DJ ♕
Lumabas ako ng kwarto ko dahil hindi ko makita yung phone ko. Naiwan ko ata somewhere o baka nakita ni Yassi.
Hahanapin ko na sana siya sa kitchen nang marinig ko siyang umungol sa loob ng kwarto niya. Wtf?!
Kinatok ko ng tatlong beses yung pinto niya bago ko binuksan. "Anong nangyari?" tanong ko. I saw her sitting on her bed.
"Ah.. eh.. wala. Ano.. ito yung phone mo, nakita ko sa sala kanina." sabi niya at ibinigay na sa'kin yung phone ko.
"Si Dash?" tanong ko.
"Nasa kwarto na niya, pinapatulog ni Yaya."
Nag-thank you lang ako at bumalik na sa kwarto ko. Chineck ko kung may naiba ba pero wala naman kaya humiga na ulit ako sa kama ko at itinakip yung braso ko sa mata ko para matulog.
Dinadalaw na 'ko ng antok nang mag-vibrate yung phone ko. Someone's calling.
Reyna Chandria ♥ calling...
Yun pa din yung pangalan niya sa phonebook ko. Hindi ko pinalitan. Bakit ko naman papalitan kung siya parin naman diba?
Sumandal na muna ako sa headboard ng kama at sinagot yung tawag niya.
Hindi pa 'ko nakaka-hello nang mag-salita na siya.
("Wag kang mag-sasalita. Hayaan mo lang akong mailabas 'to lahat. Just listen hanggang sa i-end ko yung call. Okay? Promise me, DJ.)
"O-okay. Promise."
I heard her sigh on the other line before she started speaking. I stayed still and kept my mouth shut.
("I waited for 3 hours in the restaurant I texted you. Was expecting that you'll come but you didn't. Gusto ko lang namang malinaw na ang lahat before we leave the country.
I adopted Kristyn from the Orphanage already. At kasama namin siya sa pag-alis papunta sa Paris. For good. The plan depended on you. Sabi ko sa sarili ko, kung kami ang pipiliin mong makasama then we'll stay. Pero sa nangyare kanina, I think you're choosing Yassi and Dash. And I understand.
I hope you're happy at sana mag-bunga ulit yung pag-mamahalan niyo ni Yassi. Build a happy family. Learn to love her and your child/children. Wag mo na 'ko alalahin. I'll be okay.
Mag-sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. Kasi sobrang sakit, DJ. To think na sinagot mo yung tawag ko kanina just to let me hear your other girl's moans while you were both making love. Sobrang sakit.
Hindi lang durog yung puso ko eh. Durog na durog na durog. You shattered it into tiny pieces na kahit siguro ako hindi ko na alam paano ko pa bubuuin ulit.
Sobrang dami ko nang sakit na pinag-daan, and here I am once again. Running away from it. Yun naman ako eh. Ang babaeng tinatakbuhan ang mga problema.
Bakit ko nga ba tinatakbuhan? Kasi durog na ko. Alam ko kasi na kapag hinarap ko pa yun, ikamamatay ko na. Kasi hindi ko na kakayanin.
I'm in deep pain at hindi ko alam kung makaka-ahon pa ba ako. I'm broken as fck. Hindi na kakayanin pa ng puso ko ang isa pang problema. It will be the death of me.
DJ, have you asked yourself already? Is everything worth it?
Have you asked Yassi? Is Dash really your son? Or she's just trying to keep you away from me?")
Hindi ko alam ang isasagot ko. May gustong kumawalang mga salita sa bibig ko pero hindi iyon bumubuka para mag-labas ng salita. I just found myself crying nang marinig ko ang boses ng announcer sa airlines para sa flight.
"C-chandria.. wag mo 'kong iwan.."
("Pa'no ba yan? Tinatawag na yung flight namin eh.") then I heard her sly laugh.
"Chandy.. Wag.."
("I won't address myself as Kathryn or Chandria anymore. Because I've proven myself already as Kathryn Chandria.
If you ask me, who's Kathryn?
Siya yung nerd na mahilig sa libro, manang manamit, panget, may bestfriend ding nerd at yung babaeng pinag-pustahan ni Enrique at ng tropa niya.
Then, who's Chandria?
Siya yung bratinellang bitch na bumalik para mag-higanti kay Enrique, classy, masama, hinanap niya yung bestfriend niyang nerd na iniwan niya at siya, siya yung babaeng palaban sa lahat ng bagay.
Now, if you ask me. What's the difference of Kathryn and Chandria to Kathryn Chandria?
Si Kathryn Chandria, siya ako. Yung babaeng nag-mahal, nasaktan, lumaban, pero nasaktan ulit at patuloy na lalaban hanggang sa kaya niya pang sabihing kakayanin niya pa.
Mahal na mahal na mahal na mahal kita, DJ. Until we meet again.") then she hanged up.
Third Person ♤
Galit na galit na lumabas si DJ sa kwarto niya at pinuntahan si Yassi. Wala na siyang pake kung babae pa siya o kung anuman. Ang importante sa kanya ay si Chandria, at kung ano ang ginawa ni Yassi dito.
Nang buksan ni DJ ang pinto ng kwarto ay nagulat pa si Yassi nang makita si DJ dun.
"O' DJ? Bakit? May kailangan ka?" patay malisyang tanong ni Yassi.
Pumasok naman si DJ sa loob ng kwarto at hinawakan sa magka-bilang balikat si Yassi. Hindi naman agad siya naka-react dahil madiin ang pagkaka-hawak ni DJ dun.
"Sabihin mo nga sa'kin, anong sinabi mo kay Chandria?" tanong ni DJ.
Kumunot naman ang noo ni Yassi. "H-huh? W-wala..."
Lalong nainis si DJ sa pag-tanggi ni Yassi kaya nama'y mas idiniin niya ang hawak sa braso nito.
"Anong wala? Sagutin mo 'ko ng maayos! Alam kong may sinabi ka kay Chandria! Putang*na, Yassi! Yung itali mo 'ko sa'yo habambuhay, okay lang sa'kin. Bakit? Kasi nakikita ko pa si Chandria, malapit lang siya sa'kin! Pero ngayon? Aalis na siya papuntang Paris! Sige, sabihin mo sa'kin paano pa 'ko mabubuhay ng maayos nito?!" galit na galit na sabi ni DJ.
"B-bitawan mo 'ko! N-nasasaktan ako, ano b-ba!" pag-pupumiglas ni Yassi pero hindi parin siya binibitawan ni DJ.
"Lalo kang masasaktan pag di ka nag-sabi ng totoo!" naiinis na si DJ at nasasaktan na din si Yassi kaya nama'y sumagot na talaga siya.
"Wake-up, DJ! Hindi kayo bagay ni Chandria!" nabitawan siya ni DJ dahil sa sinabi niya.
"At sinong bagay sa'kin? Ikaw?" sarkastikong tanong ni DJ.
"Yes. No one else but me." confident na sagot naman ni Yassi.
Nag-smirk naman si DJ sa kanya, "Kung yan ang iniisip mo, may sapak ka na. Maluwag na turnilyo mo sa utak. Tandaan mo Yassi, mag-pakasal man tayo, may anak man tayo, si Chandria parin ang mahal ko." tumawa ng mapait si DJ. "Ni di ko nga alam kung anak ko ba talaga yang si Dash eh!" huli niyang sabi bago lumabas ng kwarto.
DJ ♕
Pumunta ako sa isang bar sa loob lang ng village. Naiinis ako. Nasasaktan ako. Iniwan ako ni Chandria. Tang naaa!!!
"Hard drink." sabi ko sa bartender nang maka-upo na 'ko sa bar counter.
Binigyan niya naman ako ng isang baso nun at ininom ko agad yun ng straight.
Bali-baliktarin mo man ang mundo, alisin mo man yung puso ko mula sa katawan ko, iisa lang ang magpapa-tibok nito. Si Chandria lang. Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo lang. Siya lang.
BINABASA MO ANG
That Nerdy Chic
Fanfiction"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp