XXXV.

3.6K 100 13
                                    

Chandria ♔

"DJ.." tawag ko sa kanya habang tinatapik ng marahan yung pisnge niya. Nandito na kasi kami sa Masinloc, Zambales at mula dito sa sasakyan ay kitang-kita ko na yung kulay asul na dagat.

Nasa labas na sila Julia at kami nalang ni DJ ang naiwan dahil nga naka-higa pa siya sa hita ko.

Bakit kasi ang bagal niya magising? Sasakay pa kami ng bangka papunta sa island na pag-sstay-an namin!

"DJ, ano ba gumising ka na!" naiinis kong sabi.

Pinalo ko siya sa bandang tiyan at nung hindi manlang siya gumalaw ay nakaramdam ako ng takot. Inilapit ko yung tenga ko sa bibig niya at nirinig kung humihinga pa ba siya.

Nang wala akong marinig ay bigla nalang akong nag-panic at tinapik-tapik ko yung pisnge niya. Sht, DJ!

"Wake-up! DJ, hindi maganda yang joke mo! Nakakainis ka na!" nag-simula akong umiyak. "DJ!"

Tumingin ako sa labas pero malayo yung barkada sa'min. Nag-seselfie sila sa dagat.

Ibinalik ko yung tingin ko kay DJ at ni hindi talaga ito gumagalaw sa pwesto niya, "Fckngsht! DJ! I said, wake-up!"

Natutuluan ko na ng luha ko yung mukha niya. Inalog ko siya lalo, "DANIEL JOHN FORD PADILLA! GUMISING KA! HINDI KA PWEDENG MAUNA SA'KIN! ISIPIN MO NAMAN YUNG MGA TAONG NAG-MAMAHAL SA'YO! ISIPIN MO NAMAN SI DASH! SI YASSI! SI TITA KARLA! AKO! DJ, ISIPIN MO NAMAN AKO! MAHAL PARIN KITA KAHIT MASAKIT NA PARA SA'KIN TAPOS IIWAN MO DIN AKO?! ANG UNFAIR!"

Nagulat ako nang dahan-dahang gumalaw yung mga labi niya at ngumiti. "Damn." I whispered at lalong naiyak.

"The feeling is mutual, Chandy ko." sabi niya sabay upo at harap sa'kin.

"You fcking scared the sht out of me! I hate you! I hate you so damn much for making me worry!" sigaw ko habang hinahampas ko siya sa dibdib.

Pinigilan naman niya 'ko at hinapit palapit sa kanya para sa isang yakap. "Wag ka nga umiyak." sabi niya.

"You're making me." sabi ko naman.

"Ayokong nakikitang umiiyak yung baby ko." sabi niya na nag-pagulo sa utak ko.

"I'm not yours now, DJ." sabi ko sa kanya.

Napatigil naman siya saglit, "A-ah.. Oo nga." sabi niya sabay bitaw sa yakap.

Pinunasan ko yung luha ko at tumingin sa barkada na nag-ggroufie sa labas. "DJ, please let me know what's really happening." sabi ko.

"Ha?" naguguluhan niyang tanong.

"About Dash... Yassi... Why did you broke up with me... Anong ibig sabihin mo nung nag-selos ka sa bar... Ano yung 'the feeling is mutual' mong line kanina. Help me clear my mind, DJ. Mababaliw na 'ko sa kaiisip ng mga bagay."

Napa-yuko naman siya at hindi nag-salita.

"DJ, is Dash really your child?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya, "Y..." pumikit ako at ini-reready na ang sarili ko para sa sagot. "Y-you'll know later. Nag-hihintay na yung barkada sa labas, Chandria."

Bumuntong hininga ako. Akala ko... akala ko sasabihin na niya.

"Oh, ayan na pala sila Chandy eh! Tara, groufie na! Kumpleto na tayo!" sigaw ni Marco pagka-baba namin ni DJ sa Van.

Isinara na ni DJ yung pinto ng Van at pumunta na kami sa barkada. Nag-groufie kami ng 5 shots at naisipan nang pumunta sa bangka na ni-rentahan para pumunta sa island.

Unang inilagay yung mga bag namin at sunud-sunod na din kaming sumakay.

Nauna si Diego sa loob at inalalayan sila Julia na maka-sakay sa bangka. Nang maka-pasok na silang lahat ay naiwan kami ni DJ na naka-tayo. Akala ko pauunahin niya 'kong sumakay pero hindi. Nauna pa siya sa'kin. Nasa'n na yung gentleman na DJ ko?

Lumapit ako sa bangka at dun sa matanda na mag-ooperate nun. Sakanya nalang ako mag-papatulong umakyat ng bangka. "Manong, patulong naman ho uma--"

Di ko pa natatapos yung sasabihin ko nang sumingit si DJ at hinawakan yung kamay kong naka-hawak na sa bangka.

"Ako na ho, manong." sabi ni DJ at tumango lang sa kanya si Manong.

Inalalayan ako ni DJ pasakay ng bangka at since kaming dalawa ang nahuling sumakay, kaming dalawa ang naka-tayo sa dulo ng bangka.

"Humawak ho kayo ah, medyo maalon ho kasi sa bandang gitna ng dagat." sabi ni Manong.

Itinukod na ni DJ sa mag-kabilang gilid ng bangka yung kamay niya na parang sini-semi-corner ako. Nasa likod ko kasi siya. Hindi nalang ako humawak kasi nakahawak na siya dun. Kaya ko naman 'to.

"Woop~ Woop~" pag-sabay ni Marco, Diego at Enrique sa alog ng bangka. Maalon pala talaga.

Enjoy na enjoy pa silang lahat dahil yung mga babae, nakuha pang mag-selfie at mag-picture sa paligid! Aish.

"Chandria, humawak ka. Maalon." sabi ni DJ na nasa likod ko.

"No need." sabi ko habang naka-tayo pa din.

Dahan-dahan lang yung usad ng bangka kaya nagulat ako nang biglang umalog ng malakas at hinapit ako ni DJ sa bewang palapit sa kanya.

"Sabi sa'yo, kumapit ka eh." sabi niya habang naka-tukod pa din yung kanang kamay sa bangka at yung kaliwa naka-yakap sa bewang ko.

"Welcome po sa San Salvador Island!" sabi ng mga bata nang huminto na yung bangka sa mababaw na part.

Bumaba na din kaming lahat at nag-hanap ng pwedeng pag-tayuan ng tent. Dito lang kami matutulog sa labas, sa tapat ng blue na dagat. Sobrang ganda dito. White sand tapos blue yung dagat. Sa sobrang blue nun, makikita mo na talaga yung ilalim.

"Mag-tatayo na ba tayo ng tent?" tanong ko.

"Sige, para may lagyanan na din ng gamit." sabi ni Diego at nagsi-ayos na kami.

Tatlo lang yung tent. Malalaki naman kaya kakasya na kami dun. Sa unang tent, si Cheska, Liza, Janella at Michelle. Kami naman nila Julia at Miles sa pangalawang tent. Tapos yung boys sa pangatlo.

"Bonfire nalang tayo mamaya dito sa tapat ng tents." sabi ni Liza habang inaayos yung tent nila.

"Oo nga! Pero mag-swimming muna tayo!"

***

Gabi na nang maisipan naming gumawa na ng bonfire at mag-luto na ng kakainin. Katatapos lang din kasi naming mag-swimming.

Si Julia, Miles at Cheska nag-iihaw ng barbecue.

Si Janella, Michelle at Liza naman nag-lalabas ng chips na pwedeng kainin.

Si Enrique, Marco at Diego ang nag-papaliyab ng bonfire.

At kami ni DJ? Ito, mag-uusap na.

"Ano bang gusto mong malaman?" tanong ni DJ.

"Everything." sagot ko.

"I need to know everything that happened. Every detail." kahit masakit para sa'kin.

That Nerdy ChicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon