigilan mo 'ko. Ubusin mo na 'tong soup mo." sabi ko naman.

Nagka-lagnat pala siya dahil sa lamig. Nung gabi bago siya nag-tanong sa'kin sa Tagaytay, naulanan pala siya nun dahil umulan daw habang inaayos niya yung venue sa Tagaytay. Idagdag mo pa na malamig dun. O' diba? Tsk.

"Ako nalang kasi mag-susubo sa sarili ko..." sabi niya.

"Wag na, baka ika-pilay pa ng kamay mo." inirapan ko siya.

"Wag ka na kasi magalit please? Chandyyy?" pag-papacute niya.

"Wag ka mag-pa-cute, mukha kang aso." inis kong sabi.

"Chandy..." tawag nanaman niya sa'kin.

"Ano na naman?! Quotang quota na pangalan ko ngayong araw na 'to ah!" sigaw ko.

"Buksan mo yung TV." utos niya.

"At bakit naman? Mag-pahinga ka. Wag ka nang manuod ng TV." sabi ko.

"Dali na, baby!" pamimilit pa niya

"Ano ba kasing panunuorin mo at mas pipiliin mo pa yun kesa sa mag-pahinga ha?" tanong ko.

"Buksan mo na yung TV, Chandeng. Got to Believe na." sabi niya.

"What did you just call me, Danilo Juan?!" akala niya, siya lang ah.

"Chandeng." poker face niyang sagot.

"Buksan mo na yung TV!!!" bigla nanaman niyang utos.

Inis akong tumayo at binuksan yung TV. Grr. Di ko alam na nanunuod pala siya ng mga ganun. Whew. Then I remembered, yung pa-biyahe biyaheng forever na sinasabi niya. Kaya pala.

"Yan! Buti nalang commercial pa!" rinig kong sabi ni DJ kaya napa-irap ako. Seriously?

"Oh, upo ka na dito sa tabi ko Chandy." sabi na naman niya.

"Tss. Kanina Chandeng, tapos ngayon Chandy." bulong ko.

"May sinasabi ka, baby?" tanong niya.

"Wala!" sabi ko at umupo na sa tabi niya sa kama.

"Higa ka dito." sabi niya habang tina-tap yung tabi niya.

Tinignan ko siya na parang sinasabi kong seryoso-ka-ba? look pero ngumiti lang siya at hinila ako kaya napahiga naman ako sa tabi niya. Nilagay niya yung ulo ko sa dibdib niya habang siya naman, nakasandal sa headboard ng kama.

"Joaquin? Anong ginagawa mo dito?" tanong nung lead na babae.

"Yan, si Chichay yan." pag-papakilala ni DJ sa'kin dun sa babae. "Yung lalaki naman, si Joaquin."

"Hindi ka ba masayang nandito 'ko?" sabi naman nung guy na Joaquin daw yung name sabi ni DJ.

"Akala ko ba malinaw na sa'ting dalawa ang lahat?" tanong ni Chichay.

"Oo.. na.. mahal natin ang isa't isa.. diba?" sabi naman ni Joaquin.

"Ano 'yang sinasabi mo?"

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon